Davie Jiele's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I lazily get my phone on the side table and check the time.
It's already 9:00 in the morning. Napasarap yung tulog ko.
Tumayo naman ako and inayos ko ang higaan ko and nag-unat ng katawan. Nakita ko naman yung bulaklak sa couch kaya bigla ko naalala si William. Gising na kaya yun? Diba may trabaho siya?
I quickly went to the bathroom and nag hilamos at nag toothbrush muna ako pagkatapos eh lumabas ako ng room bitbit ang flowers kasi ilalagay ko sa vase. Hinanap ko naman si William. Wala na siya sa sofa. Pumunta naman ako sa kitchen and may naka prepare na food. I saw a note, galing kay William.
Hi! Hindi na kita ginising kasi ayokong ma-istorbo yung tulog mo. I left early because I have an urgent meeting. Hope you'll eat the food I prepared for you. :)
Take care!
Love,
William.
May pa love-love pa, pwede lang namang William eh. Bakit? Love ba niya ako? Sus.
Huwag ako! Hindi ako nakangiti ngayon. Hindi ako kinikilig. Promise! Mamatay man ang punong mangga ng tsismosang kapitbahay mo!
Bago ako kumain eh nilagay ko muna sa vase yung flowers na binigay niya sa akin. Bakit ba bigla nalang ako nahilig sa flowers?
---
Kakatapos ko lang maligo at mag-bihis. Pupuntahan ko kasi si Julianna ngayon. I don't know kung bakit gusto kong siyang makita. Gusto ko lang siyang bisitahin without William's consent.
Tsaka narealize ko na ang bilis pala ng panahon. December na pala ngayon? Season of love and sharing.
My phone rang and it shows the name of my mother.
"Yes mom?"
"Hello Dj, nasaan ka ngayon?"
"Sa condo po, bakit?"
"Tumawag ako kasi nag ddecorate kami ngayon ng christmas tree, ikaw yung magsasabit ng star"
"Mommy naman, hindi na ako bata"
"Pero ikaw pa rin naman yung mag sasabit ng star. And you're obliged to go here, may dinner tayong family and your dad invited some guests"
"I'll try"
"Dj..."
"Mom, you know naman na I don't like mingling with our family nor dad's guest right?...but I'll try. Sige na mom, bye!"
I ended the call and huminga ng malalim. Family dinner? So makikita ko na naman yung mga tita ko na ang alam lang ay e compare ako sa mga anak nila. Tss.
I get my key and helmet and went straight to the parking lot.
===
Nandito na ako sa harapan ng room ni Julianna, pumasok naman ako. Lumapit naman ako sa kanya and tinitigan ko siya.
BINABASA MO ANG
My Long Lost Twin's Fiancé (SHARDON)
Fanfic"Naging complicated ang tahimik kong buhay simula ng maramdaman ko to, this unusual feeling, I feel everytime makita kita or may kausap kang ibang babae. Pero alam ko sa sarili ko na dapat pigilan ko tong nararamdaman ko dahil hindi ako yung mahal m...