25th Color

956 57 2
                                    

25th Color- A Front

RED

Tahimik akong nagbabasa ng isang libro sa Design subject namin sa loob ng classroom. Ang mga kablock ko naman ay abala din sa harap ng kanya kanya nilang laptop. This is my last year in Architecture kaya inaasikaso ko na rin ang thesis ko. Sa totoo lang ay malapit na ang defense namin doon at patapos na din naman ako sa ginagawa kong thesis. Kahit naman kasi abala ako sa personal kong buhay at trabaho sa headquarters ay napagsasabay ko pa rin ito sa aking pag aaral.

Sa edad kong dalawampu't apat na taon ay masasabi kong I feel contented sa tatapusan kong kurso.Ang pagiging arkitekto kasi ang gusto ko talagang maging propesyon tuwing wala ako sa field ng pakikibaka. Let's say my passion is the art of fighting kaya ito ang inuna kong pagtuunan ng pansin at habang nadedestino ako sa iba't ibang lugar ay napamahal ako sa arkitekturang nakikita ko sa bawat lugar na aking pinupuntahan, kaya naman ipinangako ko sa aking sarili na magtatapos ako bilang isang estudyante ng arkitektura. At balang araw din ay magiging isang mahusay na arkitekto ako. Gusto kong magtrabaho sa kompanya ng aking iniidolo sa propesyong ito kaya kapag nagkaroon ako ng lisensya ay agad akong mag a-apply sa Limitless.

Habang abala sa aking pinag aaralan ay naagaw ang atensyon ko sa nangyayaring bulung bulungan sa loob ng room namin. Kunot noong binalingan ko si Dai na may balak na ding makiusyoso sa labas.

"Anong pinagkakaguluhan nila?" tanong ko sa kanya.

"May away daw sa Engineering, si Pauline kasi may sinabutan daw na babae at pinaliguan pa ng juice." nakangiwing sagot nito.

Tumikwas lang pataas ang aking kilay. Napakachildish.

"Isang leader na nakikipag away?" puna ko na ikinatawa niya lang.

"War freak naman kasi talaga si Pauline, sa kamalditahan niyang iyon?" saad niya at muling tumawa.

Napailing ako. Hindi gagawa ng ganyang kababang akto si Pauline. Maldita siya pero hanggang salita lang ang babaeng yun.

Kung nakipagsabunutan man siya ay baka nasagad na ang pasensya niya sa kung sinuman ang nakaaway niya.

"Wait lang Red, makikichismiss lang ako." natatawang paalam niya sa akin saka nagmadaling lumabas kasama ng ilang blockmates namin.

Nilinga ko ang buong room para hanapin si Dee pero hindi ko siya makita. Napailing akong muli nang maalala kong mahilig din pala iyon sa chismissan kaya malamang ay naroon na iyon sa may Engineering.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa at muling nagconcentrate sa mga impormasyong aking nakukuha. Pero hindi pa man ako nakakatapos ng isang pahina ay may sumitsit na sa akin. Binalingan ko ang kablock kong tumatawag.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Si Kahel, hinahanap ka." nakangiti niyang sagot at itinuro ang pintuan.

Napalingon ako doon at nakita ko naman ang nakangiting mukha ni Kahel na sinabayan niya pa ng pagkaway.

Isinara ko ang librong binabasa at isinilid iyon sa aking bag bago ito isukbit sa aking balikat at naglakad patungo sa kanya.

"Anong kailangan mo?" kaswal kong tanong habang inaayos ang aking salamin.

"Nakalimutan mo atang may practice tayo ngayon kaya sinundo na kita." nakangiting turan niya.

Kumunot ang noo ko at napabaling sa mga kablock kong lihim na nag iiritan habang nakatingin sa lalaking kausap ko.

"Ganun ba? Nawala sa isip ko, mabuti pang mauna ka na sa dance room at susunod nalang ako. Magbibihis lang ako." saad ko.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon