Chapter 16

10 1 0
                                    

Pagkatapos ng senaryong iyon ay dumating ang amibg Mapeh teacher para lang mag announce ng project

"Guys kung naaalala niyo yung topic natin about love and infatuation, tungkol doon yung magiging project niyo, Gagawa kayo ng short film na nagpapakita ng Dating, Engagement, and Marriage" sabi ni ma'am kaya yan na naman ang mga side comments ng mga bitter.

"Walang divorce ma'am?"

"Lah maghihiwalay din naman e"

"Hala ang hirap nun"

Buti na lang hindi sila pinansin ni ma'am at nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.

"Yung group niyo ay kailangang may 12 members lang, kayo na bahala pumili" sabi niya pa saka umalis.

Kaya nagkagulo na naman ang mga kaklase ko sa pagpili.

Sa grupo ni Angeline ako napunta kung saan nandoon din sila Clint, Lorelyn, Andrei, Arvi, Jhazmine, Robin, Kylle Christel, Jerico,Jaymee at si Miller mylabs.

Sinadya ni Angeline na gumawa ng grupo para daw makasama ko si Miller.

Noong uwian ay nagkita kita kami sa Park para magmeeting kung sino sino ang gaganap at para makagawa ng script.

Sila Angeline at Jerico ang gumawa at halatang minadali lang.

*Ganto po yung nagawa namin👇👇*

Cast.

Lorelyn as Lorrei sa dating
Clint as Archie sa dating
Miller as Johnny sa dating
Kiara as Lorrei sa engagement
Robin as Johnny sa engagement
Jhazmine as Lorrei sa marriage
Andrei as Johnny sa marriage.

(Kaya magkakaiba ang gaganap para kunwari tumanda na)

(Lorelyn, Clint and Miller's scene)

[ Nasa Park ang magjowa na sila Archie at Lorrei habang naguusap.

"ayoko na lorelyn sawa na ako pagod na ako sayo" madamdaming sabi ni Clint kay Lorelyn.

"Bakit ang bilis mong sumuko?" naiiyak na tanong ni Lorelyn.

"May iba na akong mahal" diretsong sabi nito sa babae.

Naiiyak siyang sinampal ni Lorelyn ng malakas bago tuluyang umalis at umupo sa isa sa mga upuan sa Park at doon umiyak.

Sa kabilang dako nakita siya ni Johnny kaya lumapit ito.

"Miss? eto panyo" tanong nito ng malapitan niya  at inabutan ng panyo.

"Ah, okay lang ako. Anong pangalan mo?" tanong ng babae habang nagpupunas ng luha.

"Ako nga pala si Johnny" pagpapakilala nito.

"Ako naman si Lorrei, Halika upo ka dito" sabi ng babae at itinuro ang upuan sa tabi niya

At mula noon nagkamabutihan na sila at hindi maiwasang mahulog sa isa't isa.

After a year.
(Lumaki na sila at sila Kiara at Robin na ang gaganap)

"Lorrei may kanta ako" sabi ni Johnny habang nakatingin silang dalawa sa papalubog na araw.

"Ano yun?" takang tanong ng babae habang nakangiti.

"Sampung mga daliri kulang ng lima, hinanap ko hinanap ko na sayo pala" kanta nito saka kinuha ang kamay ng babae saka hinalikan.

Napangiti na lang ang babae dahil sa kasweetan ng nobyo

"Uy may ibon!" biglang sabi ni Johnny sabay turo sa kung saan.

Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon