Chapter 2

38 3 0
                                    

Lumipas ang mga araw at friday na ang araw kung kailan namin ipepresent individually yung report namin sa Ap.

Filipino time ngayon at ayan na naman si ma'am Eyuh nagpapaalala ng kung anong gagawin at dadalhin bukas.

Daming hanash nitong teacher na to eh.

"Magdala kayo sa lunes ng picture niyo, passport size. Picture na makikilala ko kayo ah hindi yung picture niyo nung bata kayo. Magdala din kayo ng glue pandesign at black na colored paper. paliwanag niya.

May naramdaman akong kumakalabit sa akin mula sa tagiliran ko kung saan nakaupo si Miller kaya hinarap ko siya

"Ano?!" pabulong ngunit pasigaw kong anas

"Paprint mo ko picture ah" pabulong ngunit paawang sagot niya.

"Di ako sure" sagot ko.

Hindi na niya ko kinulit pagkatapos nun.

Umalis agad si ma'am pagkatapos niya magpaliwanag. Kaya ang mga kaklase ko para na namang nakawala sa hawla.

Ako? eto nagfafacebook, pascroll scroll lang. Habang nag ii-scroll may nakita akong nagpalit ng profile picture, madaming likes at comments. Tinignan ko yung comments, hindi ko alam kung matutuwa o matatawa sa mga comments eh.

"Ganda naman"

"Mana po sayo eh"

"Nako, mas maganda ka po"

Plastikan goals amputek. Pinatay ko na ang cellphone ko at tumulala na lang.

5 minutes later

"yah yah" kanta ni Neon

"kalimutan mo na yan sige sige maglibang" dugtong ni shammy.

"ang problema sa babae dapat hindi iniinda hayaan mo silang maghabol sayo diba?" kanta naman ni larry.

"Haya-hayaan mo sila, haya-hayaan mo sila na maghabol sayo." sabay nilang kanta na nagpatawa sa akin.

Kumanta lang sila ng kumanta hanggang sa~~

"Andyaaaaan na si ma'aaaaaaaaam" sigaw ng isa sa mga kaklase ko na nagpatahimik sa aming lahat.

Parang naging magic word abg salitang 'andyan na si ma'am' dahil ang kaninang magulong classroom ay biglang umayos at luminis.

Maya-maya pa ay dumating na si ma'am.

"Bring out your activity notebook and answer this one" sabi niya na agad naman naming sinunod.

Natapos na ang oras ni ma'am kaya nagrecess na ako. Bumili lang ako ng porkchop ni Paeng sa canteen.

malamang sa canteen alangan man sa Cr ka bumili ng pork chop ni Paeng? sabat ng boses sa isip ko.

Umakyat na ko sa room. Hindi pa ko nakakaupo sa upuan ko ubos na ang ulam ko, kinain na ng mga kaklase ko. Kaya no choice ako kung hindi kainin ang kanin ko ng walang ulam. Gravy lang

Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon