Chapter 13

15 1 0
                                    

Lumipas ang mga segundo, minuto, oras, at buwan, At kasalukuyan na ako ngayong nasa loob ng classroom habang nakikinig sa tinuturo ng guro pero walang pumapasok sa isip ko.

Paano ba naman, ngayon ang ikalimang araw, ikalimang araw ng hindi niya pagpasok.

Andaming posibilidad ang pumapasok sa isip ko, Paano na lang kung naaksidente siya, Paano na lang kung nagkasakit siya? Paano na lang ako?

Noong unang araw, Lunes, Inisip ko na baka nalate lang siya ng gising.

Sa pangalawang araw naman, noong Martes inisip ko na lang na tinatamad siya pumasok.

Sa pangatlong araw ay inisip ko na nagbakasyon lang siya.

Sa pang-apat na araw naman inisip ko na lang na baka buong araw siya naglaro ng LOL. Hindi ko din naman siya mapuntahan sa bahay nila dahil nga hindi ko alam kung saan ang eksaktong bahay nila doon.

At ngayon, ngayon ang ikalimang araw na wala siya hindi ko na alam kung ano pa bang dahilan ang isisiksik ko sa isip ko para maiwasan ang pag aalala sa kanya.

Sa pagkakaalam ko close sila ni Andrei at paminsan-minsan ay nandoon sila sa bahay ni Miller nagpupunta.

Ang tanga ko! bakit hindi ko naisip na itanong sa kay Andrei? hayyst.

Kaya ng makaalis ang teacher namin sa first period ay dumiretso ako kay Andrei na nagtatambol sa teacher's table habang nakikipagtawanan.

Nagagawa niya pang tumawa ngayong limang araw nang absent ang kaibigan niya? Tsk anong klaseng kaibigan siya? hindi man lang siya nag aalala?

"Hoy Andrei!" tawag ko sa kanya pagkalapit.

"Yes Kiara babe?" sabi niya sa malanding boses. Haliparot talaga, wala akong balak makipag gaguhan sa kanya kaya hindi ko na inintindi yun.

"Bakit limang araw nang absent si Miller?" nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Si Miller? nacoma siya. hindi mo alam?  nakaconfine siya sa Mandaluyong hospital"

'nacoma siya'

'nacoma siya'

'nacoma siya'

'nacoma siya'

'nacoma siya'

parang nag-echo ang sinabi niya sa utak ko.

Napatulala na lang ako at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, habang naglalakad papunta kay Angeline.

"A-angelineee n-na c-coma d-daw si M-miller?" sabi ko sa kanya habang umiiyak.

"Ha? sinong nagsabi? hindi ah"

"Si A-andrei sabi niya"

Dahil sa sagot ko ay bigla niya akong hinila papunta sa kinalulugaran ni Andrei.

"Hoy Andrei! nacoma ba si Miller totoo?" pasigas na sabi niya kay Andrei.

"Hindi niloloko ko lang si Kiara hahahaha" natatawang sabi niya pa.

Putangina. Parang nagdilim ang paningin ko at bigla ko na lang siyang sinuntok dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

Alam niya bang pwede niya kong mapatay dahil sa sinabi niyang hinayupak siya?!

"Oy tama na! masakit!, hindi siya nacoma pero nasa hospital siya ngayon" sabi niya na nakapagpatigil sa'kin.

"Bakit nandoon siya?!" pasigaw na tanong ko.

Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon