28th Color

928 59 10
                                    

28th Color- Shit

Clay Hamilton Sy

This is not happening to me.

Dammit!

Napasabunot nalang ako sa aking buhok habang tangang namomroblema sa nangyari sa akin kanina.

No Clay, huwag mong isipin ang babaeng iyon. Kalaban mo siya at isa siyang patibong para sa iyo. Ikaw ang head intelligence ng angkan niyo kaya ikaw ang puntirya niya. Asik ko sa aking sarili.

"Goddammit!" sigaw ko at napapikit nalang ng mariin.

Muli ko na namang naalala ang Oedipus na iyon. Her lips, her body, the intensity and the pleasure we have shared a while ago.

Ni hindi ko maintindihan kung bakit ako nagpadala sa init na nararamdaman ko kanina, kung bakit ako tumugon sa mga halik at haplos niya at higit sa lahat ay kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang satisfaction habang kasama siya.

Pero pilit pa ding sumisiksik sa utak ko ang pamilyar na labi niya, ang pamilyar na init at ang pamilyar na pakiramdam.

"F*ck!" muling sigaw ko at naiinis na uminom ng tubig sa basong nasa mesang katabi lamang ng higaan.

We didn't do it but I have seen her naked body. And I can't help it but to admire such perfection. Literal na pinaliguan niya ako at sinabayan kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako nagprotesta at nagpadala nalang sa utos ng aking katawan. She's the greatest temptation I've ever met and she is so dangerous for me.

Pero bakit may parte sa akin na gusto pang maulit ang nangyari kanina at lumampas pa doon?

"Sh*t!" hindi ko mapigilang magmura tuwing sumasagi sa aking isipan ang nangyari kanina.

Ni hindi ko man lang natanggal ang maskara sa mukha niya kahit sa pagligo namin. At matapos niya akong bihisan kanina ay umalis nalang siyang roba lamang ang suot. Gusto kong manuntok kung may makakita man sa kanyang iba sa ganoong itsura at gusto ko ding kastiguhin ang aking sarili dahil sa kakaibang pakiramdam na umuusbong sa kaibuturan ko.

Hindi ko dapat ito nararamdaman. Maling mali ito at isa itong pagtatraydor para sa angkan namin. Bagama't hindi pa naipapaliwanag sa amin ng aming mga magulang ang mga kadahilanan ay hindi ko dapat ipagsawalang bahala ang pagprotekta sa aking damdamin dahil alam kong ito ang aking magiging kahinaan.

Napahugot nalang ako ng malalim na hininga at muling uminom ng tubig pero muntik ko pa itong maibuga nang bigla nalang may nagsalita sa may pintuan.

"You look flushed, anong nangyari sayo?" nang lingunin ko ay nakita ko ang prenteng pagkakatayo doon ni Cray.

Hindi ako makapagsalita bagkus ay napakuyom nalang ako ng kamao at nag iwas ng tingin.

"Akala ko kausap mo si Jemimah, bakit paglabas ko kanina ay nagtatawanang mga dragona nalang ang nakita ko sa sala?" muling imik niya at naglakad na papasok sa loob ng silid matapos isara ang pinto.

Doon ako parang natauhan at doon ko lang din muling naisip si Jemimah.

"And Blue texted me na naihatid na daw nila si Jemimah sa bahay nito dahil nakita nila ito kaninang namumula sa galit ang mukha. Nag away ba kayo?" bagot niyang pag usisa o pwedeng sabihing napipilitang tanong niya?

Mukha naman siyang walang pakialam eh dahil nagsimula na naman niyang kainin ang grapes sa basket ng mga prutas na nakalagay sa mesa.

Umiling nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. Nagalit si Jemimah? Malamang ay ang magkakapatid ang may gawa noon, sa kamalditahan palang nila ay hindi na ako magtataka.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon