19

61 11 0
                                    

Alystra's POV

Pagkauwi ko ay agad akong nakatulog dahil sa pagod. Buti nalang walang practice ngayon dahil baka himatayin ako.

Pagkagising ko ay hinanap ko agad ang cellphone ko. Nagulat ako ng makitang naka 24 missed calls si Ocean.

"Hala, ano kaya problema nitong babaeng to" bulong ko sa sarili at tumayo na para bumaba at kumain. Binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan si Ocean pero wala itong sagot. Tinext ko rin siya at naghintay ng ilang minuto ngunit wala parin na sagot.

"Anak, bakit kanina ka pa nakatingin sa selpon mo?" Tanong ni mama

"Eh kasi nakailang tawag si Ocean kanina, baka kung ano na ang nangyari dun" sagot ko naman

"Gusto mo bang tawagan ko nalang si Jeria?"

"Hindi na ma, kakausapin ko nalang siya siguro bukas. Baka nakatulog lang yun" sagot ko naman

"Oh sige" sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

Pagtapos kumain ay dumeretso ako sa kwarto at gagawa ako ng presentation para sa report namin next week.

Sa dami ng irereport namin ay inabot ako ng alas dos ng madaling araw bago ito matapos

Maghahalf bath na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, tawag mula kay Ocean, sinagot ko ito agad.

"LYST!" Sigaw nito

"Ano ba! Gabing ga--"

"Alystra makinig kang maigi, hindi ko alam kung makakausap pa kita after this per--"

"Anong drama to? Tigilan mo ko ah"

"MAKINIG KA MUNA! May nalaman ako tungkol kay Eleven at sa kapatid niya, alam ko na ang lahat. Isesend ko sayo lahat ng eviden--" napahinto siya sa sinasabi niya at naririnig ko lang ay ang kanyang hininga.

"Ocean?! Nandyan ka pa ba? Nasaan ka ba kasi?! Ano na?!"

"Nasundan nila ako, kelangan ko na umalis."

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Ocean?! Hello?" Napatigil ako sa pagsasalita ng makitang binabaan na niya ako.

What's happening to Ocean?

Agad agad kong tinawagan si Brail para ipaalam sa kanya ang tungkol sa tawag sa akin ni Ocean.

"Be there in a sec. Wag kang gagalaw" sabi ni Brail at tsaka binaba ang tawag.

Sabi ni Ocean ay may isesend siya sa akin, kaya naghintay ako na tumawag siya or magtext man lang, pero isang oras na ang lumilipas ay hindi pa din nagpaparamdam si Ocean.

Narinig kong may nag doorbell kaya agad akong bumaba galing sa kwarto at binuksan ang gate.

"Sorry, traffic na kasi ngayon" sabi ni Brail

Madaling araw na ah? Traffic pa?

"Brail, anong gagawin natin? She told me na alam na niya lahat ang tungkol kay Eleven at may isesend siya but wala pa din! She also told me na may sumusunod sa kanya. Nasa panganib si Ocean!"

"Sino naman ang susunod sa kanya?"

"Tanga ka ba? Edi yung kampon nung unknown na yun! Di ko na alam ang gagawin ko"

"Should we inform the police about this?" He asked

"Yes, but we can't tell them about unknown. And alam mo yung sa kdrama? Yung tinatrack nila yung location ng isang tao using phone? We can also do that in philippines diba?"

"I believe so."

Agad agad kaming nagpunta sa police station.

"Sir, yung kaibigan po namin may sumusunod po sa kanya na masasamang tao, please tulungan niyo kami, kelangan po namin siya hanapin dah---" naputol ang sinabi ko ng umiling ang pulis

Imagine IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon