Chapter 10

16 2 0
                                    

Naka get over na ako sa paglipat ni Miller ng upuan noong biyernes dahiiiil.

Nandito na ako ngayon sa Gym kasama ang mga kaklase ko dahil ngayon ang colooooored fuuuun ruuuun!

Alas-singko pa lang ng umaga pero andito na kami dahil mamayang 5:30 magsisimula para hindi kami mainitan habang tumatakbo.

Hinanap ng mata ko si Miller pero wala siya, pagkadating ko dito kanina ay hinanap ko na siya pero wala talaga.

Sabi ni ma'am ito yung project namin sa kanya.

Pag wala siyang project, babagsak siya.

Kapag bumagsak siya magiging repeater siya.

Kapag naging repeater siya, hindi ko na siya makikita.

Kapag hindi ko siya nakita malulungkot ako.

Kapag nalungkot ako babagsak din ako

Kapag bumagsak ako magiging classmate ko siya uli

Kapag naging classmate ko siya uli, maiinlove siya sa'kin

Kapag nainlove siya sa'kin liligawan niya ako.

Kapag niligawan niya ako, nagiging kami na

Hehe, advance ako mag isip mga prends

Nasobrahan ata ang pagiging advance kong mag isip dahil hindi ko napansin na nagsisimula na pala silang tumakbo.

Sumabay ako kay Angeline, Andrei, at Lorelyn tumakbo, papalabas ng gate.

Tinakbo ko ang paglabas ng gate pero nang nakalayo na ako ay nilakad ko na lang.

'Fun RUN tapos maglalakad ka prend? nuginagawamue?' sabi ng hypebeast sa utak ko.

Sabay kaming naglalakad ni Lorelyn pero maya-maya pa ay tumakbo na siya at iniwan niya akong nag iisaaaaaaa🎤🎶🎼🎵

Habang naglalakad ako ay may naririnig akong nagsisigawan sa harapan ko.

Sakto namang napatingin ako sa kung saan nanggaling ang sigaw ng biglang...

'Toink'

Mga prend naheadshot ako ng paint sa muka.

'Malamang sa muka, Alangan naman maheadshot ka sa kamay? R u road?' sabi naman ng gagang hypebeast sa utak ko.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad, tumatakbo ng kaunti kapag may nangbabato ng colored powder.

Palakad-lakad lang ako habang nag fufun-run ang iba, Napalingon tuloy ako sa likod ko.

What the fucking fuck?

Shetaaaaaaaaaay walang tao sa likod ko. Ibig sabihin ako yung pinakahuli?

Medyo binilisan ko ang paglalakad para hindi mahuli at napansin ko din na malapit na kami sa school at may nagtitilian na naman.

Tinakbo ko na ang daan papunta sa school dahil malapit lang naman na.

Nang makalapit ako ay.

'Splaaaaaaaaaaaaaaaash'

sheeeeeems tinamaan ako sa mukha ng tubig na galing sa fire engine. Yung sa bumbero, pampatay ng apoy.

Nanginginig tuloy akong pumasok sa gym dahil sa hinayupak na tubig na yon.

Nakita ko na sila Angeline at Andrei sa loob kasama ang iba pa naming mga kaklase, madami na ang nandoon dahil nga ako ang pinakahuling tumatakbo kanina lahat ay nandoon na maliban sa'kin.

Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon