Davie Jiele's POV
"A-anong gulo?", tumingin naman ako sa kanya. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin and nagulat ako dahil may tumulong luha sa mga mata niya.
"Kasalanan ko ang lahat...ako ang rason kung bakit na coma si Julianna"
"Alam ko, kinuwento mo sa akin yun diba."
Umupo naman siya sa tabi ko at bumuntong hinanga habang nakatitig sa dagat.
"I'm sorry", Tumingin naman siya sa akin.
"Sorry? Bakit ka nag ssorry?"
"Wala lang, kasi narealize ko na may mga times na nasusungitan kita."
"Psh, bakit ka nag ddrama?"
"Last day na kasi natin ngayon"
Ay oo nga pala, kasi he is ending this deal.
"Sus"
"But thank you because pinayagan mo akong maging girlfriend ka, maging fiance. Pero teka, dapat pala ikaw magpasalamat sa akin? Kasi kung hindi ako dumating sa buhay mo,.baka maging matandang dalaga ka na hindi pa nakakaranas mag boyfriend!"
"Sakalin kaya kita!"
"Biro lang! Haha!
"Doon ka nga!", tinulak ko naman siya paalis sa swing.
"Pikon!". Bigla namang nag ring yung phone niya kaya kinuha niya ito at sinagot.
"Hello Ate Fria, bakit po?..." Bigla namang sumeryoso yung mukha niya. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya "Anong nangyari kay lolo?! Nasaan siya?... Sige papunta na ako!"
"Anong nangyari?"
"Si lolo, sinugod sa hospital"
"Tara na!"
"No Davie, okay lang, ako nalang, remember we ende--"
"Tara na Liam!"
--
Habang nasa daan kami, nararamdaman ko yung sobrang pag-aalala ni Liam sa lolo niya. Pero ginagawa ko ang lahat para makarating na safe doon sa hospital.
Nag stop sign naman yung traffic light. I gazed at him, tahimik lang siya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa to pero kinuha ko yung dalawa niyang kamay at nilagay sa bewang ko. Hindi ko binitawan ang kamay niya, humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko.
"Don't worry, cheer up."
"Thank you, Davie Jiele"
Binitawan ko lang ang kamay niya ng mag go sign na. Pero hindi niya tinanggal yung kamay niya sa bewang ko.
--
Nang makarating kami sa hospital kung saan sinugod yung lolo niya ay agad siyang bumaba at tinanggal yung helmet niya. Tinanggal ko rin ang helmet ko. Hinawakan naman niya yung kamay ko at tumakbo kami papunta sa loob ng hospital. Tinanong namin sa information desk kung saan yung lolo niya.
BINABASA MO ANG
My Long Lost Twin's Fiancé (SHARDON)
Fanfiction"Naging complicated ang tahimik kong buhay simula ng maramdaman ko to, this unusual feeling, I feel everytime makita kita or may kausap kang ibang babae. Pero alam ko sa sarili ko na dapat pigilan ko tong nararamdaman ko dahil hindi ako yung mahal m...