3rd Color

1.6K 79 8
                                    

3rd Color – Veranda

Pikit matang pinapakiramdaman ko ang kapaligiran. Naririnig ko ang iba't ibang uri ng tunog, ang halakhakan ng mga estudyante sa may di kalayuan, ang pagbubulungan ng iba, ang mga malalakas na pang aalaskahan at pagkukwentuhan, hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang paglagatak ng mga takong ng sapatos ng mga kababaehan, may ibang naghahabulan, nagmamadaling maglakad at may mga dahan dahan ding tinatahak ang hallway patungo sa kaniya kaniya nilang silid aralan.

Kung tutuusin ay nasa tahimik akong parte ng silid na ito ngunit dinig na dinig ko pa rin ang ingay sa ibang parte ng buong istraktura. Kung bakit kasi nakalimutan ko pang dalhin ang headphones ko edi sana'y musika lamang ang pumupuno sa tenga ko ngayon?

Nagpakawala nalang ako ng mahinang buntong hininga at pinilit kong ilakbay ang aking diwa sa kapayapaan at ilayo ito sa maingay na kapaligiran ngunit sadyang ayaw ata akong patahimikin ngayon dahil ang tunog ng mga takong na papalapit ay patunay na may mang iistorbo sa akin.

"Naku naman Pauline! Natutulog ata si Clay eh. Baka samain ako diyan kapag inistorbo natin!"

"I don't care Maddy, gisingin mo na yan dahil kailangan ko siyang makausap."

"Pauline naman! Edi ikaw ang gumising! Ikaw naman ang may kailangan eh!"

"Sino ba ang Presidente dito? Diba ako? Kaya ako din ang mag uutos at bilang myembro sa organisasyong pinamumunuan ko ay kailangan mong sumunod sa inuutos ko."

"Badtrip ka naman eh!"

"Just do what I say. Go!"

"Oo na! Oo na! Pag ako samain dito idadamay talaga kita!"

Ang ingay!

Sana ay umalis na sila sa harapan ko dahil hindi ko talaga gustong makipag usap ngayon pero dahil hindi ko kasundo ang panahon sa mga oras na 'to ay naistorbo pa rin ako dahil sa matulis na bagay na tumusok sa braso ko.

"Pauline pag ako tala—H-hi Clay!" bigla siyang nautal pagkakita sa nakamulat kong mata na agad lumipad sa hawak niyang barbeque stick na ipinangtusok sa akin.

Ang bastos talaga ng babaeng to!

Maddison Alegre. Ang kaklase kong daig pa ang tunog ng sound system sa kaingayan. Istorbo!

Tiningnan ko lang siya at unti unti namang ngumiwi ang kaninang malaki niyang ngiti sabay tago ng hawak niyang barbeque stick sa kanyang likuran.

"H-hoy, wag ka namang ganyan makatingin. Napag utusan lang ako kaya wag mo akong patayin sa tingin mo please lang! Nakakatakot at the same time—nakakakilig! Oh em geee!" Maddison squeaked.

She's really annoying and I'm really thinking on how to keep her mouth shut forever. Damn her destructive voice's pitch!

"Manahimik ka na nga Maddy. Nagfafan girl ka na naman diyan. Layas! Layas!" pantataboy naman ni Pauline kay Maddison.

Nainguso naman ng huli ang labi niya na parang gusto pang talunin si Donald duck sa haba ng nguso saka na naman bumira sa bunganga niya.

"User ka! User ka Pauline! Hindi ka man lang magti- thank you sa akin? Talagang papalayasin mo na lang ako?!" bulalas niya habang pinapakita ang exaggerated niyang mga ekspresyon sa mukha.

"Shut up." Inis ko ditong saway kaya agad naman siyang napatigil at namumulang humingi ng tawad sa akin.

"Sorry Clay. Doon lang ako." Dali dali niyang imik at nakikumpulan sa iba naming kaklase.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon