10th Color- Camp *Day 1
Mataman ko lamang na tinititigan ang pobreng myembro ng Canon habang nakaupo ito sa silya electrica ng aming headquarters. I am working for the government kaya naman hindi na nakakapagtaka ang mga apparatung matatagpuan rito. Pagkarating ko ay tulog pa ang nahuli kaya pinalabas ko lahat ng mga tao sa silid. Dalawampung minuto na kaming dalawa rito pero hindi pa rin ito nagigising.
Napatingin muna ako sa cctv camera at pinatunog ang ilang buto ko sa leeg at kamay bago humila ng upuan at umupo katapat ng lalaki.
Inilapit ko ang aking mukha sa mukha nitong nakayuko at inayos din ang pagkakaharap ng mukha nito sa pamamagitan ng paghawak sa baba niya. Saglit itong umungol na parang nagrereklamo pero muli ding tumahimik habang nakapikit pa rin.
Umangat ang sulok ng aking labi saka hinipan ang kanyang mukha. "Wake up." Bulong ko na kung sinuman ang makakarinig ay talagang manunuot sa kanilang sistema iyon. Naalimpungatan ang lalaki at dahan dahan itong nagmulat ng mata. Finocus ko naman ang tingin ko sa kanya saka sinalubong ang mata niyang kakagising pa lamang.
"What's your name?" muli kong bulong na naghahatid ng parehong epekto nang ginising ko siya.
Boluntaryong umawang ang mga bibig niya at nagbigkas ng isang salita.
"Nan." Sagot nito na parang maamong tupa.
"You're a member of Canon, am I right?"
Sa muling pagkakataon ay sumagot na naman ito.
"Yes."
"Anong pakay niyo?"
"To conquer the government and to kill the general."
Hindi ako nagpaapekto sa mga narinig ko bagkus ay pinanatili ko ang momentum sa aking utak.
"And how will you do that?"
"Find the mysterious princess of the general and use her against her father and mother." Tuloy tuloy na sagot nito.
Hindi ko na kinaya ang mga nalaman ko kaya agad ko itong tinalikuran at pabagsak na isinara ang pintuan. Galit ako, galit na galit! Ang malaman ko palang na binabalak nilang patayin ang aking pinakamamahal na ama ay talagang nagpausbong na ng galit sa aking dibdib. At pati pala ang aking pananahimik ay balak din nilang guluhin.
Mabibigat na paghinga ang aking pinapakawalan dahil sa labis na emosyon. The Canon really wanted a war!
"Calm down, Red." Masuyong tugon ng aking kuya at sinalubong ako ng yakap.
Hindi naman ako umimik at patuloy lang na nagkuyom ng kamao.
"Papatayin ba natin siya at isusurrender sa Canon?" muli niyang imik.
Bahagya ko siyang naitulak at malamig na tiningnan.
"No." mariin kong sagot.
Umawang ang bibig niya at nakita ko din ang ilang beses niyang paglunok.
"I'll show him what the mysterious princess that they are talking about can do. Just then, I'll let him go and let him reveal to Canon who should they fear of." Mariin kong pahayag saka sinuot ang aking mascara at muling pumasok sa loob ng silid.
Pabagsak ko ulit itong binuksan na nagsanhi para mapapitlag ito sa kanyang kinauupuan.
"S-sino ka?" mukhang nakabalik na siya sa kanyang huwisyo at diwa.
Magaling dahil makikilala niya ako ora mismo.
Hindi pa man ako nakakalapit sa kanya ay apat na magkakasunod na patalim na ang itinapon ko sa direksyon niya na agad na bumaon sa binti't braso nito.