31st Color- Very
Ramdam ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha kaya naalimpungatan ako at tuluyan ng nagmulat. Balak ko na sanang bumangon para takpan ng kurtina ang bintana nang mapansin kong may mahigpit na brasong nakayakap sa akin. Saglit na napaawang ang bibig ko at napatingin sa lalaking aking katabi na mahimbing pa din ang tulog sa kabila ng sinag na tumatama din sa kanyang mukha. Naalala kong hindi pala ako natulog sa aking silid saka unti unti nalang kumurba ang aking bibig dahil sa napakagandang tanawin na aking nasisilayan ngayon.
His face was illuminated by the sunlight and he's actually glowing in my eyes. Those peaceful pair of eyes, perfect outline of nose and his sinful lips. Payapa ang paghinga niya na waring nasa isang napakatahimik na lugar siya natutulog at tanging kalikasan lamang ang kanyang kapiling.
Dahan dahan kong pinaglandas ang aking mga daliri para haplusin ang buhok niya. Napakalambot nito as if i'm caressing a cotton. Nakatitig lamang ako sa kanyang mukha kaya't nang magmulat siya ng mata ay kitang kita ko din kung paano siya kumurap ng ilang beses nang masilayan niya ang mukha kong ilang pulgada lamang ang layo sa kanya.
"Good morning." ngiti ko sa kanya.
Umawang ang kanyang bibig at halatang nagulat sa kanyang nakikita ngayon. Nang mabasa ko ang sunod niyang gagawin ay agad akong lumayo sa kanya at mabilis na tumayo para tanggalin ang pagkakabuhol ng tali sa kurtina at matakpan ang sinag ng araw. Heck, umagang umaga ay ayaw kong maitulak ng wala sa oras.
Bumalikwas ito ng bangon at unti unti ng nagsasalubong ang mga kilay niya habang nakatitig pa din sa akin.
"What are you doing here?" masamang tingin ang ipinukol niya sa akin na siyang nginitian ko lang.
"And how did you get in here?" dagdag niya pa.
Imbes na sagutin ang katanungan niya ay binalingan ko ng tingin ang orasan. Alas sais pa lamang ng umaga. Mamayang alas otso ay may pupuntahan pa ako pero may oras pa naman sa pag wawarm up.
Binaybay ko papunta sa may pinto at siniguradong nakalock iyon bago muling bumaling ng tingin sa aking mapapangasawa.
"Red, ano na naman bang binabalak mo?" naiirita niyang tanong sa akin.
Ngumiti ako ng matamis at naglakad papunta sa kama.
"Your brother, I've tried reconsidering him but my body always walk towards you." sa halip ay saad ko.
Umigting ang panga niya at naiiritang pinasadahan ng palad ang kanyang buhok. Umakyat ako sa kama at tumabi sa kanya. Masamang tingin na naman ang pinukol niya sa akin.
"Para kang linta, nakakairita." komento niya at nag iwas ng tingin. Tumitig siya sa ibang direksyon pero kitang kita ko kung paano umigting ang mga muscle niya.
Napangiti nalang ako. Hindi ako nagkamali sa aking pinili. Bakit ba kasi mas nahuhulog ako sa mga taong walang interes sa akin?
Gumalaw ako at umupo sa kandungan niya kaya muli na naman akong nakatanggap ng masamang tingin.
"Ano bang gagawin ko sayong babae ka?" naiirita niyang tanong na nginitian ko lang.
Bahagya pa akong natawa bago ko isinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg at niyakap siya sa kanyang beywang. He was wearing a white cotton sando na pinaresan ng cotton boxer short.
"Masyado kang hot." halakhak ko sa kanyang leeg.
I heard him 'tsked'. "Ba't hindi mo suot ang maskara mo?" sa halip ay tanong niya.
Nagkibit balikat nalang ako at hinalikan ng mumunti ang leeg niya. "Ikaw naman ang katabi ko, why bother?" sagot ko while sniffing his neck. Nakakahalina talaga ang kanyang amoy.