19th Color

956 63 5
                                    

19th Color- Babae

Red

Nakatanggap ako ng mag asawang batok nang maibuga ko sa mukha nila Dee at Dai ang tubig sa bibig ko kanina. Pero binalewala ko nalang iyon dahil nagmadali agad akong komprontahin ang ama ko sa opisina niya sa campo.

Dire-diretso ang pasok ko at agad na nilock ang pintuan bago tinanggal ang maskara ko sa mukha.

"General Smith, what's with the sudden decision?" walang paligoy ligoy kong tanong sa kanya.

Nag angat naman ito ng tingin at agad na may inilapag na folder sa harapan ng mesa niya.

"Nariyan ang mga nakalap na impormasyon tungkol sa naganap na pananakop sa village ng mga Sy." seryoso ang tonong ginamit niya at pasalampak na umupo naman ako sa upuan sa harap ng mesa niya.

Tiningnan ko lang ang folder bago humalukipkip sa harap niya.

"Dy, bakit niyo papatapakin sa teritoryo natin ang mga Sy?" mariing tanong ko sa kanya.

Itinagilid niya lang ang kanyang ulo bago nagsalita.

"Their village is under repair lalo na ang tirahan nila na masyadong napinsala dahil sa nangyari. Masyadong magulo ngayon sa Canon Village at may mga ilang establisyemento ding nasunog. I extended my help kaya sa atin muna sila titira."

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Dy naman, alam mong ayaw na ayaw kong may tatapak na kung sinu sino lang sa teritoryo natin!" protesta ko na kinunutan niya lang ng noo.

"Your mom ordered me to do it, you have no say on that Princess." saad niya kaya napairap nalang ako at napabuga ng hangin.

"Kakasabi mo lang na you extended your help." i pointed out.

Ngumiwi naman siya at nagrason agad. "And that too." depensa niya kaya mas lalo pa akong nairita.

"Princess, bakit ba ganyan ka mag react? Hindi ka naman umuuwi sa bahay ah at hindi ka pa pwedeng umuwi sa atin dahil may mga tatapusin ka pang misyon lalo na yang panlulusob sa mga Sy ay ipapatrabaho ko na din sayo." pahayag niya habang tinitingnan ako ng mataman.

"Yun na nga, wala ako doon at baka kung ano pa ang makita nila sa teritoryo natin na may kinalaman sa akin. We should also consider our privacy dad at mas lalong kailangan nating mag ingat dahil kung may pinapasok tayong iba sa teritoryo natin ay baka ikabagsak pa iyon ng ating depensa!"

Napaawang ang bibig niya at napatayo naman ako sa pagkairita. "And Dy, try to consider the possible things that might happen. May galit sa atin ang angkan na tinutulungan niyo at hindi din sila ganoon kabait para hindi makaisip na magtake advantage sa atin. Maaaring habang nanunuluyan sila sa atin ay palihim na pala silang komokolekta ng mga impormasyon sa buhay natin na gagamitin nila para mapabagsak kayo at—" natigil ang pagsasalita ko when a sudden realization hit me.

Nagtatakang napatingin sa akin ang aking ama nang umawang ang bibig ko at biglang napangisi.

"Red, I know that look." banta ni Dy sa akin.

Napangisi naman ako ng malapad at inayos ang pustura ko saka humarap sa kanya na may matamis na ngiti sa aking labi.

"On a second thought, let them be in our premises. The closer they are, the faster they will be caught." i smiled widely.

Kumunot ang noo ni Dy habang inaalisa ang kung ano mang tumatakbo sa isip ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang folder. "By the way, expect for my presence in our house starting today." ngisi ko sa kanya saka naglakad palabas at muling sinuot ang aking maskara.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon