Kinabukasan, Mapeh ang una namin na subject kaya kinakabahan ako dahil hindi ako nakapag-search tungkol sa Love at infatuation na yan!
Ilang minuto na lang ay papasok na ang teacher namin para magturo, Paano na pag tinawag ako? ano isasagot ko?
Mangopya na lang kaya ak--
"Good morning class" sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na napansin na dumating na pala si Ma'am Tin at nasa harapan na siya ngayon.
Patay kang bata ka!
"So, sino sa inyo ang nakapagsearch tungkol sa love at infatuation?"
Dahil sa sinabi niya, napahinga ako ng maluwag dahil boluntaryo naman pala ang pagsagot.
Tumingin ako kay Miller kung magsasagot siya pero hindi, nakikipagdaldalan na naman siya kay Nerio.
Paniguradong tungkol na naman sa League of Legends yang kinukwento niya.
Try ko kaya maglaro nun? para sa'kin na lang siya magkuwento, tapos sasabay ako sa kanila sa tuwing pupunta sila ng mga kaklase ko sa computer shop ng isa sa mga kaklase ko para maglaro.
Paano ko nalaman? syempre sinusundan ko siya minsan at hindi siya dumidiretso pauwi sa bahay nila kundi pumupunta siya sa computer shop, kaya siguro hindi siya nagrerecess para may pang-computer. Tsk
Hindi bale! mamaya magpapaturo ako kay Nerio maglaro ng League of Legends para makita ko siya madalas.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na tuloy napansin na nakatawag na si ma'am ng sasagot sa tanong niya.
"Ma'am infatuation is the state of being completing carried away by unreasoning desire" sagot ni Larry na halatang sa google nakuha.
"How about love? Calceta?" tanong ni ma'am habang nakatingin sa papel kung saan nakasulat ang mga pangalan namin dahil hindi niya pa naman kami kilala.
Tumayo naman si Shammy at sumagot.
"Love is a decision to commit one-self to another and to work through conflicts instead of giving up" sagot niya na halatang galing din naman sa google.
"Very good calceta! Ngayon ihalintulad niyo naman ang love at infatuation sa mga bagay na nakikita niyo" sabi niya at parang awtomatik na may pumasok sa isip ko.
Ang love ay parang instagram, hindi porket finollow mo siya, ifofollow back ka niya. Hindi porket mahal mo siya mamahalin ka din niya.
Pero hindi ko na isinagot yun dahil nagtataas na ng kamay si Andrew.
Sabi niya na ang Love daw parang utot, mahirap pigilan.
"For our next activity, may bola ako dito na maliit tapos kakanta kayo at ipapasa niyo ito, kung kanina titigil may itatanong ako, Gets?"
Ganoon nga ang ginawa namin at eksaktong tumigil ang kanta ng hawak ko na ang bola kaya wala akong choice kung hindi pumunta sa harapan.
"Describe your ideal guy" tanong ni ma'am pagkalapit ko kaya ayan na naman ang mga sigawan ng mga hinayupak kong kaklase.
"Madali lang yan"
"yun oh! describe mo lang si Miller tapos na"
"Go Ms, No"
"Matangkad po saka mabait tapos masipag mag-aral" simpleng sagot ko.
Sa sinagot ko wala ni-isa ang katangian ni Miller dahil nga tamad siya mag-aral at hindi siya mabait.
Pero sabi nga nila wala yan sa height, sa ugali, sa sipag, at sa itsura. Kapag mahal mo, mahal mo.
Pinaupo na din ako pagkatapos nun.

BINABASA MO ANG
Catch Me
RomanceMeet Kiara Reafor ang babaeng palaging sawi sa pag ibig kahit hindi pa nagkakajowa, Paano ba naman takot umamin dahil takot mareject kaya ayun! hanggang kaibigan lang sila ng mga naging crush niya. Pero ng makilala niya si Miller, ang lalaking nagpa...