Hooo! Nakaka high blood yang William na yan!
Teka... bakit walang taxi na dumadaan dito?
May nag stop naman na sasakyan sa harapan ko. Pag bukas ng window eh nakita ko si William. Inirapan ko naman siya at nagsimulang maglakad.
Bahala na kung mainit!
Pero sinundan niya parin ako...
"C'mon Davie! Let me explain first!"
"Wala ka naman dapat e-explain eh"
"Eh bakit ka galit?"
"I'm not!"
"Sumakay ka na nga dito"
"Ayoko!"
Patuloy pa rin ako sa kakalakad.
"you said you're not angry, bakit ayaw mong sumakay?"
"kasi ayoko! Ayokong makita yung pag- mumukha mo! Ang kapal ng mukha mong makipaglandi-an sa babaeng yun, ni hindi mo nga sinabi na may kasama ka! So ano ako? Mannequin? Ganun?"
Lumabas naman siya sa kotse niya at lumapit sa akin.
"Diyan ka lang!!"
Nag stop naman siya sa kinatatayu-an niya.
"Huwag kang lalapit sa akin, kung hindi susuntukin talaga kita, nang-gigigil ako sa'yo! Lumayo ka! Mga 5 meters!"
"Seriously Davie?"
Naka crossed arms lang ako na nakatingin sa kanya.
Lumayo naman siya at nakatingin lang sa akin, poker face lang ako.
"So nakita mo pala kami na nag-uusap?"
"Wow ha William! Tinatanong pa ba yan? Ang sweet niyo nga eh! Kulang nalang pumunta sa inyo lahat ng uri ng langgam sa ka-sweetan niyo!"
"She's Breena, I used to call her Bhie, kasi yun yung nickname niya"
"And so?"
"Haysss! Hindi mo siguro nabasa yung sinend ko sayong preference ng family ko?"
Ano daw? Pake naman ng preference ng family niya sa Bhie, Bhie, TutuBHie na yun!
"She is my cousin"
She's what? A cousin? >_<
"Hindi ko sinabi sa kanya na magkasama tayo kasi I want to surprise her later. Matagal na kasi silan hindi nagkikita dahil sa States na nag-aaral si Bhie"
Baliw ka talaga Davie Jiele no? Bakit kasi nag re-act ka kaagad eh.
"So bati na tayo? Hindi ka na nagseselos?"
"Fudge! Why would I be jealous! Don't conclude things nga! Masyado kang assuming!"
Sumakay nalang ako sa kotse niya, sheeeeeyt! Napahiya ako doon ha? Pero huwag ipahalata Davie! Chill lang! CHILL!
Pumasok naman siya sa kotse niya ng nakangiti.
"What?!"
"Wala lang, ganyan ka pala mag-selos"
"Sabing hindi nga ako nag-seselos eh! Sakalin kita dyan eh!"
Napapikit nalang ako habang nakasandal sa glass window. Never in my life na napahiya ako ng ganito. Babasahin at i-aanalyze ko talaga yung bawat details ng preference ng family niya!
Nag start naman siyang mag drive..
"Dederetso pala tayo sa hotel, nag check in ako doon"
Napatingin naman ako sa kanya.
"B-bakit?"
"Doon natin gagawin ang dapat gawin, para walang may makaalam sa set up natin"
"Anong gagawin?"
Sandali naman siyang tumingin sa akin at kinindatan ako. "You know it"
"Ikaw William Dranreb! Pag ako napuno, mag che-change court talaga yang kidney mo sa akin!"
"HAHAHAHA! Joke lang. Diba sabi ko sayo kagabi pupunta tayo mamayang gabi sa mansion nila lolo? Nasa hotel naghihintay yung stylist na mag aayos sayo"
"Tsk! Whatever"
--
"Good afternoon po Mr. Tyrell"
"Oh hello Dina, so here she is" sabay akbay niya sa akin, ngumiti naman sa akin yung stylist. "You're pretty... konteng make up lang ang kailangan ng girlfriend niyo sir"
Ngumiti lang ako sa stylist, letche... kanina ko pa gustong kunin yung kamay ng kapreng William na to sa balikat ko!
"Gawin mo yung pinag-usapan natin ha? I trust you Dina"
"Hindi ko po kayo bibigo-in Mr. Tyrell"
"Good to know that".
Krrriingg krinngg.. "Ay, excuse po muna" sinagot naman ng stylist yung tawag.
Siniko ko naman si William.
"What?"
"Get off your hand on my shoulder", mahina pero may diin ko na sabi sa kanya yun. Tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.
"Tss". inirapan ko naman siya at nag crossed arms.
"I'll buy something to eat. What do you want?"
"I'm not hungry"
"How about coffee? Or Tea? Or me?"
"I'd rather choose tea because I don't like coffee and I don't like YOU more."
Sabi ko sabay upo sa couch. "Fine", suplado talaga, psh! Lumabas naman siya ng room.
"Hi po miss?"
Tinignan ko naman yung stylist. "Dav-err Julianna, Julia nalang" sabi ko. Nag hand shake naman kami.
"Let start na po, are you excited?"
"a-hee-he, o-oo! Super!" sabi ko sa kanya na naka ngiti ng pilit. Ghaad, bahala na lahat ng bahala sa akin. >_<
And sinimulan naman niya yung pag make over sa akin. Hindi ko makita kung ano ba yung look ko, wala naman kasing salamin dito. Ano ba yan -_-"
"Ano to?!"
"Miss Julia, dapat nating I dye yung hair mo ng black"
"Wait noooo way!"
"Yes way Ms."
Patay ka talaga sa akin mamaya kapreee kang William Tyreeeeeeeell!
--
"Oh ha? Pak na pak ang ganda niyo sa simpleng make up Miss Julia, bagay din po sa inyo ang mahabang buhok"
Hindi ko alam kung papaniwalaan ko tong stylist na kinuha ni William. Eh hindi ko naman makita yung mukha ko eh.
Tsaka yung buhok ko, huhuhu! Back to black! Tsk!
BINABASA MO ANG
My Long Lost Twin's Fiancé (SHARDON)
Fanfiction"Naging complicated ang tahimik kong buhay simula ng maramdaman ko to, this unusual feeling, I feel everytime makita kita or may kausap kang ibang babae. Pero alam ko sa sarili ko na dapat pigilan ko tong nararamdaman ko dahil hindi ako yung mahal m...