50

95 10 0
                                    

1 year later...

Napangiti ako nang makita ang mga batang nangangaroling at kumakanta ng kantang pangpasko.

Ang bilis ng panahon. Pasko na.

Sa isang buong taon, sobrang daming nangyare. Buti na nga lang ay ang mga nangyare ay mabuti.

Magaling na si Eleven at ako naman ay bumubuti na ang kondisyon.

"Anak! Bumaba ka dyan! Kain na" Narinig kong sigaw ni mama.

Bumaba ako mula sa aking kwarto at napangiti nang makitang kumpleto kami ngayong pasko.

Si mama Arah, si kuya Hem, si daddy Kenji at si mommy Jeria.

Nagulat nalamang ako nang biglang tumayo si Kuya Hem mula sa kanyang wheelchair at naglakad papunta sa akin.

Napanganga ako sa gulat at niyakap niya ako.

"Suprise!" Sabi niya at hindi ko mapigilan na umiyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit at pati siya ay napaiyak din. Nagtawanan sila mommy at napangiti nalang ako.

"Kuya! Kelan pa?" I asked"

"Last month pa! Gusto lang kitang suprisahin" sabi niya kaya naman pinalo ko siya sa kanyang braso

"Makakapagwrestling na tayo ulit" sabi niya at nagtawanan na lang kaming lahat.

May pancit, spagetti, tinapay, ham, keso at hot choco sa lamesa.

Nagsimula kaming kumain at maya maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng bahay si Ate Ela at si Eleven kasama sila tito Lester at tita Giza pati na rin ang anak nila.

"Oh nandito na pala kayo!" Sabi ni mommy Jeria at pinaupo sila para makikain sa amin.

"Oh mga mare! May dinala akong buttered chicken at coke!" Sabi ni tita Giza at nilagay ang kanyang dala sa lamesa

"Ahaha, ako din tita may dala akong cassava cake at pichi pichi!" Sabi naman ni Ate Ela.

Umupo si Ate Ela sa tabi ni Kuya. Nakakatuwa dahil hanggang ngayon ay hindi niya iniwan si kuya hem.

Sila tito ay tumabi kay daddy at pinagitnaan ni tita Giza si Mommy Jeria at si mama Arah.

Si Eleven naman ay tumabi sa akin.

"Merry Christmas Hux" bati ni Eleven sa akin

"Merry Christmas din Eleven" bati ko pabalik.

Nagsimula na kaming kumain lahat at nagkwentuhan kaming lahat at nagtawanan.

Sa totoo lang, ngayon lang ako naging sobrang saya. Ngayong araw lang ako napangiti ng ganito. Totoo ngang magical ang pasko.

Pagkatapos namin magsalo salo ay nanuod kami ng Kdrama ni Eleven, like we always do.

Isang episode lang tinapos namin at umuwi na sila.

Si Kuya Hem at Ate Ela ay di parin bumabalik dahil mag mimidnight stroll daw sila.

"Nak, hanapin mo nga ang kuya mo. Gabi na baka mapano yung dalawa" utos ni mommy

Kinuha ko ang jacket ko at lumabas ng bahay.

Naglakad lakad ako at hindi ko nakita sila Kuya.

Nagpunta ako sa park ng subdivision namin at umupo sa bench habang nakatingin sa ulap.

Wouldn't it be better of they're here? Would it be better if we all ate together? Wouldn't it be better if we're complete?

All five of us and our families eating together in one table?

Imagine IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon