Chappy 25: Friendship Over ♡

392 5 0
                                    

Zayna's POV

Bumaba na kami ng stage pagkatapos tanghalin ang nanalo.

Kahit hindi kami nanalo, ang saya-saya pa rin ni Terrence. Sabagay, Girlfriend niya naman ang nanalo😓

"Nana! Huhuhu! Okay lang yan! Infairness ang galing mo kanina"

Bati sakin ni Ate na kasama pa si Kuya Lance.

"Kuya Lance, Thank you sa pagpunta, pasensya na, nasayang ko pa ang time mo, hindi naman ako nanalo"

"Wala yun bayaw"

"BAYAW?!"

Sigaw ni Ate.

"Hehe. Dun naman kasi pupunta yun."

"Tsss."

"Sige ate, mauna na kayo'ng umuwi "

"Sige "

Umalis na nga sila. Pinapalo-palo pa ni Ate si Kuya Lance.

Haysss. Ang swerte ni ate.

"Better luck next time Zay"

Mataray na sambit ni Ella.

Bwesit

"Congrats baby"

"Thank you baby😊"

Ang lalandi.

"ELLA! HALIKA DITO. MAY PICTURE TAKING TAYO!"

Sigaw ng adviser nila.

"Nana..okay lang yan kahit hindi tayo nanalo"

Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko.

"Zay? Bakit ka umiiyak? Okay nga lang yun, may next tim---"

"PARA SAYO OKAY LANG! KASI GIRLFRIEND MO NAMAN ANG NANALO! PERO SAKIN HINDI!"

Tapos tumakbo ako.

Rinig ko pang tinawag ako ni Terrence  ngunit tinawag din siya ni Ella.

Pumunta ako sa lugar na wala masyadong tao.

Sinundan ako ni Terrence.

"ZAYNA! Ano ba'ng nangyayari sayo!? Hindi kita maintindihan! Contest lang yun"

"KAHIT NA! OKAY LANG SANA NA NATALO AKO AT HINDI SI ELLA ANG NANALO! "

"ANO BA ANG PROBLEMA MO KAY ELLA!?"

"GUSTO KO SIYANG LAGPASAN! GUSTO KO SIYANG TALUNIN SA LAHAT NG BAGAY!"

"NAIINGGIT KA KAY ELLA?"

"OO!! NASA KANYA NA ANG LAHAT! PATI IKAW! SAKANYA NA!"

"ZAYNA! ANO'NG IBIG MONG SABIHIN?"

"ANG MANHID MO! ANG BULAG MO! BAKIT HINDI MO MARAMDAMAN NA MAY GUSTO AKO SAYO? OO, MAHAL KITA TERRENCE, PERO ANG SAKIT! DAHIL MAY MAHAL KA NANG IBA!"

"Zayna..."

"AT YUN ANG PINAKAMALAKING PAGKAKAMALI KO! THAT I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND.."

"Sorry..."

"Umalis ka na lang, pabayaan mo na lang ako dito"

Sinunod niya naman ang sinabi ko.

Ang sakit!!!

Sana hindi na lang siya ang minahal ko. Sana ang iba na lang...

"Oh"

May umabot sakin ng panyo.

"Drake..."

Kinuha ko naman yung panyo.

"Salamat."

Her Hottie Celebrity BoyfriendWhere stories live. Discover now