Chapter 9

15 1 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay ay nakita ko sa sala si mama habang nag bu-bubble shooter.

Nilapitan ko siya para sabihin na top 11 ako.

"Ma! top 11 ako pero 86 plus naman yung average ko e"

"Ge" walang interes na sagot niya.

Napatawa na lang ako sa sarili ko habang naglalakad papuntang kwarto.

Putangina. Akala ko mahirap na yung ginagawa mo yung best mo pero kulang pa rin. Pero mas mahirap pala yubg ginagawa mo yung best mo para sa taong wala naman pakialam sa'yo.

Natigil ang pag iisip ko ng tawagin na ako ni mama para kumain.

Kinabukasan ay si mama na lang ang pinakuha ko ng card ko.

Nang makauwi siya ay excited konna kinuha ang report card sa kanya para ipakita kay papa, para naman maging proud siya sa'kin.

"Papa! tignan mo yung card ko!" tawag ko sa kanya habang nag fefacebook siya.

"Uy pa!" tawag ko uli dahil hindi niya ako pinapansin.

"Manahimik ka nga may pinapanood ako" sigaw niya sa akin kaya napatahimik ako.

Puta bakit ang unfair ng mundo? yung pamangkin ko na puro bagsak ang grades proud na proud siya tapos yung akin hindi man lang niya tiningnan?

Dumiretso ako sa kwarto at doon nagkulong hanggabg gumabi. Naririnig ko pa na tinatawag nila ako para kumain pero wala akong pakialam. Wala akong pake sa kanila.

Maya-maya pa ay dinalaw na ako ng antok kaya natulog na din ako.

Alas-singko pa lang gising na ako dahil maaga akong papasok dahil ayoko silang makita.

Pagpasok ko sa classroom ay onti pa lang sng nandoon dahil maaga pa naman. Nakita ko si Miller na nakayuko sa upuan niya at ginagalaw-galaw ang paa niya.

Kaya umupo na lang ako at tinitigan siya, hindi naman niya mapapansin e.

Pero maya-maya pa ay nagdatingan na ang mga kaklase ko kaya inangat niya  na ang ulo niya, kaya naman nag iwas ako ng tingin.

Absent si ma'am Zoe kaya parang Manila Zoo na naman ang classroom namin.

Hinanap ng mata ko si Miller at nakita ko naman siya na paikot-ikot sa classroom habang may nakalagay na cartolina sa likod niya' may hawak pa siyang walis na inihahampas sa mga upuan ba gumagawa ng ingay.

Psh. Timang talaga

Natigil ang pag-iingay nila ng biglang dumating si Binibining Eyuh.

"wala naman yung teacher niyo kaya ako na lang ang magtuturo sa inyo" sabi niya nang makapunta siya sa harapan.

"Mag ge-graded recitation tayo" dugtong pa niya.

Madaming umalma pero wala naman kaming magagawa dahil si ma'am na ang nagsabi.

Inilabas niya na ang papel na naglalaman ng mga psngalan namin kaya inilabas namin ang libro para doon makita ang sagot.

"Reafor"

napatayo naman ako ng tawagin niya ang apelyido ko.

"Base sa tinakay natin sa mga nakaraang araw, ano ang tawag sa panitikan na naglalaman ng kwento kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay?" tanong niya.

Psh. Basic.

"Alamat po" confident na sagot ko.

"Hanap tayo ng susunod............Eto!... Irlandes"




Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon