Chapter 15 (Part 3)

384 18 2
                                    

Davie Jiele's POV

"and that was the happiest moment of my high school life"

May nag eexist pala na ganong love story? Akala ko wala eh. Akala ko sa mga pelikula, teleserye at libro mo lang yun matatagpuan. Base on how I look at him right now, alam kong sobrang minahal niya talaga si Julianna. Nag ssparkle kasi yung mga mata niya habang nag kkwento.

"next time ko na ipagpapatuloy yung love story namin, kasi kasunod noon..."

Bumuntong hininga siya at tinignan naman niya ako.

"Ikaw? Mag kwento ka naman", napairap naman ako at inibos yung natirang beer sa bote.

"Ano namang ikkwento ko sayo? Kung paano ako kinakatakutan ng mga lalake sa school namin noong high school ako? Or yung pag eescape ko lagi kapag may seminar sa school? Alin doon?"

"Wala kang past relationships?"

Napatawa naman ako, "Wala no, hindi uso sa akin yun."

"Sa bagay, obvious naman. Sino nga naman ang maglalakas loob manligaw sa'yo, eh mukha ka namang amazona."

Napatingin naman ako sa kanya. "Sapakin kaya kita!"

Tumawa naman siya, pero teka? Lasing na siguro to? Naka anim na bottles na pala siya ng beer eh.

Aakmang bubuksan niya na yung isa pang beer pero pinigilan ko naman siya.

"Tama na yan, lasing ka na"

"No, I'm not. Tipsy lang ako"

Pero nilayo ko sa kanya yung beer, pilit naman niyang inaabot.

Huli ko na nang marealize na sa ka lalayo ko pala ng beer eh lumalapit na pala yung mukha niya sa akin.

"Okay lang ba na halikan kita?"

Napalunok naman ako, shit Davie! Pigilan mo ang sarili mo! Sabihin mo hindi pwede! Itulak mo siya! Dali-an mo!

Pero tila parang ayaw makinig ng katawan ko. Parang nang-hihina ako. Ewan ko pero para kasing tinamaan na rin ako...

Tinamaan ng kalasingan.

Unti unti naman niyang dinampi yung labi niya sa labi ko kaya napapikit nalang ako.

Shit Davie Jiele! Sobrang rupok mo! Bakit?

Nabitawan ko nalang yung bote ng beer at napayakap sa kanya, sinasabayan ko yung paghalik niya. Bumababa naman yung halik niya sa leeg ko...

Napamulat naman ako at tsaka ko nalang na realize na hindi tama tong ginagawa namin at alam kong lasing lang si William.

Tinulak ko naman siya.

"Shit! Mali to... Mali to..."

Napatingin naman siya sa akin.

"U-umuwi na tayo William, auhmm.. Lasing ka na"

Aakmang tatayo na ako pero nagulat ako kasi niyakap niya ako.

"Sorry love, sorry for everything. Sobrang gago ko talaga kasi hindi man lang kita naligtas noon. It was all my fault. Please, please bumalik ka na. I love you so much. I miss you, Julia"

Ewan ko pero parang may kumirot sa puso ko. Ano to? Bakit ganito? Bakit sa tuwing may babanggitin siyang ibang babae, bakit parang nasasaktan ako?

Sobrang mali ito!

Hindi ko to dapat maramdaman! Pagmamay-ari siya ni Julianna, hindi ikaw ang mahal niya Davie. Kamukha ka lang, pero hindi talaga ikaw yung mahal niya.

My Long Lost Twin's Fiancé
  (SHARDON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon