Chapter 11

11 2 0
                                    

"Yieeeeee ms, No"

"Isip kayo pangalan ng love team nila haha"

"Miller wag kang pafamous diyan, pansinin  si Ms,--"

Naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating si sir, Daxx.

"Oy! anong ms, No? sino yun?" sabi ni sir pagkapasok at narinig niya ata ang sinabi ng kaklase ko.

*tug* *dug* *tug* *dug* *tug* *dug* *tug* *dug* *tug* *dug* *tug* *dug*
*tug* *dug* *tug* *dug* *tug* *dug* *tug* *dug* *tug* *dug* *tug* *dug*

Yung puso ko parang nangangarera dahil sa lakas ng tibok nito dahil kapag sinabi ng kaklase ko, dahil panigura--

"si Kiaraaaaa siiiiiiiir"

Patay kang bata ka.

Bakas sa mukha ni sir ang gulat pero nakabawi din siya agad,  dahil sa kanyang biglang pag-ngisi

"Sino may gusto sa inyong dalawa? ikaw Reafor?" tanong niya sa'kin habang nakangiti at nagtataas baba ang kilay.

Iiling pa sana ako ng biglang nag sigawan ang mga kaklase ko.

"Oo sir siya si Ms, No haha"

"Yieeee Ms, No"

"Ayieeeeee"

Pucha na yan!

"Oy No! pansinin mo naman si Reafor siya na nga lang nagkakagusto sayo oh" sabi ni sir kay Miller na nanatiling tahimik.

Well. totoo naman na ako lang ang nagkakagusto sa kanya. Bakit? kasi mali yubg description ko sa kanya. Hindi siya pangit, pero hindi rin gwapo. Mas lamang yung kagwapuhan niya pero walang nakakapansin nun, Maliban sa'kin

Mahirap ipaliwanag pero ang importante, mahal ko siya kahit siya pa ang pinakapangit na tao sa mundo.

"Magtabi nga kayo dito!" sabi ni sir sabay turo sa upuan na pumapangalawa sa harap.

"Hala sir, ayoko!" naiinis na sagot ko.

Kahit naman may gusto ko sa kanya naiilang pa din naman ako no! Hindi naman ako gaya ng ibang babae nag kakandarapa para lang makadikit sa taong gusto nila.

"Ayaw niyo? sige! ibabalik ko itong index card niyo para masayang points niyo sa'kin" pananakot niya na halatang nang aasar lang.

Ha! akala niya ba natatakot ako? as if naman may points ako sa kanya?

P-pero nandoon nga pala yubg record ng quiz and summative namin!

Jusmiyo Marimar!

Padabog akong nagpunta sa upuan na tinuturo ni sir at pumangalumbaba at humarap sa ibang direksyon kung saan hindi ko makikita ang muka ni Miller.

Maya-maya pa ay may naramdaman akong bumagsak sa upuan na katabi ko.

Nanlalaki ang mata ko na tumingin kay Miller na umupo sa tabi ko at ipinatong ang siko niya sa hita niya at pinatong ang mukha niya sa kamay niya at humarap sa kaliwa kung saan hindi niya din ako makikita.

"Yooooown oh!"

"Yieeeeeee"

"Tatabi ka rin pala e."

sheeeeeeeeeeeeeeeems

Naiilang talaga' ko medyo hinila niya pa palayo yung upuan niya ng kaunti para hindi magkadikit yubg siko namin sa tuwing gagalaw kami.

"Isipan na natin sila ng pangalan ng loveteam"

Hinawakan pa niya ang baba niya na para bang nag iisip talaga.

Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon