I thought it will took me time to be okay after I talked with Sam. Inaamin ko masakit, sobrang sakit actually. Pero unti-unti ng nagsisink in sa akin ang lahat. Unti-unti ko na rin natanggap ang lahat. There will be no sequel for our love story. No part two. No second chance. Not anything.
Inaamin ko. I considered Sam's suggestion to fight my feelings for Sky. But then I realized I don't even have the right to that. Tama na yung isang beses na nasaktan ko siya. Masaya na siya at mukhang naka move on naman na talaga. Cause according to my own research they are really in love with each other. And it's enough for me to stop.
Natapos ang araw ng graduation ko ng normal lang. Hindi naman kami ng naghanda nila Dad. Kumain lang kami sa labas para mag-celebrate. Noong raw din na iyon saglit kaming nag-usap ni Tyler. I told him na uuwi na akong Pilipinas in less than a month. He says that he will stay here. He wished me a good trip bago kami maghiwalay. But I hugged him, nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi agad siya nakapag react.
"What is that for?" Nakangiting tanong niya.
I smiled back,"A see you when I see hug I guess?"
Napailing siya sa sinabi ko,"Oh sige I have to go bye, have a safe trip again. Get him back." Makahulugang aniya ulit.
"What do you mean?" kunot noo kong tanong.
Humarap siya sa akin at patalikod na naglakad. Umiling lang siya at tinawanan ako. He raised his hand and wave at me. Umasa ako na magsasalita pero tumalikod na siya para umalis.
"Iiwan mo na ba talaga ako?" Tanong ni Daddy habang tinutulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko para sa pag alis.
"Dad napag usapan na natin to eh. Sige ka magagalit si Mommy sayo." Mananakot ko.
"Sabi ko nga e. Ano pa bang kailangan anak? Kailan kaba namin ihahatid?" Natawa ako sa sinabi ni Daddy.
Pati rin si Papa Rommel ay natatawa. Kasi ba naman nitong mga nakaraang buwan laging sinasabi ni Mommy na uuwi na ako. Na kailangan ko ng umuwi kasi anim na taon na ako dito at miss na miss niya na raw ako. Biniro siya ni Daddy na dito na raw ako sa San Francisco titira biglang naging dragon si Mommy. Kung noong naghiwalay daw sila ni Daddy ay hindi siya naging bayolente ngayon niya daw yon gagawin kay Daddy. Si Daddy naman natakot sa banta ni Mommy. Nakakatuwa na okay na sila Mommy. Si Papa Rommel at Mommy ay okay narin naman. Hindi ko masabi na friend sila kasi alam mo yon more than civil naman sila. Well I am not in the position para magbigay ng label kung anuman ang social relationship nilang dalawa basta mahal ko sila pareho.
Mabilis na umusad ang araw at ngayon na ang araw ng aking pag-alis. May kirot sa puso ko dahil ang San Francisco ang naging tahanan ko sa loob ng anim na taon. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nandito rin ako mismo sa airlines na to. Sinundo ni Daddy kasama si Papa Rommel. Nasampolan ko nga ng kamalditahan si Papa Rommel noon eh. How rude of me. Pero ngayon nandito ako ulit para umalis.
May kirot man sa pag-alis excited narin akong muling bumalik sa ating bansa. Never have thought that coming back home makes me feel so happy. Ganito pala yung feeling na pagkatapos ng mahabang panahon makakauwi kana. Makakabalik kana sa pamilya mo. Sa lugar kung saan ka lumaki at nagsimulang mangarap.
Habang iiniisip ko ang sayang dulot ng aking pagbabalik napatingin ako kay Daddy at Papa. Naluluha na si Daddy at ganun din si Papa. Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa. I am so happy and blessed to have two daddies.
"Daddy kailan niyo balak umuwi?" Tanong ko na nagpatigil sa kanila.
He smiled at me,"This is home for us." Sagot niya sa akin pero umiling ako tanda ng pagtutol.
"No daddy, Neither Philippines or San Francisco is home. Because Home is Family. And we are your family Daddy." aniko sa kanya at tumingin din kay Papa,"And we are now your family Papa." Muli ko silang niyakap at nagpaalam na.

BINABASA MO ANG
Hopeless Playboy
عاطفيةSky Buenaventura is famous in his school. No one can't mess up with him. He is know for being gangster and playboy of course. He hate commitment. He just wants fun. And he like playing the girl like his toy. Love conquer everything. Even the most ev...