Epilogue

1.8K 67 10
                                    

Epilogue

Naghahalo ang mga kulay sa kalangitan dahil sa pag usbong ni haring araw. Malapad na ngiti ang aking pinakawalan habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin mula dito sa aking kinauupuan.

"Danda! What are you doing here? Grandpa's waiting at the porch." ani ng munting tinig na kakapasok lamang sa aking silid at diretsong tumungo sa verandang kinaroroonan ko.

Nilingon ko siya, tanging kalmadong mukha lamang ang nakapinta sa mukha niya. Napangisi tuloy ako.

"Dan, ang ganda ng sun rise." sa halip ay saad ko. Tipid naman siyang tumango at umupo sa tabi ko.

"Just like you, Danda." turan niya kaya muli akong napatitig sa kanya. Tinaasan ng kilay at napabungisngis.

"Of course I am beautiful!" mayabang kong pahayag habang nakapaskil ang ngisi sa aking labi.

"You're just like that sun rise, full of colors. Its intensity and brightness defines you too well."

Saglit akong natigilan sa sinabi niya pero nang makabawi ay mabilis ko siyang inakbayan at sabay kaming tumingin sa papalitaw na araw.

"You need to go down now kiddos, just continue that sight seeing of yours next time." tikhim ng isang tinig. Sabay kaming napalingon ni Dan sa nagsalita at sabay din kaming napatakbo para yumakap sa beywang nito.

"Grandpa!"

"My two Dandelions were really the most adorable." natatawang pahayag nito na ikinahagikhik namin ni Dan.

Habang nasa sasakyan na tinatahak ang daan patungo sa eskwelahan ay hindi ko mapigilang kumapit lamang kay grandpa.

"My two Dandelions, are you really sure you're going to the Philippines? Malulungkot si lolo." imik ni grandpa. Biglang humigpit ang kapit ko sa kanya at napasimangot.

"Grandpa, magbabakasyon naman po kami dito. And pinapabalik na po ako ni Mommy sa Pilipinas at kailangan ko na din pong dalhin doon si Danda." magalang niyang pahayag.

Hindi kasi kami tulad ng magkambal na lagi nalang magkadikit. Since dalawa naman kaming Dandelion ay nakiusap si lolo na iwan sa kanya ang isa sa amin noong mga panahong babalik na sa Pilipinas ang aming mga magulang. At ako ang naiwan sa Europa samantalang si Dan naman ang nadala sa Pilipinas. Bakasyon niya ngayon sa bansang iyon kaya't naririto siya ngayon sa Europa ngunit hindi kami nagpapakita sa ibang tao ng magkasama. Everyday ay inihahatid nila ako ni lolo sa school ngunit hindi siya bumababa ng sasakyan. Hindi din naman namin gawaing mamasyal dahil hindi mahilig lumabas ng bahay si Dan. Kapag ako naman ang may bakasyon ay hindi ko siya nadadalaw sa Pilipinas dahil may iba akong pinagkakaabalahan sa ibang lugar kung saan nakakasama ko ang nakakatanda kong kapatid na si Kuya Zine.

"But Dan, I told you that i'll think about it. Ayaw ko din namang iwan si lolo dito ng mag isa." turan ko at mas lalo pang sumiksik kay grandpa.

Most of the time ay dominant ako kay Dan ngunit tuwing napag uusapan ang tungkol sa pag uwi ko ng Pilipinas ay para akong nagiging 5 years old na bata dahil ayaw kong malayo kay lolo. Kailangan kong kunin ang simpatya ni Dan para hindi na muna niya ako kulitin sa pagpunta sa bansang iyon, hindi pa kasi ako handa na iwan si lolo but it did cross my mind to go there in the Philippines hindi pa nga lang ito ang panahong iyon.

Napailing naman ang kakambal ko at napakamot sa batok niya. "Grade 8 ka na Danda kung makakapit ka kay lolo ay parang grade 1 ka pa rin." mahinahon niyang turan.

I showed her my make faces na ikinailing niya lang.

"Sa isang araw na ang alis natin. Magsisimula na ang pasukan sa Pilipinas kaya kailangan mo ng magpaalam sa mga kaibigan mo sa school na pinapasukan mo ngayon." paalala niya pa na ikinasimangot ko nalang.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon