18th Color- Attack
Red
Matapos kong makita ang lunch meeting nila Dy sa mga Sy ay hindi ko mapigil pigil ang aking pagngisi.
I don't know pero labis akong natutuwa sa mga nangyayari. And I never knew na nabibilang pala sa Sy sila Cray at Clay.
Wala naman kasi akong pakialam sa kanila kaya ba't ko naman aalamin ang tungkol sa kanila?
Laruan at panandaliang aliw lamang ang tingin ko sa magkambal na iyon kahit minsan ay naiinis na ako sa ugali nila.
Kakatapos lang ng practice namin sa dance troupe nang ayain ko silang kumain sa restaurant na iyon. Alam ko naman kasing naroon ang aking ama, gusto ko lang makita kung ano ang kalalabasan ng pag uusap nila.
And here I am. Another game is forming in my mind.
"What do you mean bumalik si Jemimah? At kaklase na naman namin ang babaeng iyon?!" napalingon ako kay Pauline na nakasigaw na naman habang may kausap sa kanyang phone.
"Jemimah again?" irap ng kapatid ni Pauline na nakakalong sa akin habang nandito kami sa kanilang sala. Sa magkabilang tabi ko naman ay nakayakap ang dalawa pang kapatid ni Pauline.
"Who's that girl?" tanong ko sa kanila kahit hindi naman talaga ako interesado.
"Her classmate since first year. Palagi niya kasing naikukwento ang inis niya doon sa girl classmate niya." sagot ng lalaki kong pinsan.
Napatango tango nalang ako.
"She seems so jealous towards that girl and she sometimes chants like this- Ang landi landi talaga ng haliparot na babaeng yun! Painosente pa ang higad!" panggagaya ng batang nakayakap sa kabilang side ko na sinabayan niya ng paghalakhak.
"I think she has a crush on that girl's boyfriend, what's his name again Jane?" tanong ni Cane sa kapatid niyang nasa side ko.
"Hamilton lang ang naalala ko eh." kibit balikat na sagot naman ng pinsan ko.
Dumating naman si Pauline at muling nakisali sa amin sa sofa. Nakabusangot ang mukha nito at halatang nanggagalaiti sa inis.
"Ang kapal ng pavirgin na iyon! Dapat hindi na siya bumalik nakakahighblood siya!" sigaw ni Pauline bago sumalampak ng upo sa sofa.
"Maghahasik na naman siya ng lagim niya tapos didikit na naman siya na parang tuko sa apat na masungit na iyon. If I know maghahanap lang iyon ng bubuntis sa kanya!"
Doon na ako nasamid sa huli niyang sinabi. Pero natawa din naman ako pagkatapos.
"You're so mean." natatawang komento ko pero inirapan niya lang ako.
"Natutuwa ako noon na ilink siya kay Clay dahil inaabangan ko ang kalandiang gagawin na naman niya. Alam mo yung may alam ka sa kanya na hindi niya alam na alam mo?" maldita niyang tanong sa akin.
Nginisihan ko naman siya bilang sagot. "I know that feeling." pag sang ayon ko sa kanya kaya napapalakpak siya.
"Great! Edi naiintindihan mo ako. Now that she came back babalik na naman ako sa pakikipagplastikan sa kanya."
Napailing naman ako at binato siya ng pop corn.
"Bakit ka makikipagplastikan kung pwede mo naman siyang pakitaan ng kabaitan na may halong kamalditahan?" makahulugan ko sa kanyang sabi at natigilan naman siya.
Kinabukasan ay naghanda na ako papunta sa eskwelahan. Balik na naman ako sa pagsuot ko ng malaking eye glasses at loose saka mahahabang damit. Mas komportable akong isuot ito dahil mas nakakapagconcentrate ako sa pag aaral. I love being manang sometimes. Pero sa tuwing may dance practice kami ay balik naman ako sa pangalawang damit na komportable kong suotin. Ang maiikli kong damit para mas makagalaw ako ng maayos at maemphasize ang movements ng sayaw.