Nakahiga na ako ngayon sa kama at nasa kaliwa ko si mama habang nasa kanan ko naman ang kapatid ko. I mean yung pader.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura nung babae saka yung lalaki na nakaputi habang nag aano.
Gusto kong maiyak dahil wala na, wala na. Hindi na virgin ang mga mata ko.
Nagsisisi na ako na pinanood ko pa iyon. Kaya pala ayaw sa akin ipakita ng mga lalaki kong kaklase yung cellphone nila sa tuwing naglalaro.Kaya pala nagkukumpulan sila kapag naglalaro. May tinatago pala.
Hindi talaga ako makatulog kaya nag open na lang ako ng facebook at inistalk ko yung mga kaklase ko para makita yung picture nila dati.
jeje days haha.
Inuna ko si Neon, tinignan ko lahat ng profile picture niya at ng narating ko na ang dulo. Hindi ko na napigilan ang matawa ng walang boses syempre. Baka malagot ako kay Mama matrigg3r3d na naman si Bh03xcsz 4ZoN BuM4b4l3nt0ngxs.
Tawa pa rin ako ng tawa ng walang boses dahil nakakatawa ang itsura ni Neon sa picture. Mukhang bata pa siya dito dahil hindi pa siya masyadong matangkad. Nakatokong na pantalon siya at nakarubber shoes. Bahagyang nakatabingi ang ulo at nakanguso pa.
Sinunod ko naman si larry at nang makita ang picture niya dati ay mahina na naman akong natawa dahil nakashades pa ang loko at nakanguso. Nakazoom ata yung camera at halatang ang kapal ng filter dahil napakaputi ng mukha niya.
Sinave ko lahat ng picture nila para isend sa group chat ng section namin. Tiyak na pagtatawanan nila ito at imposibleng hindi nila ako gantihan sa kalokohan na ginawa ko.
At ang kahuli-hulihang tao na gusto kong makita ang mga larawan ay si Miller No
Lumabas na ang kasalukuyang Profile picture niya na may background na windmill. Tinatangay pa ng hangin ang buhok niya at ngiting ngiti pa siya na halos hindi ko na makita ang mga mata niya.
Tinignan ko ang album kung saan makikita ang mga naging profile picture niya ngunit dalawa lamang ang nakalagay dito. Yung isa ay may hawak na laruan na tren at kung hindi nagkakamali ang hula ko ay sampung taon pa lamang siya dito. Yung pangalawa naman ay nakasnap-chat siya at gamit ang aso may caption pa na 'aso mo nga pala'
nyay. ang cute niya
Sinave ko din ag picture niya sa cellphone ko ngunit hindi para isend sa Gc kundi para itago sa gallery ko.
Dahil kaunti lang ang picture niya tinignan ko na langang mga post niya dati. Karamihan dito ay puro mga tag lang yung iba naman tungkol sa online games at basketball.
Pero isa lamang ang nakaagaw ng pansin ko at nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
Given letter: P💜😍
Given by: Jolly Bae
Kilala mo?: Oo😘
Kilala ka?: Oo😳
Crush mo?: Oo😊😍
Mahal mo?: Sobra😛😘
Close kayo?: Sa chat lang😆comment miller pogi and i'll give you a letter.
Yan ang nakasulat sa post niya. Napaisip tuloy ako kung sino ba na P ang tinutukoy niya doon.
May mahal na pala siya? Pero sino si P? si Patricia ata.
Kaya ba lagi siyang nakatabi doon? kaya ba nakatawa siya lagi pag kausap niya iyon?Nakatulugan ko na ang pag iisip kung sino ba si P sa post niya at as usual late na naman ako dahil alas dose na ako nakatulog kagabi, limang oras lang ang tulog ko.
Lumulutang ang isip ko habang nagtuturo ang teacher namin. Hindi dahil kulang ang tulog ko, kundi dahil iniisip ko kung sino ba ang tinutukoy ni Miller sa post niya 4 months ago.

BINABASA MO ANG
Catch Me
RomanceMeet Kiara Reafor ang babaeng palaging sawi sa pag ibig kahit hindi pa nagkakajowa, Paano ba naman takot umamin dahil takot mareject kaya ayun! hanggang kaibigan lang sila ng mga naging crush niya. Pero ng makilala niya si Miller, ang lalaking nagpa...