Hubert's POV
Pumunta ako sa bahay ni Ate Zyzy. Alam ko kung san yun kasi minsan pinapapunta kami ni Ate Zyzy dun para kumain. Magpapaalam lang sana ako kasi kukunin at patitirahin na kami ng isa naming kamag-anak.
Pagdating ko dun wala si Ate Zyzy. Narinig ko ang mama niya na may kausap sa kabilang linya.
Narinig ko na umiiyak na ang mama niya. At sabi daw nasa hospital si Lance. Parang siya yung kasama ni Ate Zyzy nung unang araw na nagkita kami.
Sinundan ko naman kung saan pumunta ang mama ni Ate Zyzy.
Pagdating dun nakita ko na nag-uusap silang lahat sa loob tapos may kasamang pulis.
Ano kaya ang nangyari? At nasan si Ate Zyzy?
Naghanap muna ako ng mauupuan at hinintay hanggang matapos ang pag-uusap nila.
Ilang oras na ang nakalipas at nandito pa rin ako.
Nung si Kuya Lance na lang ang naiwan. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Pero napatigil ako dahil narinig ko ang boses ni ate Zyzy. Pinapanood siya ni Kuya Lance sa cellphone niya. Nakita ko na nakagapos si Ate Zyzy at tinapunan ng gas yata.
Pagkatapos panoorin ni Kuya Lance yun agad niyang inalis lahat ng naka kabit sakanya. Sinara ko muna ang pinto para hindi niya malaman na nandito ako.
Sinundan ko siya nang Hindi niya alam.
Sigurado ako na pupunta siya kay Ate Zyzy.
Pumasok ako sa likod ng sasakyan niya nang Hindi niya pa rin alam.
Mas okay na to kasi pag malaman niya na sasama ako baka hindi niya ako payagan.
Pagdating dun, Lumabas agad ako. Nakita ko na lang nasa loob na si Kuya Lance kasama si Ate ZyZy.
Kailangan ko silang tulungan. Kumuha ako ng isang metal na tubo at pumasok rin sa loob pero nagtago muna ako sa gilid.
Nakita ko na tinapon ng isang matanda ang lighter niya ngunit hindi ito umapoy, Tumakbo sila Ate Zyzy at Kuya Lance ngunit pinaputukan sila ng baril pero buti na lang at hindi sila natamaan.
Nakipag-away si Kuya Lance sa mga lalaki, mga tauhan ng Matanda.
Napatumba niya lahat at nawala na rin ang matanda.
Sa likod ni Ate Zyzy may babae na may hawak na baril. Pinalupot niya yung kamay niya sa leeg ni Ate Zyzy at tinutok sa ulo.
Tumakbo ako sa gawi nila at hinampas ang babae.
Natumba siya.
Pinutok niya ang baril dali-dali ko ito sinangga.
Napahiga ako.
"HUBEEEERRTTT"
Xander's POV
Hindi ko na kilala ang Edgardo ngayun. Yung tumayong ama ko.
Nag-iba na siya...***********FLASHBACK**********
"ARAAAYY"
Sigaw ko dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko.
Siguro dahil sa pagkain na kinain ko kanina na galing sa basurahan.
"Ijo? Okay ka lang ba?"
Tanong sakin ng isang lalaki.
"Ang sakit po ng tiyan ko"
"Ano ba ang huli mo'ng kinain?"
"Yung spaghetti po....... na ..galing sa basurahan"
"Bakit mo kinain? Madumi na yun"
"Gutom na gutom na po kasi ako"
"Ganun ba? Oh sige.. sumama ka sakin"
"Huh? San po?"
"Sa kainan."
"Ayoko po."
"Bakit naman?"
"Hindi po ako nagtitiwala sa mga hindi ko ka-kilala"
Nabiktima na kasi ako nun. Syempre bata pa lang ako kaya madali akong ma-uto. Buti na lang at nakatakas ako sa taong kumuha sakin at ginawa pa ako'ng magnanakaw.
Nginitian lang ako ng lalaki at sumakay na sa kotse niya.
Pagkalipas ng ilang minuto. May umabot sakin ng plastic.
Pagkain ang laman.
"Oh yan. Pwede mo naman sigurong kainin yan diba? Wag kang mag-alala mabuti ako'ng tao."
Sabi ng lalaki na nag alok din sakin kanina.
Dahil gutom na gutom na ako. Kinuha ko ito at kinain.
Umupo siya sa tabi ko.
"Hinay-hinay lang ijo, ano pala ang pangalan mo?"
"Shander po"
Sagot ko. Xander name ko. Hehe. Puno pa kasi ng pagkain ang bunganga ko.
"Ako naman si Edgardo."
Tinanguan ko lang siya at pinatuloy ang pagkain ko.
******END OF FLASHBACK******
Yun ang una naming pagkikita.
Simula noon. Naging close kami, lagi niya akong dinadalhan ng pagkain pati mga damit. Ang bait-bait niya sakin.
Nung araw na kinuha ako ng DSWD dahil palaboy laboy lang ako sa kalsada. Siya ang kumuha sakin dun at inampon ako. Lahat ng gusto ko binibigay niya sakin. Pero nung malaman ko na namatay ang mag-ina niya dahil kay Bernardo na yun. Ako mismo ang nagplano. Dahil nasasaktan ako dahil nasasaktan si Daddy.
Hindi sigurdo si Daddy na anak talaga ni Cesar si Zyra kaya para malaman ang katotohanan niligawan ko si Zyra at jinowa siya. Pero kahit kunting impormasyon wala ako nakuha. Kaya hiniwalayan ko siya.
Pero nung nawala sakin si Zyra dun ko na realize na mahal ko na siya.
Kaya bumalik ako sa buhay niya pero hindi alam ni Daddy. Kaso kahit anong tago ko. Nalaman niya pa rin. At nagsimula naman ulit ang plano. Kahit ayokong gawin. Wala akong magawa. Malaki ang utang na loob ko kay daddy.
Nung kinidnap niya si Zyra.
Gustong-gusto ko na talaga na tulungan siya, pero hindi ko magawa.
Pinalitan ko ng tubig ang gas na dapat na ibubuhos kay Zyra. Amoy Gas ito dahil naiwan yung amoy sa Container para hindi malaman na tubig lang ito.
Pagkatapos ko yung gawin. Tinawagan ko ang mga pulis.
Gusto ko'ng magbago si Daddy.
Kaya gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa dati. Dahil tinuring ko na siyang tunay na ama.
YOU ARE READING
Her Hottie Celebrity Boyfriend
RomancePero hindi pa rin sya umaalis, titig na titig lang sya sakin. HALA! NYARE SA KANYA? Palapit sya nang palapit sakin. Atras naman ako ng atras. Hangang sa makorner nya ako at wala na akong maatrasan. Hahalikan nya ba ako?! Jusko! "I'm Lance and I'm y...