Chapter 8

20 1 0
                                    

Mabilis na natapos ang weekends at nakasakay na alo ngayon sa sidecar papunta sa school.

Ang alam ko magche-check lang kami ng test paper ngayon at magfefrequency of error para kinabukasan ay malaman na namin ang mga kasali sa top.

Confident ako na kasali ako sa top 10 dahil alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang best ko.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa school. Maglalakad pa ako ng kaunti dahil sa gate ng elementary ako ibinaba at sa kabilang dulo pa ang highschool gate.

Umakyat na ako, dahil sa 3rd floor pa ang classroom namin. Pagkapasok ko sa classroom ay nakaupo sa upuan ko si Shammy habang nakikipagdaldalan kay James.

"Uy! alis na shammy" sabi ko.

"Dito na muna siya Kiara" sagot ni James sa akin.

"Ayoko nga!" sagot ko.

"Ah ayaw mo? wait lang...... Miller! Miller! si Kiara oh ayaw paupuin si Shammy" tawag niya kay Miller. Putek na yan!

Napalingon si Miller sa gawi ko kaya naman...

"Hala! sinong nagsabing ayaw ko lumipat? lilipat nga ako eh. Tatabi muna ako kay Larry, diyan ka muna shammy ah?" sabi ko sabay peke ng ngiti.

Kalokaa sila ginagamit nila ang weakness ko puteeeek.

Wala na akong nagawa kundi umupo muna sa tabi ni Larry, Ilang sandali pa ay dumating na din si ma'am na may mga dalang papel, ayun siguro ang checheckan namin ngayon.

Tama ang hula ko dahil pagpunta niya sa harap ay ipinamigay niya na yon sa amin at'saka nagsulat sa blackboard ng tamang sagot.

Nang makuha ko ang papel na iche-check ko ay nanlaki ang mata ko at napatingin sa taong nasa harapan na nagtatawanan.

Langyaaa. Pinagkaisahan nila ako, sinadya nilang kunin ang lahat ng papel para ang papel ni Miller ang matira at iyon ang mapunta sa akin.

Putek. wala na akong choice kung hindi checkan yun. Hindi ko na lang lalagyan ng 'corrected by' hahaha.

"Pag tinawag ko ang pangalan sabihin niyo ang score" sabi ni ma'am.

WTF?!! Bakit kailangan ganon? panuguradong aasarin nila ako pag nalaman nila na ako ang nagcheck ng papel ni Miller.

Napalingon naman ako sa katabi ko na si Larry

*ting*💡

May magandang ideya ang pumasok sa isip ko.

Sinimulang kong tusok tusokin gamit ang kabilang dulo ng ballpen ang braso ni Larry.

Nang lumingon siya ay binigyan ko muna siya ng matamis na ngiti bago nagsalita.

"pwedeng ikaw magsabi ng score ni Miller?" sabi ko sa kanya with matching puppy eyes.

"eeeeeh!" tanggi niya naman.

"Manlosa"

"16 po"

"Dali na malapit na oh!" pakiusap ko, pero di siya sumagot

"Navarro"

"32"

"Halaaaa isa na lang dali naaaa" sabi ko pero ayaw niya talaga.

"No"

"t-twenty e-eight po ma'am" nahihiyang sagot ko dahil sigurado ako na asaran na ang sunod na maririnig ko.

Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon