Chappy 29:You're mine♡

410 8 0
                                    

Zyra's POV

Saya.

Tuwa

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.

Nasa tapat na kami ng bahay.

"Finally, You're mine"

"Sus"

"Pano ang papshie mo? Baka magalit siya"

"Hindi yun, sasabihin ko sakanya yung totoo na hindi naman talaga tayo magkapatid, Yun lang naman ang ikinagagalit niya"

"Sana...Sige pasok kana"

"Alis ka muna"

"Pumasok kana, At aalis din ako"

"Okay. Bye! Good night"

"Goodnight Love"

"Love!?"

"Oo, yun yung endearment natin"

"Oh di sige! Goodnight Love!"

Corny talaga ni Lance kahit minsan.

Pagpasok ko nakita ko si papshie na masama ang tingin sakin.

"Goodevening po papshie"

Mag-mamano na sana ako kaso hindi man lang niya inabot ang kamay niya.

"Hindi ka talaga nakikinig sakin no? Ano yun? Ano yung nakita ko?"

"Papshie, Highblood ka naman masyado eh,May good news ako!"

"Sagutin mo ako tanong ko"

"Papshie, Kami na"

"ANO!? LINTIK NAMAN ZYRA! HINDI MO BA MAINTINDIHAN!? MAGKAPATID KAYO!"

"Papshie! Kumalma ka nga!"

"PANO AKO KAKALMA KUNG SINUSUWAY MO AKO!?"

"Papshie, wait lang magpapaliwanag ako, Ako at si Lance ay hindi magkapatid, Ampon lang si Lance Papshie!"

Tuwang-Tuwa sambit ko

"Layuan mo siya"

"Po-?"

"Layuan mo siya!"

"Papshie! Hindi nga kami magkapatid!"

"KAHIT NA!"

"Ano na naman ba Papshie? Bakit pinipilit mo kaming ilayo sa isa't- isa! Hindi mo pa nga nasasagot lahat ng mga tanong ko dinagdagan mo na naman ngayun! Teka nga, May hindi ka pa ba'ng sinasabi samin papshie?"

"Anong nangyayari dito? At nagsisigawan kayo Cesar at Zyra!"

Natatarantang tugon ni Momshie na kasama si Zayna na lumabas sa kani-kanilang kwarto.

"KASI ETONG ANAK MO! SINUSUWAY AKO!"

"Hindi kita susuwayin papshie pag nasa tama ka, Momshie marami pa'ng hindi nasasabi satin si papshie, oh wait? Satin? Baka samin lang pala ni Zayna. Baka alam mo na ang lahat momshie"

"Ate....."

"Anong koneksyon niyu sa pamilya ni Lance? Bakit nalaman niyu agad kung sino ang tunay ko'ng ama? At hindi niyu pa nasasagot ang tanong ko kung saan kayo kumuha ng pera nung na-ospital ako, dahil hindi niyu naman talaga sinangla ang wedding rings niyu. Sabihin niyu sakin ang lahat papshie! Buong buhay ko, Nabuhay ako sa kasinungalingan..."

"Magkaibigan kami ni Bernardo, noon pa. At nung wala na siyang mapagbilinan ng anak niya, ipinaubaya ka niya samin"

"Bakit? Bakit niya ako ipinagbigay?"

"Wala ako sa lugar para sabihin sayo ang dahilan niya, siya lang ang may karapatan na sabihin sayo..."

"Anak. Si bernardo lahat ang nagbabayad ng tuitions mo, pati nung na-ospital ka"

Sagot sakin ni Momshie.

"Pero bakit ngayun na alam mo na papshie na hindi talaga kami magkapatid ni Lance pero inilalayo mo pa rin kami sa isa't isa?"

"Tulad ng sinabi ko kanina. Si Bernardo lang ang makakasagot sa lahat ng katanongan mo"

"Anak.. Kailangan mo'ng kausapin ang totoong tatay mo"

Hindi na lang ako sumagot at dumeretso na lang ako sa kwarto ko at agad na nagbihis at humiga sa kama.

Ang dami-dami ko nang problema.

Parang nalulunod ako sa sakit ng nararamdaman ko.

Bakit naging ganito ka komplikado ang buhay ko?

*beep*beep*

From: Lance

Hello Love! Tulog ka na ba? BTW nakauwi na ako.

----

Pinalitan ko ang name ni Lance sa Cellphone ko.

To: Love💕

Nope. Hindi pa ako inaantok.

------
From: Love💕

Ganun ba, Can i call you?

-----

To: Love💕

Sure.

--

Wala pa'ng isang minuto, Tinawagan niya ulit ako.

[HI LOVE!]

"Sobrang saya lang ha?"

[Syempre! Girlfriend na kaya kita]

"Sus"

[Oh? Ang lungkot mo yata?]

"Si Papshie kasi...Gusto niyang lumayo na naman ako sayo, kahit alam niya na hindi naman talaga tayo magkapatid."

[Sorry...]

"Oh? Ba't ka naman nagsosorry?"

[Lagi na lang kayo nagtatalo ng papshie mo dahil sakin]

"Ano ka ba! Hindi naman dahil sayo yun, Marami kasi ako'ng tanong na ayaw niyang sagutin at sabi niya ang daddy mo lang ang makakasagot sa maraming tanong ko kaya kailangan ko siyang kausapin"

[Correction lang ha, Daddy mo hindi Daddy ko]

"Ganun na rin yun, kasi kahit ano'ng mangyari si Papshie pa rin ang tatay ko at ang Daddy mo pa rin ang ang Daddy mo"

[Wag mo nga'ng sabihin yan]

"Sige na Lanc--Love matutulog na ako"

[Okay love, Sleep well, Goodnight, See you in my dream, I LOVE YOU! Mwah!]

"Sobrang tamis mo na love baka langgamin na ako dito. Hehe, Goodnight din Love! I love you too! Mwaaah!"

At agad ko naman'g binaba ang telepono ko.

Pero wala pa isang minuto may natanggap ako'ng message..

Si Lance siguro.

From: 09143******

Hindi pa tapos ang kalbaryo ng buhay mo ZYRA KIM NACION, Nagsisimula pa lang ako.

--------

Nabitiwan ko bigla ang cellphone ko. Tinawagan ko ang number na yun pero cannot be reached.

Bigla na lang ako'ng kinabahan.

Sino to?

Bakit ganito ang message niya sakin?





Her Hottie Celebrity BoyfriendWhere stories live. Discover now