Chapter 15

16 1 0
                                        

"Anak huwag mong hayaan yang takot mo at galit mo ang magdikta ng kaligayahan mo." Napadako ang mata ko sa mga mata ni Mommy.

She's very sincere to her words. Kitang-kita ko ito sa mga mata niya. She's speaking in her heart.

"Hindi lahat ng love story ay katulad ng amin ng lola mo. Kung sa tingin mo magiging katulad ng love story namin ang sa iyo then make a way to make it different."

All this time nilamon ako ng mga negatives na inalagaan ko. Nakakatawa nag-aalaga pala ako ng ahas na siya ring tutuklaw sa akin. Parang lason na unti-unting pumapatay sa akin.

"Hindi magkakapareho ang lahat ng love story Charlotte kagaya ng hindi  lahat ng lalaki magkakapareho.Hindi lahat ng lalaki manloloko."

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Napakalaki ko palang tanga. All this time akala ko matalino ako. Pero bakit ito na matagal ko ng problema hindi ko nasolusyunan?

"Hanapin mo dyan sa puso mo ang pagpapatawad," ani Mommy at tinuro ang puso ko. "Gibain mo ang pader na matagal mo ng hinarang diyan sa puso mo."

Hindi  ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Naala ko ang mga ginawa ko noon. Nakapa childish ko pala. Nakakatawa para pala akong tanga. Para tuloy akong baliw dito na nakangiti habang naluluha.

Naging makitid ang utak ko na isipin ang lahat. Naging sarado sa mga paliwanag at eksplanasyon. I am such a nothing but an idiot.

"Kung natatakot kang masaktan Charlotte let me tell you this one," huminga ng malalim si mommy bago nagpatuloy,"Hindi ba dati ka pa naman nasasaktan? You're just too scared to admit it."

In just a minute it is all went to me. Tama si mommy. Ginawa ko ang lahat ng ito dahil nasasaktan ako. Nakakatawa. Ginawa ko ang lahat ng iyon dati sa pag-aakalang maiiwas ko ang sarili ko na masaktan without knowing na nasasaktan pala ako kaya ko ginawa lahat ng iyon.

Naiinis ako sa sarili ko. Ang dami kong sinisi sa mga nangyari sa akin noon. I even question God why did he do this to me but all this time ako pala ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Gumawa ako ng sarili kong mundo. Sinisi ko sa ibang tao ang mga kasalanang pagkakamali ko. Ang dali-dali lang pala ng buhay masyado kong itong pinahirapan at ginawang kumplikado.

Umiling-iling ako bago nagsalita,"Thank you mommy," aniko at niyakap si mommy.

"So what is your plan now?" Tanong ni mommy pagkatapos niya akong yakapin.

"I have to find myself mommy," I wiped my tears away.

Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko sa mga oras na ito. Matagal ko ng gustong gawin ito pero lagi akong napapangunahan ng takot at sakit.

Mom smiled at me. I will always thanks God for giving mom for me. Very lovable and understanding mother.

"But I need your cooperation mommy." Mataman ko siyang tinitigan.

She frowned but she manage to smile. "Of course tutulungan kita. Alam mo naman na lagi kitang suportado diba?"

"Mommy..." I gasp for air before I continue to speak. "I want to see...Daddy."

Kailangan kong malaman ang lahat. Kung ano ang dahilan niya. Kung bakit niya nagawa yon. I want to hear his side. Magagawa ko lang siyang mapatawad kung malalaman ko ang dahilan niya.

"Charlotte..." She look directly in my eyes,"Do you really want this?"

Tumango ako bilang sagot. I really need this. I really have to do this. I will do this once and for all para matapos na ang lahat. Para mawala na ang lahat ng sakit at bigat sa puso ko na matagal ko nang inalagaan.

Hopeless PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon