32nd Color

1.2K 63 10
                                    

32nd Color- He doesn't Share

"Oedipus, everyone's on their position." narinig kong turan sa suot kong ear piece.

Tiningnan ko ang mga posisyon nila at nagbigay sa kanila ng hand signal. Mabilis nilang isinagawa ang plano at nagsipagkilos sa kani-kanilang pwesto. Naging mata nila ako sa kanilang mga ginagawa.

Since nakapwesto ako sa isang matayog na puno ay madali kong nakikita ang mga nangyayari.

"Commander Oedipus, gate 1 is down." nakarinig na naman ako ng report.

"Good. Proceed to the next position." utos ko at muling itinuon sa binocular ang aking atensyon.

Malinaw kong nakikita ang pakikipagbakbakan ng mga tauhan ko sa mga sinugod naming angkan. Buong umaga ko din inisip ang planong ito at buong hapon din kaming naghanda para sa operasyon ngayong gabi.

Hindi na dapat ito patagalin pa dahil hindi ko ugaling palampasin ang kapangahasan ng mga nilalang na ito. Ayon din sa aking pag iimbestiga ay sila ang grupong nag gagala sa ilang kagubatan at namamaslang nalang ng basta basta sa kuta ng mga armadong nakikita nila. Kumokolekta sila ng mga armas kaya mga armado din ang puntirya nila. Bukod doon ay sangkot din sa madaming illegal na bagay ang angkan na ito.

Mula sa nagaganap sa ibaba ay nakikita ko ang maingat na galaw ng aking mga tauhan. At kasama sa plano namin ang pagkolekta nila sa katawan ng mga taong napapatulog nila o napupuruhan. Ilalagay nila ang mga ito sa isang malaking truck para pagnatapos ang operasyon ay mapakinabangan pa rin namin sila. At ako mismo ang magpapasunod sa mga ito para pumanig sila sa amin. Hindi naman ako ganun kasama para patayin sila, anong mapapala ko doon? Wala, kaya imbes na kitlin ang mga walang kwentang buhay nila ay papakinabangan nalang sila ng headquarters.

Isasabak ko sila sa next batch ng mga trainees na ipapadala sa isla na pinagsasanayan ng mga nagiging magagaling na agent. At ako ang gagawa ng manipulasyon para mapasunod sila sa panig namin at hindi na magrebelde pa. Halos lahat naman ng kasapi sa special force na hawak ko ay mga kriminal noon at pariwara na ang buhay. Pero kung makikita niyo sila ngayon ay mga modelo na sila ng responsableng mamamayan at tagapagtanggol ng bayan.

Nagdaan pa ang ilang minuto nang magsimula ng magpalitan ng putok ng baril. Hinanda ko na din ang sniper gun ko para tumulong. Bawat kalabit ng aking daliri ay tumutumba lahat ng aking pinupuntirya. Nagkaroon pa ng mahabang bakbakan bago nakontrol ng team ang buong pangyayari. Lagas na ang mga taga bantay at tanging ang tahanan nalang ng pinakapinuno nila ang susugurin.

"On my mark--" I said.

Nakaposisyon na ang lahat habang nakapalibot sa tahanang huli naming papasukin. Pinagmasdan ko muna ang paligid para masiguro ang lahat. At nang maayos na ay sumignal na ako sa kanila.

"Move!" utos ko. Agad na nagsikilos ang lahat at mabilis na sinugod ang tahanan.

Nagkaroon na naman ng labanan hanggang sa umabot pa ito ng lampas tatlumpong minuto. Kitang kita ko sa lenses kung paano dinakip ang mga pinuno ng panghas na angkan na ito. Si Kuya Zine mismo ang humawak sa pinakapinuno at kinaladkad ito patungo sa mga sasakyang dala ng team pero pinatulog muna silang lahat para walang hassle sa biyahe.

"Double check the area." utos ko sa grupong nakatuka sa huling plano.

Umabot pa ng halos isang oras ang mabusisi nilang pagcheck sa paligid bago ideklarang 'clear' na ang buong compound ng Tanaka Clan.

"All clear, commander." turan ng leader ng team na iyon.

"Good, burn the whole place down." utos ko. Natanaw ko na ang papaalis na mga sasakyan at ang pag usbong ng malaking apoy. Unti unti nitong tinupok ang buong compound.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon