Mga ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang iba kong mga kaklase pero alas-otso na ng umaga ay wala pa rin na teacher ang pumupunta para magturo.
Nakakalungkot naman wala akong matutunan Hahaha.
Dahil walang teacher sobrang ingay na naman ng classroom namin parang nasa zoo. May iba't ibang klase ng hayop.
"hoy 8 peace! manahimik kayo ah! dinig dinig ko kayo sa faculty!" sabi ni sir Roman habang tumuturo turo pa ang kamay "Exam niyo na sa lunes at martes kaya walang nagtuturo na teacher kaya manahimik kayo! baka hindi ko kaya pag examin!"
"Malapit na pala ang exam hindi tayo nirereview tsk" bulong ng isa kong kaklase.
"mag self study kayo! para hindi naman puro palakol nga grado niyo" sermon pa niya.
"Asan yung president niyo?" tanong niya kaya naman lumapit sa kanya si Noimie "Ilista mo yung maingay sa board" sabi niya dito bago umalis.
Pumunta naman sa harap si Noimie para ilista ang maingay kaya naman nanahimik ang iba sa amin para hindi malista.
Pero may iba talagang ayaw tumahimik, kasama na doon si Miller na para bang walang pakealam kung malista siya dahil nakaupo pa ang loko sa desk habang kumakanta ng malakas.
"Hoy Miller manahimik ka nga!" sabi ni Noimie sa kanya.
"Apeeeeeeng Apeeeeeeeng" malakas na kanta na naman niya na para bang hindi narinig ang sinabi ng President namin.
Tumayo na din ang ibang officers para siguro tumulong sa pananaway dahil dumami na ang nakikikanta kay Miller.
"Sinong crush nito ni Miller? palapitin niyo nga dito para manahimik to." sabi ni Noimie na nagpakaba sa akin dahil malalaman ko na kung sino ang gusto niya.
"Si Kiaraaaaa" sigaw ni Angeline kaya napunta sa kanya ang tingin ng lahat. "Ayy mali pala si Kiara pala may gusto kay Miller hehe" Napamura na lang ako sa isip ko dahil sa kadaldalan ni Angeline kakasabi niya lang kagabi na hindi niya ipagkakalat! at isa pa hindi ko siniguro ang sinabi ko! ang sabi ko sa kanya hindi ako sigurado!
Natigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa at kahit si Miller na kaninang nag iingay ay natahimik din.
Nagtaasan ang balahibo ko ng tumingin silang lahat sa'kin na mayroong iba't-ibang reaksyon, merong gulat, merong natatawa, meron din na nanlalaki ang mata. Pero ang reaksyon ni Miller ang tinuunan ko ng pansin.
Nakakunot ang noo niya at halos magsalubong na ang kilay sa sobrang pagkakakunot ng noo.
Hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin ng reaksyon niyang iyon.
Maya-maya pa ay nag ingay na sila ulit at maraming nagbubulungan dahil sa sinabi ni Angeline. Bakit kasi hindi ko dinepensahan ang sarili ko! bakit kasi hindi ako umalma! bakit hindi ko idineny?!
Dahil ba totoo? hindi ko alam!
"Gosh! crush niya pala si Miller hindi halata."
"naks naman Miller"
"eh diba nasa section Joy yung crush ni Miller?"

BINABASA MO ANG
Catch Me
RomanceMeet Kiara Reafor ang babaeng palaging sawi sa pag ibig kahit hindi pa nagkakajowa, Paano ba naman takot umamin dahil takot mareject kaya ayun! hanggang kaibigan lang sila ng mga naging crush niya. Pero ng makilala niya si Miller, ang lalaking nagpa...