13th Color

1.1K 67 11
                                    

13th Color- Camp *Day 2

Red

Napahikab ako habang nagtatalon naman sa tuwa ang mga kateam ko. Wala pang tatlong oras ay natapos agad namin ang survival game. Samantalang ang iba ay halos hindi pa nangangalahati ng stations. Well, that's the advantage of having me as their leader. I am trained in this kind of situation kaya madali nalang sa akin ang mga ganitong pagsubok. Pero kung tutuusin ay kaya ko itong matapos sa loob lamang ng isa't kalahating oras kung mag isa lang ako.

Halos hindi nga makapaniwala ang mga organizers nang makabalik agad kami dala dala ang lahat ng items na kailangan namin. Hindi ko na din pinagkaabalahan na mang agaw ng flags at items dahil makakatagal lamang iyon.

"Grabe! Hindi ka lang dyosa, ang galing mo ding pinuno!"

"Oo nga Red, ang galing nung strategy na naisip mo at napakagaling mong magbasa ng mapa."

"Ayos din yung mga iniutos mo sa amin dahil napadali talaga ang lahat!"

"Red, nakakainlove ka talaga. May boyfriend ka na ba?" doon na naputol ang kanya kanya nilang dakdak nang tumikhim si Pauline na siyang kadarating pa lamang.

"Hi Miss President!" agad na bati sa kanya ng mga kateam ko.

Inirapan naman sila ni Pauline at binalingan ako ng tingin.

"I need to talk to you regarding your prize." Saad nito sa seryosong tinig at naghiyawan naman ang mga kateam ko sa tuwa.

Mga uto-uto sila para paniwalaan na yun talaga ang pag uusapan namin ni Pauline. Stupids.

Tumango lang ako kay Pauline at sinundan siya sa paglalakad. Nang makalayo kami at wala ng tao sa paligid ay tumigil ito sa paglalakad saka ako hinarap.

"What was that?! Bakit—"

"You know I have a very bad temper Pao." Putol ko sa sermon niya. Alam kong gusto niyang sabihin sa akin na dapat hindi ganun ang ginawa ko sa survival game. Ang gusto niyang mangyari ay magpaka naive ako at makigaya sa mga ginawa ng ibang team. Ayoko ngang maghintay ng napakatagal na oras kung kaya ko namang pabilisin ang lahat.

"Pero paano kung may nakaalam at nakakita sa ginawa mo?!"

"Chill, wala tayo sa gitna ng laban." Awat ko sa kanya dahil nagtataas na siya ng boses.

"You don't understand Artemis! Paano kung may spy na nakamasid lamang. Nakita mo naman ang nangyari sa bus na sinasakyan ninyo diba?"

"I was just playing Pao, what's wrong with that?" saad ko sa kanya.

Pero ang totoo niyan ay wala naman akong pakialam kung may makapansin man sa ginawa ko. Heck, that's not an ordinary action for a teenage girl pero kung nagkataon man na may makapansin sa kakaiba kung strategy kanina ay mas may thrill na ngayon ang camp na to.

"Artemis, tito warned me. Kinakabahan ako sa mga pinaggagagawa mo. Please lang, umayos ka naman kahit dito lang sa camp. Okay sana kung tayo tayo lang pero madaming pwedeng madamay kung magkataon." Namomroblemang pakiusap niya.

"Look, bakit kasi dito niyo pa naisipang mag camp?"

"Dahil sinuggest ng school! And by the way, lumalapit ba sayo si Clay at Cray? Nakita kita one time na kausap ang dalawang iyon."

Nagkibit balikat lang ako. "They're annoying. I hate those guys."

Muli na naman siyang umirap. "Duh? Lahat naman ng lalaki ay hate mo. Pero kung lumapit man sila sayo ay ikaw na ang lumayo. They're dangerous." Seryosong saad nito.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon