16th Color- Bloody Enchantress
Red
"What?" matalim kong tanong sa tinipon kong security para sa gabing ito. Halos kalahati sa kanila ay galing sa headquarters ko at ang iba naman ay galing sa local na pulisya.
Napakurap kurap lamang sila at nakangangang nakatunghay lamang sa akin. Dahil sa pagkairita ay binalingan ko ng tingin ang aking kapatid na siyang dahilan kung bakit naririto ako sa party ni My.
Napahilamos siya ng mukha at mababakas na din ang pagkairita sa kanyang itsura.
"Attention!" malakas na sigaw ni kuya na dumagundong sa buong silid kung saan muna namin tinipon ang buong security team para sa konting mga paalala.
Nagsipagsi ayos sila ng tindig at parang kidlat na bumalik sa huwisyo nila.
"Stare again at Oedipus like that and you'll go home seeing nothing but darkness." madilim na sigaw ni kuya. Halata sa kanyang boses ang galit samantalang kita ko na ang abot abot na kaba sa mukha ng mga naririto sa silid.
"Kung makapagpantasya kayo ay parang hindi niyo ginagalang ang posisyon niya ah?! Ulitin niyong ipakita ang kapangahasang ganyan at hindi niyo na talaga masisilayan ang mundo!" pangsesermon pa nito.
Nagsipagyukuan naman ng mga ulo ang mga naririto at sabay sabay na humingi ng tawad.
"Baka nakakalimutan niyo kung sino ang kaharap ninyo? O baka gusto niyong ipaalala niya kung sino siya?" matalim muling imik ni kuya.
Namutla ang mga mukha nila at parang hindi na alam ang gagawin. Napailing naman ako at tinapik sa balikat si kuya na galit talaga sa mga oras na ito.
"Relax." bagot kong saad sa kanya pero sinimangutan lang ako nito.
Hindi ko na ulit siya pinansin at hinarap nalang ang buong security team para sa gabing ito. Sinabi ko ang mga dapat gawin kung sakali mang may gulong mangyari at iniassign ko na din ang mga posisyon na pagpupwestuhan nila at babantayan. Wala pang dalawampung minuto ay dinismiss ko na sila.
"Why can't you just wear a normal clothes?" yan agad ang bungad niya sa akin nang kami nalang ang natira.
Pinagtaasan ko siya ng kilay samantalang namomroblemang humarap lang ito sa akin.
"And you even styled your hair into something which makes you more irresistible!" singhal niya at masamang tumingin sa akin.
"Tsaka bakit pati mukha mo ay nilagyan mo pa ng kulay? And goddamit— your dress could catch anyone's attention!" he's fuming in anger while i'm just staring at him in boredom.
"This isn't my idea, Kuya Zine." malamig kong saad na nakapagpatigil sa paghihimutok niya.
"This is mom's idea and you're the one to be blamed because you called me to be mom's secret bodyguard tonight." i said, hinting an irritation in my voice.
Kagagaling ko lang mula sa misyon ko sa Mindanao nang ipatawag niya ako para dumalo sa pagtitipon na ito. I'm wearing a mask, I always am tuwing haharap ako bilang Oedipus dahil ang tanging nakakaalam lang sa totoong mukha ni Oedipus ay ang mga nakakakilala sa akin bilang Red.
Natigilan siya bago inis na ginulo ang kanyang buhok. "So, i'm the one at fault." he mumbled as he look at me.
Dahan dahan lang akong napatango saka napangisi dahil sa sising sisi niyang pagmumukha.
"But I didn't expect you'll be that enchanting tonight. Oras na lumabas ka ay mahahatak mo lahat ng atensyon nila! What was mom's thinking when she made you dress a bright bloody red gown?! Lutang na lutang ang balat mo!"