34th Color

1.2K 61 6
                                    

34th Color- Could he tame her?

Nagsipag alisan na ang mga bisita at tanging mga nagsasayang teenager na lamang ang natitira sa pinagdausan ng engagement party. Ilang oras ko ding hinintay ang kakambal ko ngunit hindi talaga siya nagpakita. Maging si Clay ay hindi pumunta. Napaismid tuloy ako nang maalala ko ito at napansin iyon ng fiancee ko na nasa tabi ko lamang na nakikipag usap kina Blue at Kahel.

"What's wrong, Mine?" takang tanong nito. Narinig ko naman ang pagtikhim ng dalawa niyang pinsan kaya binalingan ko sila ng masamang tingin.

Pinagtuonan nila agad ng pansin ang alak nila matapos nilang umiwas sa tingin ko.

"Where's your twin?" seryoso ko sa kanyang tanong. Importante pa rin kasi ang presensya ni Clay dito.

Before he answered my question ay inubos niya muna ang alak sa kopita niya bago nagsalin ulit.

"Hindi niya mahanap ang babae." simpleng sagot niya na ikinakunot ng aking noo.

"But it's been weeks now, akala ko ba magaling siya sa larangan ng paghahanap?" turan ko naman sa kanya.

Mabilis niya akong inakbayan at hinalikan sa ulo. Lumayo din naman siya sa akin at bahagyang napatingin pa sa mga pinsan niyang nasa harap lang namin.

"It just so happened na hindi ordinaryong babae ang hinahanap niya." may ngisi sa labi nitong wika.

Natahimik ako at napaisip ng malalim. Simula nang hindi ko makita si Clay ay nagtanong na ako sa aking fiancee kung saan ito nagpunta. Sinagot naman ako nito na may kailangang hanapin si Clay. Importante daw na mahanap ito ng kakambal niya dahil doon nakasalalay ang manang makukuha ni Clay at ang pagkatuloy ng magiging kasal namin ni Cray.

May isang mahigpit na kasulatan kasi sa pamilya ng mga Sy na kung sinuman ang magkambal sa kanilang angkan ay kinakailangang sabay na magpakasal ang mga ito dahil kung hindi ay hindi pa maaaring ikasal ang isa samantalang mawawalan naman ng mana ang isa pang kambal. Wala na sanang problema dahil napag alaman din namin na may nakatakda pa palang ipakasal sa isa sa magkambal na hindi ko mapipili. Masasabi kong handa talaga ang angkan ng Sy patungkol sa bagay na ito dahil may napili na din pala silang ipakasal sa isa pa nilang anak upang sabay ang magiging kasal at hindi na magkaroon pa ng problema.

Ngunit nagkaroon pa din ng problema dahil ang nakatakdang ipakasal kay Clay ay mahilig gumala sa kung saan saang lugar at hindi napipirmi sa mansyon ng angkan nila. Kaya't nasa ibang lugar ngayon si Clay para hanapin ang babaeng itinakda sa kanya pero hindi pa rin pala nito nahahanap ang babae hanggang ngayon.

Nalaman ko lang kasi ito noong nakaraang araw, kung nalaman ko sana ito ng mas maaga ay natulungan ko na si Clay sa paghahanap. Pero talagang kailangan ko na siyang tulungan bukas dahil kung hindi mahahanap ang babae ay maaantala pa ang double wedding. Ngunit wala pa akong alam tungkol sa babaeng itinakda para kay Clay kaya kailangan ko munang kumalap ng impormasyon.

Nasa malalim pa din akong pag iisip nang maibalik ako sa aking diwa nang marinig kong magsalita si Kahel.

"I know the girl, nakasama ko na siya dati sa isang dance workshop at isa lang ang masasabi ko-- kawawa ni Clay." nakangising turan ni Kahel na sinamahan pa ng nakakalokong halakhak.

Muling nangunot ang noo ko. Paanong magiging kawawa ni Clay?

"Masyadong passive ang babaeng iyon at walang pakialam sa paligid niya. Dinadaan niya lang ang lahat sa tingin at talagang napakatahimik nito." dagdag pa ni Kahel.

"Edi bagay lang sila ni Clay, masungit naman yun eh at hindi din palaimik." komento ni Blue.

Napailing si Kahel at muling tumungga ng alak.

"Kung ganon lang sana kadali, but I tell you my brother, she's so hard to please at pakisamahan. Parang nasa pinakamataas na pedestal ang babaeng yun, ang aurang bumabalot nga sa kanya ay nagsasanhi para hindi siya malapitan ng sinuman." pagkukwento ni Kahel na talaga namang nakakuha sa atensyon ko.

Pinakamataas na pedestal?

"What clan does she belongs to?" hindi ko mapigilang tanong.

Bahagya silang natigilan sa pagsali ko sa usapan nila dahil simula pa naman kanina ay hindi ako nakikisali sa kanila at ngayon ko lang sila kinausap. Ramdam ko naman ang pagkailang nila sa akin at tanging mga kapamilya ko lamang ang lumalapit sa akin. After I revealed my face to them ay ikinalaglag iyon ng mga panga nila. Hindi nila inaasahan na isang Oedipus na pala ang nadadaanan nila noon. Lalo na si Kahel, talagang grabe ang pagkagulat nito sa kanyang nalaman pati na din si Blue.

"Tukogawa clan." simpleng sagot ni Kahel.

Bahagya akong natigilan at namangha. Pero mas nanaig ang pagkagulat. What the-- alam ba ni Kahel ang sinasabi niya?! Alam niya ba kung anong klaseng angkan ang binanggit niya?

Ganun ba kalakas at kalawak ang komunikasyon ng mga Sy para magkaroon sila ng kaugnayan sa mga Tukogawa?!

"Seriously Kahel?!" bulalas ko na ikinagulat nila.

Kinakabahang tumango naman si Kahel bilang sagot samantalang kunot noong nilingon naman ako ng aking Fiancee.

"Why? Do you know Tukogawa clan?" tanong ni Cray pero hindi ko siya sinagot.

Hindi ko pa din madigest na ikakasal si Clay sa isang myembro ng Tugokawa. At mas lalong hindi ako makapaniwalang napapayag nila ang pinuno ng Tukogawa na pakasalan si Clay.

Anong meron si Clay na nakita ng mga Tukogawa? Damn! In my eyes, he is someone who is very hot tempered with a foul mouth at madali ding mauto at mapaikot. And knowing that girl she has a very high standard and she always wants everything to be perfect-- kaya bakit at paano?! She is too much for Clay.

But my main question here is.

Could Clay tame her?

--

Twitter acc: xxangelinlovexx

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon