1st Color

2.9K 108 4
                                    

1st Color – Hydraulics

Pinagmasdan ko muna ang buong paligid bago ko ipinikit ang aking mga mata. Dahan dahan kong pinapakawalan ang bawat hangin na nanggagaling sa aking baga at muling hahagilap ng panibagong hangin na pupuno sa mga nawala. Habang ginagawa ko ito ay katahimikan lamang ang namumutawi sa aking pandinig. Pero batid ko sa aking sarili ang pagiging alerto ko sa buong paligid.

Mas pinag-igi ko ang aking konsentrasyon hanggang sa dinala ang diwa ko sa labas ng aking kinaroroonan. Ang katahimikan ay unti unti ng napapalitan ng samo't saring ingay. Mula sa tunog ng mga estudyanteng naglalakad, sa mga bulungan, halakhakan at kwentuhan. Unti unti kong iwinala ang konsentrasyon sa labas at bumalik ako sa pagdama sa loob ng silid na kinaroroonan ko.

Bumilang ako ng hanggang walo. Nasa ritmo ang pagkakabigkas ko habang inaalalayan ko pa din ang aking paghinga at ang pustura ng aking katawan. Nang matapos ang aking pagbibilang ay hudyat din iyon para imulat ko ang aking mga mata at sabayan sa isang mabilis na galaw ang musikang biglang pumaibabaw.

Paunti unti ang unang mga ritmo nito ngunit nangangailangan ng kakaibang pwersa at pitik ang bawat galaw. Matalas na nakatutok lamang ang mga mata ko sa harap ng salamin habang gumagalaw ng naayon sa ritmo ng musika. Hanggang sa napapangisi na ako at nanghahamon na ang aking mukha. Habang tumatagal ay iba't ibang ekspresyon na din ang aking ipinapakita pero naroon pa din ang talas ng aking mata at linis ng aking galaw.

Natapos ang kanta at muli akong pumikit at pinanatag ang aking paghinga. Ramdam ko ang pagtulo ng aking pawis sa batok at noo hanggang sa pumaibabaw na lang sa aking pandinig ang sunud sunod na palakpak at sigawan.

"Ikaw na! Ikaw na talaga!" Nagtayuan sila at bahagyang lumapit sa akin. Pero wala namang nangahas na humawak o yumakap. Binigyan ko nalang sila ng tipid na ngiti bago lumapit sa mga gamit ko at kumuha ng tubig.

"That routine was impeccable! Ituturo mo ba yun sa amin, Miss Vice President?" nakangiting tanong sa akin ng isang myembro ng dance falcon.

Saglit ko siyang tiningnan bago bumaling ng tingin sa Presidente ng grupo. Nakatingin din ito sa akin at lumapit sa pwesto namin saka ako inakbayan.

"Yes Reeze, ituturo niya iyon sa atin next week. " nakangiting saad nito na ikinatuwa ng mga myembro.

"Yes! You're the best Miss!" they exclaimed in excitement.

Ininom ko nalang ang tubig ko at hindi na sila pinansin sa kasiyahan nila.

"Where's your towel?" mahinang tanong ng lalaking nakaakbay pa din sa akin.

"In my bag." kaswal kong sagot habang abala sa pagsilip sa aking android phone.

Agad naman itong umalis mula sa pagkakaakbay sa akin at hinalungkat ang bag ko. Binalingan ko nalang muli ang phone ko at nagreply sa mensaheng ipinadala sa akin.

'After school, see you at the coffee shop.'

Pagkasilid ko sa aking bulsa ng gadget ay siya namang pagdampi ng tuwalya ko sa basa kong batok. Nakarinig ako ng ilang hagikhikan at tuksuhan.

"Uyy si Pres dumadamoves. Maiwan na namin kayo!"

"Diretso sa klase ah. Maya na yan na lambingan!"

Samo't sari nilang tukso na hindi naman nakaapekto sa akin.

"Kahel ha, may kamay naman si Miss, kailangan talagang ikaw ang—"

"Shut it Reeze." Nayayamot na putol ni Kahel sa sinasabi ng kaklase niyang si Reeze.

Napailing ako at kinuha ang towel sa kamay ni Kahel. "I have a name, Reeze." Saad ko bago sila iniwan doon.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon