26th Color- She's Pissed
RED
Unti unti kong hininaan ang pag usad ng aking sasakyan papasok sa mansion. Namataan ko kasing may kausap ang mga gwardya sa gate ng compound at mukhang nagpupumilit itong makapasok. Tuluyan ng kumunot ang noo ko nang makita ko si Kahel at Blue sa tabi ng isang babae na nakikipag usap sa mga tauhan ko. At ang mas nakapagpataas ng aking kilay ay ang hindi pagpansin ng mga ito sa pagdating ko.
Mga inutil!
Kinuha ko sa dash board ang aking maskara at sinuot iyon. Kinalas ko din ang seat belt na nakakabit sa akin. Maingat kong ipinark ang aking kotse sa gilid ng daan. Tiim ang aking labi nang pagpagan ko ang mahaba kong palda na sumasayad sa aking talampakan habang ang pang itaas ko naman ay isang racer back na half cut. Kitang ang tiyan ko tulad ng aking nakasanayan.
Matapos kasi nang practice kanina ay dumaan pa ako sa opisina ni Pauline sa school at tinanong siya tungkol sa nangyaring gulo.
Naglabas lang siya ng sama ng loob at pinagalitan akong magsuot daw ng pantakip sa aking balat. Kaya nakapalda ako ng mahaba ngayon, but i love my clothes right now, so comfortable and easy to move. Sumandal ako sa upuan at hinintay ang susunod na mangyayari, ngunit mas lalo lang akong naiinip at naiirita dahil sa inaasal ng aking mga tauhan.
Bakit hindi na nila palayasin ang tatlong iyan at patuloy pa rin silang nakikipag usap sa babaeng nagpupumilit na makapasok? At sino ba ang babaeng iyan at anong sadya niya sa teritoryo ko? Parang may kung anong pumintig sa sentido ko nang makita kong sinenyasan ng isa sa tauhan ko ang in charge sa control ng gate. Kaya mabilis kong nahablot ang aking baril at mabilisan iyong kinasa.
Irresponsible bastards!
Pinapainit nila ang ulo ko! Marahas kong binuksan ang pinto ng aking kotse at lumabas doon. Tumapak sa lupa ang halos 3 inches kong itim na wedge at taas noong nilakad ko ang patungo sa pwesto nila.
"Thank you talaga kuya, ang babait pala ng mga tauhan ng Smith." narinig kong imik ng babae. Mas lalong nagpintigan ang ugat ko sa sintido.
Ngumiti ang tauhan ko. "Siguraduhin niyo lang po ma'am na malapit kayo sa magkambal po." ani pa nito.
"Don't worry kuya, sobrang malapit po ako sa kanila at kasama ko din po ang mga pinsan nila eh." masiglang turan ng babae.
Naningkit lalo ang mata ko nang makitang unti unting tumataas na ang gate. This is bullshit! Sinusuway na pala ang mga utos ko ngayon?
Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay binabalewala ang mga salita at utos ko. Tumaas ang sulok ng aking labi sa sobrang pagkairita. At ni isa sa kanila ay hindi man lang napansin ang presensya ko dahil sa babaeng iyan? Ginagalit ba talaga nila ako?!
"Bilisan niyo lang po ang pagbisita dahil kami po ang malalagot kay boss-" naputol na ang sinasabi niya dahil sa dalawang putok ng baril na pinakawalan ko. Inasinta ko ang tuhod ng tauhan kong kumakausap sa babae at ang kamay ng nagbukas ng gate.
Mga lintik na tauhan!
Lahat sila nagulat at napasinghap. Nanlalaki ang mga mata nilang tumingin sa dako ko. Nakita ko ang pamumutla ng aking mga tauhan samantalang napanganga naman ang tatlong bisita.
"B-boss." puno ng takot na usal ng nakaluhod na tauhan.
"Tarantado!" sigaw ko dito na ikinatakot at ikinagulat nilang lahat.
Matalim na tinapunan ko ng tingin ang babaeng dahilan para suwayin ako ng aking mga tauhan. Sinalubong ng nanlilisik kong mata ang nanlalaki niyang mga mata.