20th Color- General's Princess
Red
Babae?
Sapakin ko kaya siya? Malamang babae ako! He doesn't need to state the obvious! Dala ng namumuong inis sa aking sistema ay nilayasan ko na siya doon at imbes na bumalik sa bahay ko ay dumiretso ako sa compound ng mga Smith.
Mag aalas nwebe na din ng gabi pero bakit parang buhay na buhay pa din ang compound? May ilang mga guards akong namataan sa paligid at may mga civilian silang mga kausap. Doon ko lang napagtanto na kabilang sa Sy ang mga ibang taong naririto sa compound.
Agad agad? Masyadong nag mamadali ang aking ama pero hindi ko siya masisisi. Kapag nagtagal pa sa hospital na iyon ang mga Sy na nakaconfine ay mauubos talaga sila.
Nakita ko ang gulat sa mata ng mga gwardiya namin na nakakita sa papasok kong kotse. Hindi ata nila inaasahan na pupunta ako ngayong gabi. Wala akong nagawa kundi isuot ang maskara ko at bumaba ng aking sasakyan matapos ko itong igarahe sa pwestong nakalaan para lamang sa akin.
They bowed their heads as their greetings to me.
"Magandang gabi po senyorita." saad ng ilan.
Nilampasan ko lamang sila at nagtuloy tuloy ako papunta sana sa aking silid nang mamataan ko ang isang grupo ng mga Sy na kausap ng aking ama sa sala.
"Ngayon din mismo ididischarge ang lahat ng kasapi sa angkan niyo mula sa hospital na iyon. Pinaayos ko na ang mga tutuluyan ninyo sa compound pati na din ang mga private nurses and doctors namin na mag aasikaso sa inyo. Huwag kayong mag alala dahil ligtas kayo sa lugar namin." narinig kong sabi ng aking ama.
Natigil ako sa paglalakad at matamang pinagmasdan nalang ang pag uusap nila. Wala din namang nakapansin sa akin dahil nakatuon ang atensyon nila sa isa't isa.
"General, kamusta na po pala ang kalagayan ng aming mga pinuno?" tanong ng isang Sy.
"Maayos na ang kalagayan ni Cronus, isang tama lamang ng bala ang natamo niya. Si Cray naman ay nagpapahinga na rin ngayon pero bantay sarado ang silid niya dahil sa nangyaring pag atake kanina. Sa kabila ng halos limang tama niya ng bala sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ay nagawa niya pa ring mag exert ng lakas. Makakasama iyon sa kanya at baka bumuka pa ang mga sugat niya. But the good thing is walang vital parts sa katawan niya ang natamaan ng bala, i must say, magaling umiwas ang pinuno niyo. But Clay is still in his critical condition, sinasalinan pa lamang siya ng dugo ngayon dahil kakarating pa lamang ng mga dugong binili sa blood bank. Nabigla ang lahat sa biglaang paglusob ng kalaban sa inyo at agad kayong napalibutan. Lalo pa't pinuntirya muna nila ang mga pinuno niyo kaya nagkaganun. Pagnatapos ang blood transfusion ay dadalhin na din rito ang mga Sy dahil hindi na sila ligtas roon." mahabang pahayag ni Dy.
Masyado naman ata siyang passionate sa pagtulong niya? I don't like it when he is showing this side of him.
Mukhang tapos na din ang pag uusap nila dahil isa isa na silang humanda sa paglabas ng mansyon pero dahil nasa may bukana lang ako ay napatigil din agad sila lalo na ang isang lalaking pamilyar sa akin.
"O-oedipus." namumutla nitong turan nang makilala ako at halos panawan na siya ng ulirat.
Itinagilid ko lamang ang ulo ko at sinuri sila isa isa. Halatang natigilan at nagulat ang mga ito nang makita ako. Well, nakapajama pa din naman ako at gusto ko ng matulog pero dahil sa kanila ay naiistorbo ang oras ng pagtulog ko.
Nakita ko din ang natigilang mukha ng aking ama at parang sinasabi ng kanyang mata na hindi dapat ako naririto ngayon.
Blangko lamang ang aking ekspresyon at nagsimula na muling maglakad.