William Dranreb's POV
(Flashback)
High school days...
"stop over muna tayo dito guys, para sa mga may bibilhin diyan", said our teacher
Tsk! May field trip kasi kami and hindi naman talaga ako sasama sa field trip na to, ang boring kaya. Kung hindi lang talaga ako binantaan ni mommy na hindi niya ako pagagamitin ng kotse ko for two months at yung ATM's ko, hindi talaga ako pupunta sa bwesit na field trip na to.
"Ang gwapo talaga ni Liam"
"Sobrang saya ko talaga kasi nasa iisang bus kami ni Prince Liam, OMG! We're breathing the same air! Wah!"
Isa pa to sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pumunta eh. Nakakairita tong mga babaeng to.
"Hahahaha! Kaya pa ba bro?"
"Bro! Malay mo naman, baka sa field trip na to, makita mo na yung forever mo"
"Ang bakla mo bro!", sabi ko kay Ashton.
"Hahaha! Tara na nga! Baba na tayo! Maraming chicks yung nag hihintay sa baba"
"Oo nga, tara!", tumayo naman si Zayn kaya sumunod nalang ako.
Pagkababa namin eh dumeretso na kami sa store. Ano naman ang mabibili ko dito? Nonesense. Psh!
Naglibot-libot nalang ako, hoping na may magugustuhan akong bilhin.
Hanggang sa napunta ako sa bracelet section.
May nakita akong isang babae na pumipili ng bracelet.
"Alin kaya yung mas maganda dito", pagtatakang sabi niya habang hawak yung black na bracelet at brown na bracelet. It was a rosary bracelet.
Napangiti naman ako, ibang klase yung babae na to, yung ibang mga babae, nandoon sa make up at bag section, siya nandito...
"Yung brown", sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.
"Suotin mo kasi, para malaman mo kung ano yung mas maganda"
"Ay? Oo nga no! Hahaha!"
Sinuot naman niya and she compare if what bracelet suits her more.
"Bet ko nga tong brown, ang galing! Thank you ha?"
"You're welcome", wow, this girl is cute. Nasa same university lang ba kami?
"Kasama ka rin sa field trip?", tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya. "Hindi, pumunta lang ako dito para bumili ng bracelet, nag ccollect kasi ako ng mga bracelet. Taga kabilang bayan lang ako."
Why does her smile so contagious? Napapangiti rin ako.
"Maraming magagandang tourist spot dito sa Bulacan, sana mapuntahan niyo yun"
"E-tour mo kaya ako?"
"Kaya nga kayo may field trip diba? For sure pupuntahan niyo yung mga tourist destination dito sa Bulacan"
Nakasunod lang ako sa kanya, pumunta siya sa counter para bayaran yung mga pinamili niyang bracelet.
"Wait, I'll pay for you"
"Hala siya? Duma-damoves ka na niyan?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya, bakit niya alam? 😂
"Hahaha! Biro lang, pero ako na magbabayad ne'to, salamat nalang"
Inunahan naman niya akong mag bayad.
BINABASA MO ANG
My Long Lost Twin's Fiancé (SHARDON)
Fanfiction"Naging complicated ang tahimik kong buhay simula ng maramdaman ko to, this unusual feeling, I feel everytime makita kita or may kausap kang ibang babae. Pero alam ko sa sarili ko na dapat pigilan ko tong nararamdaman ko dahil hindi ako yung mahal m...