Di ko muna sasabihin kay mama yung tungkol sa receipt. Hahanapin ko muna yun. Baka yung babaeng katabi ko kahapon alam kung nasaan yun.
Naghanap din ako sa library pero wala daw binalik sa kanila or nakita.
Pumasok ako sa classroom na problemadong problemado.
Oh life, why don't you give me a break? Bigyan mo ako ng kitkat ganun? O kaya snickers dahil gutom na rin ako.
"Uyyy Alys!" Bati ni Elson
"Wag mo ko kausapin" sabi ko at naglagay ng earphones.
Music lang naman ang stress reliever ko. Any music genre works basta music.
Nagulat ako ng inalis ni Eleven ang earbuds ko at sinigawan ako sa tenga. Bwesit!
"HOY! Walang hiya ka! Pag ako nabingi ikaw sisisihin kong hayup ka!" Sigaw ko at nagsimula siyang tumakbo na hinabol ko naman
"HOY! Ten plus one! Magbabayad ka! Pag ako nabingi, pagbabayarin kita!" Sigaw ko habang tumatakbo nang biglang may nabunggo ako.
It was Elyc. I helped him up and he smiled at me. Jusko, nabangga na nga nagawa pang ngumiti
"Why are you running?" He asked
"I'm chasing that stupid guy" sabi ko at tinuro si Eleven na nasa likod niya
"You mean your boyfriend?" He assumed
"Ew yuck no! My stupid bestfriend." Sabi ko at nakitang tumakbo na palayo si Eleven
"But why are you guys running?" Elyc asked while smiling
"Nananahimik kasi ako sa isang tabi tapos sinigawan niya yung tenga ko. Sakit kaya sa eardrums!" Sabi ko with an irritated voice.
"Sige na. Alis na ako. Pag nakita mo yung lalaking yun sabihin mo magbabayad siya!" Sabi ko at naglakad na pabalik sa classroom.
As usual nakatingin na naman sa akin yung mga tao. Di na to bago sa kanila.
Hayst! Nakakainis naman eh. Nananahimik ako tapos gaganitohin ako? Kaasar talaga!
So bumalik ako sa classroom at sakto ay nandun na ang teacher namin.
Chemistry pa naman subject namin ngayon. Tapos wala pa yung notebook ko!
After a minute ay bumalik din si Eleven with a mischievious smile.
Nagstart ang discussion namin at buti nalang ay may projector kami. Isa to sa computer based na subject namin.
Habang pinapagalitan ni sir ang mga maiingay sa likod, Eleven lean onto me like he was about to say something.
"Don't you dare do that again or I'll kill you" banta ko
"Yup, sorry about that. May sasabihin ako sayo" sabi naman niya
"Mamaya na. Galit pa ako sayo" sabi ko
"Bakit mamaya di kana galit?"
"Galit parin. Basta, wag mo muna ako kausapin. Kainis kayo" sabi ko at tumahimik nalang siya
"May regla ka ba?"
"Parang awa mo na. Tigilan mo ko" sabi ko at tumawa naman siya ng mahina
Tumawa pa siya hmp! Akala niya nakakatuwa yung ginawa niya. I hold grudges by the way.
Nagkaroon naman kami ng group project. But this time, kagroup ko si Elson at si Eleven ay group si Deemie.
Magkatabi lang groups namin dahil group 3 kami at 4 sila.

BINABASA MO ANG
Imagine If
Fiksyen Remaja(Imagine #1) Alystra, a girl with an aloof attitude and hate flirts meet again with her childhood bestfriends who lost his childhood memories. Little did she know, the story is more deeper than that. Threats and mystery keeps coming on her way and m...