22nd Color- Dandelion?
Clay Hamilton Sy
Kapayapaan ang bumungad sa akin pagkagising ko ngayong umaga. Medyo mas may kontrol na ako sa katawan ko dahil naigagalaw ko na ito sa gusto kong gawin. Pagtingin ko naman sa orasan ay mag aalas otso na ng umaga.
Muli nalang akong pumikit. Alam ng mga tao sa amin na ayaw ko talaga ng ingay tuwing nagpapahinga ako kaya siguro walang tao rito sa aking silid.
Pero hindi naglaon ay nakarinig na ako ng ilang yabag papalapit sa silid na aking kinaroroonan hanggang sa marinig ko na ang pagpihit ng door knob.
Nanatili akong nakapikit kahit alam kong nasa loob na sila.
"Speechless ako kay Cray." narinig kong saad ni Blue.
"Wala tayong magagawa, talagang mga babae ang lumalapit sa lalaking iyon." at sumunod naman na nagsalita si Kahel.
Naramdaman kong umupo sila sa malapit sa akin at nagpatuloy sila sa pag uusap.
"Ang lupit ng lalaking iyon,naglock pa talaga ng kwarto para walang istorbo sa kanila ng chix niya." ani Kahel.
"I just saw a glimpse of the girl and I could tell, she's one of a kind." komento naman ni Blue.
"I bet she is. Kung si Tita Hilton at Tito Cronus ang nakakita ng nadatnan natin ay baka nagwala na ang dalawang iyon. Sa palagay mo Blue, sino kaya ang babaeng iyon?"
"Maybe, one of the nurses?"
"Tsk, tsk. I doubt it."
"Kung hindi lang ako nag alangan sa itsura kanina ni Cray na parang mananakmal na ay nalaman na sana natin ang itsura ng babae."
Narinig ko ang sabay na tawa ng dalawa at halatang tuwang tuwa sila sa kanilang pinag uusapan. Hindi man ako kasali sa kanilang usapan ay may nabubuo na ding ideya sa utak ko dahil lang sa pakikinig sa kanila.
"Nakakapagtaka lang kung paano nakapasok ang babaeng iyon sa mansion ng mga Smith. Tayo nga ay masyado pang nahirapan para lang bisitahin ang mga ka angkan natin sa puder ng mga Smith."
"Baka taga loob lang dito ang babaeng iyon?
"That's possible."
Nagpasya akong imulat na ang aking mga mata at panuorin ang dalawang nag uusap. Natagpuan ko ang mga ito na prenteng nakaupo sa sofa na malapit sa aking hinihigaan habang masyado silang abala sa pag uusap.
Napakawalang hiya talaga ng mga ito, dito pa talaga sila magchichismisan sa silid at hindi man lang nila nagawang kamustahin ang kalagayan ko. They didn't even check me first before they started to exchange gossips.
How gay.
Tumikhim ako para agawin ang atensyon nila.
Sabay silang natigilan at marahas na napalingon sa kinahihigaan ko. Noong una ay para silang natuklaw ng ahas dahil sa ekspresyon na bumalatay sa mukha nila pero kalaunan ay pareho itong tumayo at mabilis na naglakad papunta sa higaan ko.
"Clay! You're awake!" sabay pa nitong hiyaw kaya napangiwi ako sa ingay na ginawa nila.
"Tang-na, Blue tawagin mo sa labas ang mga nurse. Dali!" natatarantang utos ni Kahel na agad namang sinunod ni Blue.
"Dude! Akala talaga namin ay matutuluyan ka na!" bulalas nito at lumuhod pa sa sahig para pumantay sa mukha ko.
"Yeah right. Dahil walang pasabi kayong umalis para mag out of town at hindi niyo man lang nabrief ng mabuti ang security ng buong lugar para sa mas mahigpit na pagbabantay!" matigas kong turan na ikinangiwi niya.