6th Color – My Princess
"Your shirt needs a pretty bad treatment." Pauline commented while eyeing me from head to toe.
I just stared at her with bored expression.
"Hala! Anong nangyari sa t-shirt mo Clay?!" Maddison squeaked.
Tsk!
"Bakit ang dumi ng likuran, nadapa ka ba Clay?" takang tanong naman ni Trish na sumulpot sa likuran ko.
"What happened dude?" sabay naman na tanong ni Jethro at Trey.
"Mind your own business." I spat coldly before heading to my assigned room.
Damn that girl! How scandalous could she be?! Saan ba lumaki ang babaeng yun at napakaliberated niyang manamit?!
For pete's sake, she's only wearing a short shorts and a racer top! Tapos bumagsak pa talaga siya sa katawan ko and she even dared to touch the hem of my shirt!
She's preposterous! So damn ridiculous!
I took a quick shower then dressed myself with a walking short and a mint green shirt. After a while, I went to the guest room's living room and immediately resumed on my work. Ramdam ko ang titig nila sa akin pero hindi ko na sila pinansin.
"Uhm, Clay. Nakita mo ba yung puno ng mangga? Approve na ba sayo iyon para maging alternative sa mangosteen na gagamitin natin?"
I stopped typing then gaze at Maddison. I saw her flinched in her seat and she even tried to smile but failed to make it a real one. Matapos ko siyang tapunan ng tingin ay ibinalik ko din agad ang atensyon ko sa tinatapos kong documents, totally ignoring her question.
"Sungit." She managed to murmur but eventually the room was filled with silence after that.
Ilang oras din kaming nagseryoso sa pagtapos ng mga dapat tapusin para sa camp at bago pa man magtanghalian ay natapos ko na ang mga nakaassign sa aking gawain. I stretched my arms after saving all the documents. Napatingin naman sila sa akin at napanguso.
"Done?" mataray na tanong ni Pauline.
Inirapan ko siya at binato sa pwesto niya ang flash drive na naglalaman ng mga ginawa ko.
"I'm going home and don't try to bother me again." Saad ko sa kanya bago tumayo dala ang laptop ko.
Narinig ko lang ang pag ismid niya at ang pagpipigil ng inis. Tsk! I want a peaceful surrounding and this house doesn't possess what I want. I need to rest and feel the extent of peacefulness again. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at tinawagan ang aking driver para sunduin ako sa bahay ni Pauline.
"Dito ka na magtanghalian, patapos na din naman yung niluluto." Pauline peeped on the door.
"Whatever."sagot ko sa kanya at tuluyan ng isinara ang maleta ko.
Napasimangot siya at pabagsak na isinara ang pintuan. Napailing nalang ako at hinila na ang maleta palabas ng kwarto. Inihinto ko muna ito sa gilid ng pintuan at naupo akong muli sa sofa para panuorin ang ginagawa nila.
Nahuli kong tinitingnan ako ni Trisha at Maddison kaya pinagtaasan ko sila ng kilay. Napasimangot nalang ako when they squeaked in unison dahilan para mabato sila ni Pauline ng gunting.
"Ano ba? Ang ingay niyo ah!" inis na suway nito.
"Sungit mo naman Pres." Puna ni Trisha habang natatawa.
"Tapusin niyo nalang yan pwede?" pagtataray niya na naman at nagpatuloy na sa pagtipa ng laptop niya.
Hindi pa man nagsasampung minuto ay may kumatok na sa kwarto at sinabi ng katulong na handa na daw ang pagkain sa baba. Nagsitayuan na din kami at bumaba agad para sa pananghalian. Isang bagay na hindi dapat pinaghihintay ay ang mainit na pagkain. Alam naming lahat iyon dahil parte ito sa mga itinuturo sa amin ng Unibersidad. Hindi lamang nila kami hinuhubog para maging magaling sa propesyon na napili namin kundi pati na rin ang maging responsable sa lahat ng bagay.