21st Color

966 64 7
                                    

21st Color- Schemer

Red

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makarating ako sa aking silid. Agad akong pumasok sa banyo at humarap sa malaking salamin. Nakita ko ang aking repleksyon na may ngisi sa labi pero unti unti din itong napawi.

I stared blankly at my toothbrush pero ilang segundo lang ay kinuha ko iyon at nilagyan ng toothpaste saka nagsipilyo. Naghilamos din ako at nagbabad ng kaunti sa dutsa bago ko sinuot ang bathrobe.

I wore nothing but my underwear under the thick fabric of my bathrobe when I decided to go downstairs and get some food to eat. Wala ng ibang tao na gising sa mansyon dahil mag aalas tres na din ng gabi.

Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig at baso saka ilang cookies and slices of bread sa kusina. Kinuha ko din ang natipuhan kong palaman sa tinapay at inilagay ang mga ito sa isang tray bago pumanhik paitaas.

Ngunit habang binabaybay ko ang pasilyo sa ikalawang palapag ay napatigil ng kusa ang aking mga paa sa tapat ng isang pinto.

Kamusta na kaya siya? Iyon ang tanong na biglang pumasok sa aking isipan. Dala ng kyuryusidad ay sinubukan kong sumilip sa loob ng silid. Hindi naman ito nakalock kaya wala akong naging problema.

But the moment my eyes lingered on a guy's figure who's struggling his way out of the bed ay mabilis na kumunot ang noo ko at inilapag ang dala kong tray sa mesang nasa tabi ng pinto. Isinara ko din muna at nilock ang pintuan bago ko siya nilapitan at pinigilan sa binabalak niyang pagtayo sa kanyang higaan.

Nagitla siya nang dumampi ang daliri ko sa kanyang balikat. Napaangat siya ng tingin at sinalubong ko ang nakakunot niyang mukha.

"Bubuka ang mga tahi mo kung magpupumilit ka na naman sa pagkilos." marahan kong sambit sa kanya.

Isang napakatalim na tingin ang iginawad niya sa akin dahilan para ako naman ang matigilan.

Marahas niya ding iwinaksi ang aking kamay na nakahawak sa balikat niya.

"Hindi pwerket sa inyo ang bahay na to ay pwede mo na akong manduhan." malamig niyang imik.

Gusto kong magprotesta at saktan siya sa sinabi niya.

What the heck? Hindi ko siya minamanduhan! Pinapaalalahanan ko lang siya!

"May kailangan ka ba kaya ka nagpupumilit na tumayo?" sa halip na mainis ay kalmadong tinanong ko nalang siya.

Umirap siya sa akin at hindi pinansin ang tanong ko. Sa halip ay bumalik siya sa pagkakahiga at tumalikod na naman sa akin.

Tumiim ang aking bagang at napakuyom din ako ng aking kamao.

Ano bang inaarte ng lalaking to?!

Masama sigurong natatamaan siya ng bala dahil bumabaliktad ang ugali niya ng ilang baitang.

Ilang minuto pa akong nakatayo doon hanggang sa marinig ko ang kumakalam na sikmura ni Cray. Bigla siyang napamura at bumaluktot sa pagkakahiga.

Boluntaryong napangiti ako at mabilis na kinuha ang tray na dala ko kanina. Inilapag ko iyon sa mesang nasa tabi ng hinihigaan niya.

Tumikhim ako para tawagin ang atensyon niya pero pag ismid lamang ang narinig ko sa kanya.

"I brought some food, baka nagugutom ka na." saad ko pero mahabang katahimikan lamang ang sumalubong sa akin.

Unti unti na talaga akong nawawalan ng pasensya sa kanya kaya naman pinilit ko siyang iharap sa direksyon ko.

Madali ko naman siyang napaharap pero iritadong mukha niya naman ang bumungad sa akin. If looks could kill ay kanina pa siguro ako nakabulagta sa sahig.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon