Davie Jiele's POV
I'm here at my office doing so many works. Tinignan ko naman yung phone ko....
It's been a week na hindi nagpaparamdam sa akin si William. Ano kayang nangyari sa kanya? Kahit kasi text wala akong na receive sa kanya. Last naming nag-usap noong may family dinner sila. Siguro okay na si Julia kaya ganon?
Ahhhh! Bakit ko ba iniisip yun? Nilagay ko naman yung phone ko sa table. Focus sa work Davie! Focus! Huwag mong isipin si William. Huwaaaag! Magkikita naman kami mamaya dahil pag-uusapan namin yung about sa new branch na ipapatayo sa Siargao.
I continue doing my work pero nakaka-antok lang kasi kanina pa ako nag-babasa. Hayyyy! Na-sstress yung brain cells ko. Nakuha naman ng attention ko yung kumatok at pumasok si Theodore.
"Good morning Ms. Natividad". Lumapit naman siya sa akin.
"Good morning Theodore".
"Remind ko lang po na may meeting po kayo with the event planner. Para po doon sa launching ng new face of Scentric this coming Saturday."
"What time?"
"10:00 AM po Ms. Natividad"
"Huh? I have a meeting with Mr. Tyrell with that time diba?"
"Mr. Tyrell called earlier, he canceled the meeting and re-schedule it by next week"
WHAT? Ano ba problema ni William? Tsk!
"Why?"
"Kailangan niya po kasi mag-pahinga dahil kagagaling niya lang sa New York kahapon."
Wow, ang galing niya. Ano to? Kung siya magpa re-schedule ng meeting okay lang pero kung ako hindi pwede? Nakakainis na talaga yang William na yan! Arghhh! Tumayo naman ako at kinuha yung mga gamit ko.
"T-teka Ms. Natividad? Where are you going?"
"Somewhere very important. Ikaw na bahala sa event planner"
Naglakad naman ako papuntang pintuan. "Pero Ms. Natividad, kasi—"
Tinignan ko naman siya at ngumiti. "Thanks Theodore!". Lumabas naman ako ng office at dumeretso sa elevator. Pupuntahan ko si William, ewan... itatanong ko lang kung bakit parang iniiwasan niya ako.
"Oh, good morning"
Napatingin naman ako sa bumati sa akin, he's somewhat familiar....
"Good morning". bati ko rin sa kanya.
"You are the acting president of this company habang wala pa yung daddy mo right? Finally, we meet. I am Peter Legazpi, the COO of this company." He held his hand for a shake hand "I'm Davie Jiele Natividad, a pleasure to meet you, sir". And nag shake hands kami.
Bumukas naman ang elevator at pumasok naman ako, kasunod siya.
"So how are you?"
"I'm good, thank you". Formal na pagkasabi ko sa kanya. "You know, hindi ka mapagkakamalang CEO ng kompanyang to. Look at you, you dress informally"
Eh ano naman pake mo?!
Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti. Ngiting pigil. Ngiting makakasapak ng matanda. Pero kalma lang Davie! Kalma!
"With all due respect sir, I didn't know na may dress code na pala para sa mga president ng Scentric?"
"You should set an example to your employees, you should dress formally. No wonder hindi ka dinadala ng parents mo sa mga events para maging guest speaker, kinukuha pa nila yung anak ko as a guest. She's way too far from the way you dress."
BINABASA MO ANG
My Long Lost Twin's Fiancé (SHARDON)
Fanfiction"Naging complicated ang tahimik kong buhay simula ng maramdaman ko to, this unusual feeling, I feel everytime makita kita or may kausap kang ibang babae. Pero alam ko sa sarili ko na dapat pigilan ko tong nararamdaman ko dahil hindi ako yung mahal m...