Natapos ang AP subject kaya nakahinga ako ng maluwag dahil kanina ay parang nasasakal ako sa paligid ko dahil sa maliit na distansyang nakapagitan sa'min.
Last subject na namin ang Ap kaya naglalakad na ako ngayon pauwi habang kasabay si Kylle Christel na nagliliptint pa din kahit naglalakad na kami pauwi.
Nasa harap namin si Miller pero hindi malapit, may malaking distansya na sa sobrang laki ay panigiradong hindi niya mararamdaman ang presensya ko.
Tumapat na kami sa street nila pero hindi siya lumiko doon at nagpatuloy sa paglalakad, Magcocomputer siguro.
Habang naglalakad ay nakakatitig lang ako sa kanya na mabagal na naglalakad habang kasabay sila Clint.
Pero nabigla ako ng bigla akong lingunin ni Clint at biglang sumigaw.
"Kiara! laro daw kayo ni Miller ng league of legends" pasigaw na sabi niya.
Binilisan ko ang paglalakad para makalapit ng kaunti.
"Hindi ako naturuan ni Nerio eh, saka madami akong gagawin" sagot ko.
Napamura na lang ako sa isip ko dahil sa opurtunidad na nasayang ko.
Kung makakapaglaro kami may posibilidad na maging close pa kami niyan.
Pero hindi e. Hindi ko kasi makuha yung tinuturo ni Nerio andaming pipindutin hindi ko kaya ng dalawang kamay.
Kung ako lang sana yung babae sa Breeze edi sana...
May lakas ako ng sampung kamay!
Chos. Ang corny.
Nagpatuloy na ang paglalakad namin at lumayo na naman ang distansya namin pero natatanaw ko pa rin naman siya mula sa pwesto ko.
At maya-maya pa ay nakadating na kami sa kanto kung saan liliko si Kc at doon din lumiko si Miller.
Ah kila Dane pala na computer shop siya pupunta.
Nang makita ko kung saan siya pupunta ay tumakbo ako papunta sa bahay namin dahil medyo malapit naman na.
Nasa pintuan pa lang ay sumigaw na ako.
"Ma? Pa? kuyaaaaaaaa?! may ipapaprint kayo? ako na lang magpapaprint May alam ako na mura" sigaw ko pa.
"Magpaprint ka ng sticker doon, Tig sampung spicy saka original" sagot ni kuya habang naglalaro ng mobile legends.
"Sige! sige! bale 100 pesos lang yun, Magbibihis pang ako sandaliii" natutuwang sabi ko at tumakbo papunta sa kwarto at nagbihis na.
Pagkalabas ko ay kinuha ko na agad ang pera at patakbong pumunta sa computer shop kung saan sila nagpunta.
Pagkapasok ay sumalubong sa'kin ang mga sigawan ng mga kaklase ko dahil halos sila lang ang laman ng conputer shop.
"Pentaaaaaa kill!"
"Yabang mo pabuhat ka naman!"
"Paexteeend pa pooo sa six!"
Hayyst parang nasa Zoo ako sa sobrang gulo nila.
Humanap ako ng upuan na medyo malapit kay Miller at may nakita naman ako kaso, masyadong malapit.
Pero wala akong choice dahil occupied na ang ibang PC kaya umupo na ako sa upuan na halos magkatalikudan na kami.
Sinimulan ko na ang pagtitipa sa ipapaprint ko kahit na sobrang ingay talaga nila dahil sa mga sigawan at tunog ng lumalagabog na mouse sa lamesa.

BINABASA MO ANG
Catch Me
RomanceMeet Kiara Reafor ang babaeng palaging sawi sa pag ibig kahit hindi pa nagkakajowa, Paano ba naman takot umamin dahil takot mareject kaya ayun! hanggang kaibigan lang sila ng mga naging crush niya. Pero ng makilala niya si Miller, ang lalaking nagpa...