Zayna's POV (First time Hehe)
Tulala lang ako sa classroom habang naghihintay sa prof. Namin may mahalagang announcement daw siya.
Late na naman siguro si Terrence. As always...
Si Terrence ang bestfriend ko. Mula pagkabata kaibigan ko na siya. Pero bwesit na puso to. Hindi na kaibigan ang turing ko sakanyan. Yeahh. I am secretly inlove with him. Tanga ko noh? Minamahal ko pa din siya kahit may gusto na siyang iba.
"GoodMorning class"
"Goodmorning Ms. Alvarez"
"Next week we will have---"
*tok tok*
"Goodmorning Ms.Alvarez"
"Late ka na naman Mr. Fordale"
"Traffic po kasi "
Naku. Palusot. Ang sabihin niya gabi na naman siya natulog kakachat kay Ella.
"Yan na lang ba ang isasagot mo palagi pag nale-late ka?"
"Eh. Palagi naman talagang traffic"
"Jusko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Mr. Fordale. Sit down"
Papunta na siya sa upuan na katabi ko. Pangiti ngiti pa ang mukong
"Sobrang saya mo yata ngayun?"
"May good news ako!"
"Oh? Ano naman?"
Inakbayan niya pa ako at bumulong na
"Kami na ni Ella"
Ouch.
"Huh?-ahh-- Congrats"
"Sobrang saya ko talaga! Sa isang taon na panliligaw ko sakanya. Finally! Sinagot niya na ako"
"Mr.Fordale & Ms. Nacion, pwde nyu bang eShare samin ang pinaguusapan niyu?"
"Po? Ahh- wala po"
"Tumahik kayo kung ayaw niyung palabasin ko kayo"
BWESIT. Pahamak talaga to'ng si Terrence
"Class, next we will have a Mr and Ms.Campus. Every section dapat may representative. Who are willing to join?--wala?"
"Si Ella at Drake daw ang pambato ng star section!"
Dinig ko sa isang kaklase ko.
Hindi ko namalayan nakataas na pala ang kamay ko.
"Ms.Nacion?"
"Uy. Sure ka?"
"Huh? Oo naman terrence..Ms! Ako po"
"Okay. Ms Nacion will be our representative. Okay lang ba yun? "
"Yessss!"
"Meron na tayo para sa ms. Campus. Sino naman ang willing sumali para sa Mr. Campus"
"Si Terrence po!"
Sigaw ng isa ko'ng kaklase
Patay na. Wag kang pumayag please.
"Sige Ms. Sasali po ako"
"SURE KA!?"
"Oo naman! Bakit ayaw mo ba akong kapartner?"
Hindi ko na lang siya sinagot.
"So, Mr. Fordale and Ms. Nacion will be our representative for Mr. And Ms. Campus"
"Ohmaygaaadd! Bagay sila!"
"Ayieeee"
At napuno ng tuksuhan ang buong classroom namin
"Naku. Kaibigan ko lang to'ng si Zayna. Kayo talaga. Diba Nana?"
Nana kasi nickname ko.
"Huh--? Oo naman! We're bestFriends."
Ginulo niya pa ang buhok ko.
"Terrence! Kaka ayos ko lang niyang buhok ko eh"
"Alam mo. Habang lumalaki ka nagiging maarte kana"
"HOY! HINDI AKO MAARTE "
"Joke lang HAHAH"
"Ayiiiieeee! Begey telege shelaaa!"
Nanunuod pala samin yung mga kaklase namin.
"Class. Tama na yan. Namumula na si Ms. Nacion Hahha"
At sumabay pa talaga si Ms. Ha?
Ang init init na ng pisngi ko Bwesit.
"MAGKAIBIGAN NGA LANG KAMI!"
Napasigaw pa ako. Bwesit
"OH EDI MAGKAIBIGAN LANG! HAHAHAH"
At sabay sabay pa talaga sila ha?
Nakakainissss!
Kinurot pa ni Terrence ang pisngi ko. Bwesit wag mong gawin sakin yan. Lalo lang akong nahuhulog.
"Ang cute cute mo talaga"
"Terrence ano ba!? Hindi na nakakatuwa "
"Okay. Sorry.."
Haay jusko! Bwesit na araw na to.
Sana hindi na lang ako sumali.
Pero ewan ko ba nung narinig ko na si Ella ang pambato ng star section. Parang gusto ko na ring sumali.
Gusto kong lamangan siya
Gusto kong matalo ko siya.
Ewan ko ba...
-----
A/N
Saan kayo?
Team ZayRence?(zayrens)
Or
Team ElRence (elrens)
YOU ARE READING
Her Hottie Celebrity Boyfriend
RomancePero hindi pa rin sya umaalis, titig na titig lang sya sakin. HALA! NYARE SA KANYA? Palapit sya nang palapit sakin. Atras naman ako ng atras. Hangang sa makorner nya ako at wala na akong maatrasan. Hahalikan nya ba ako?! Jusko! "I'm Lance and I'm y...