1

392 13 2
                                    

"Alystra! Bumaba ka na nga! Lalamig yung pagkain" sigaw ni mom

I fixed my hair and my uniform first at bumaba na.

"Anong pagkain" tanong ng nakakatanda kong kapatid na halos kasabay ko lang bumaba.

"Wag na maraming tanong, kumain ka na lang" sagot ni mom

"Itlog na naman?!" Sigaw ni Kuya Hem

"Wag ka ngang maarte! Kung ayaw mo, edi wag kang kumain!" Sabi ni mom

Imagine if pancake tapos hot choco yung breakfast namin? It would be so good.

"Kuya! Akin yung scramble!"

"Anong sayo? May pangalan ba?"

"Hmp"

Imagine if my kuya has a girlfriend. Siguro hindi na niya aagawin yung scramble egg ko. If may girlfriend siya siguro tutok yun sa cellphone.

Pagkatapos namin kumain ay nagcommute na ako papuntang school. College na si kuya kaya iba ang way niya.

Pagpasok ko sa school ay agad akong pumunta ng classroom.

Binati ako ng mga classmate ko ng good morning at ngumiti lang ako sa kanila.

"Uy Sera, punta tayo KFC mamaya!" Rinig kong Sabi ni Deemie

"Ah sige, basta kasama si Andrew!" Rinig kong sagot ni Sera

Ang lalandi talaga. Basta kasama ang crush nila ay sasama na sila. Hindi lang yun, puro sila lakwatsya!

Ang bababa na nga ng grades, puro layas pa ang inaatupag.
Teens these days.

Wag nila akong hihingian ng notes kapag malapit na ang exam. Manigas sila.

"Hi" Bati sa akin ni Lyan

"Hello" bati ko pabalik

"Oyyy! Problemadong problemado na naman si Alys" sabi ni Elson sa likod ko na katabi si Vin

"Shut up, please" sabi ko at inilabas ang phone ko

"Peram phone" sabi pa niya

"Asa" sagot ko

Imagine if this guy is gay, I wouldn't have any problems with being friends with him. Edi sana walang nagsasabing may crush to sa akin.

Naglagay ako ng earphones katulad ni Lyan para hindi marinig ang mga kabaliwan ni Elson.

Imagine if may mga friends ko, I wouldn't be so bored right now.

Ilang minutes ay dumating na ang teacher namin. Everyone was shocked kasi usually hindi pumapasok si Sir Kolen na adviser namin kapag Wednesday tuwing homeroom

"I'm going to introduce you to a new student. From now on he'll be your classmate" Sabi ni sir

"Omg, 'he' daw!" Rinig ko

"Sana gwapo"

"Hala sana sa atin siya makiupo"

Umiral na naman ang kalandian nila.

Pumasok ang lalaki at ngumiti labas ngipin. Yuck.

Black hair, average height, medyo maputi at maganda ang figure ng katawan, uh gwapo?

He doesn't interest me. Gwapo nga, may utak ba? Well, let's see.

"Hi, I'm Eleven Klarin Fulvous. Nice to meet all of you" Sabi ng lalaki

"Sit there" Sabi ni sir and pointed to the chair beside me

"Sir, Jasen sits here" sabi ko naman. Hindi pa kasi pumasok si Jasen dahil suspended siya. Nakipag-away kasi. But bukas na ang balik ni Jasen at wala na siyang babalikan na upuan.

Imagine IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon