Davie Jiele's POV
It's been a week since bumalik si mom and dad dito sa Pilipinas. It's been a week since bumalik sa normal yung buhay ko. Isabg linggo ko na ring hindi nakikita at nakakausap si William.
Alangan naman e text ko siya, baka sabihin non na miss ko na siya. Ang feeling pa naman non.
I guess bumalik na talaga sa normal yung buhay ko. Yung hindi komplikado, yung chill lang.
After I do my rituals eh bumaba na ako, nakita ko naman sina mom and dad na kumakain.
Lumapit naman ako sa kanila.
"Good morning mom, good morning dad", I kissed them and kumuha ako ng toasted bread.
"DJ, kumain ka na lang"
"Hmm, it's okay mom. Mag ggym ako today eh."
"Oh.. Okay, take care, okay?", sabi ni dad.
Pero hindi parin ako umaalis. I'm just curious about William, kung ano ba nangyari sa kanya ngayon. I just want to ask them.
"Princess, kung may bumabagabag sa'yo, sabihin mo na", nakangiting sabi ni mommy sa akin.
Umayos naman ako ng tayo.
"A-ah, wala naman po...", umiwas naman ako ng tingin habang mahigpit na hinawakan yung helmet ko.
Ngumiti naman si dad habang nagbabasa ng balita sa dyaryo.
"Wow, si Mr. Tyrell pa rin pala yung Top 1 young bachelor ng bansa"
Pumunta naman ako kay dad at tinignan yung binabasa niya sa dyaryo and oo nga, nasa headline siya ng news. Ang gwapo niya sa suot niyang barong.
"Do you like him, princess?"
Tumango naman ako habang tinititigan ko yung picture niya na nakangiti. Pero teka? Bakit pala ako tumango?
"A-uh? Ano po! I like his outfit pero siya po hindi. Nakooo, late na po pala ako! Una na po ako, byeeee"
Mabilis naman ako na naglakad palabas ng dining room pero bago ako lumabas eh may pahabol pa si dad.
"Kinamusta ka niya kahapon, sabi ko you're fine"
Napangiti naman ako pero tumingin ako kay dad na naka poker face.
"Ah, sige po, una na ako"
Pero nakangiti lang sila ni mommy.
---
"Girl! Na ghosting ka na yata ni Fafa Liam"
"Ghosting? Ano yun?"
Kanina pa kasi kami nag-uusap tungkol kay William. Eto kasing baklang to, nangamusta kung okay lng ba kami ni William.
"Yung ituturing kang special tapos biglang isang araw hindi nalang nagparamdam!"
"Eh ano naman ngayon? Wala naman siyang obligasyon na magparamdam sa akin"
Inayos ko naman yung buhok ko. Kakatapos ko lang kasi mag gym, paalis na nga ako eh.
"May obligasyon pa no, yan oh!", turo niya sa suot ko na kwentas. "Pag pinapa-iral kasi ang ego, wala ka talagang makukuha. Nganga! Zero!"
"Hay nako! Ewan ko sayo Jasper! Alis na nga ako!"
Pagkatapos kong magpaalam eh lumabas na ako, hinanap ko naman yung cellphone ko. Pero may biglang tumakip sa mga mata ko. Tumibok naman ng mabilis yung puso ko.
"Wi--", tinanggal naman niya yung kamay niya at nagpakita sa akin.
"Hi!"
Napangiti naman ako.
"Oh, Kyzer, hello"
Yan, Davie, asa pa! Umasa ka paaaaaa! 😒
"I was on my way to my practice ng nakita kita. It's been a week since hindi kita nakita eh, yung last siguro yung sa event na iniwan mo lang ako", nag sad face naman siya at yumuko. Tinapik ko naman yung braso niya.
"Sus! Eto talaga! Sorry! May emergency kasi, babawi ako, kung free ka na, saan mo ba gusto pumunta?"
Tinignan naman niya ako na nakangiti, "sabi mo yan ha?"
Tumango naman ako.
"Model ng isang pinakasikat na perfume company ng bansa ang niyayaya mo pumunta kung saan, handa ka na ba? Baka sasakit bulsa mo ne'to?"
Sumeryoso naman yung mukha niya. I crossed my arms.
"Kakabahan na ba ako, Kyzer?"
"Free ako sa Saturday, medyo busy yung sched ko this week kasi malapit na yung tournament namin. So, see you?"
"Saan ba tayo sa Sabado?"
"Doon pa rin sa kinainan nating streetfood stand"
Napatawa naman ako. "Akala ko kung saan mo gusto pumunta, doon lang naman pala"
"Syempre, mas masarap kaya kumain doon, lalo na pag kasama ka", tumingin naman siya sa akin. Iniwas ko naman yung mukha niya sa akin.
"Ang dami mong alam, hatid na kaya kita? Saan ka ba?"
"Huwag na, dala ko yung bike ko, ikaw lang talaga yung sinadya ko dito. Alam mo na, para ganahan ako mag practice"
"Nakakadalawa kana Kyzer ha, sige na! Kulit mo"
"Hahaha! Sige, una na ko, ingat ka ha?"
"Ikaw rin"
I wave him goodbye.
Hayy naku Davie Jiele, kung sino-sino kasi iniisip mo eh.
--
Matamlay kong pinindot yung up button ng elevator. Inaantok na ako, gusto ko ng matulog. Hayss.
Bumukas naman sa 11th floor yung elevator, naglakad naman ako patungo sa unit ko.
E sswipe ko na sana yung card ko ng pag-pihit ko ng doorknob ay bukas eto. Kinabahan naman ako.
Shit. Nalooban ako! Dahan-dahan ko namang binuksan yung pintu.an, sobrang dilim...
Hinanap ko naman yung switch ng lights. Nakahanda na ako sa mangyayari...
Pag switch on ko ng lights ay iba yung nakita ko.
I saw him smiling while holding balloons.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang kinabahan ako kasi akala ko nalooban na ako? Pwede kitang pakasuhan ng trespassing! Pagkatapos mong hindi magparamdam ng isang linggo may paganito ka? For your info, Mr. Tyrell, hindi ako marupok!"
"Well, yeah.. Long time no see, Ms. Natividad"
BINABASA MO ANG
My Long Lost Twin's Fiancé (SHARDON)
Fanfiction"Naging complicated ang tahimik kong buhay simula ng maramdaman ko to, this unusual feeling, I feel everytime makita kita or may kausap kang ibang babae. Pero alam ko sa sarili ko na dapat pigilan ko tong nararamdaman ko dahil hindi ako yung mahal m...