Simula nang magkita kami ni Tyler sa Coffe Shop araw-araw na kaming magkasama.
nakilala narin siya nila Daddy. At araw-araw niya na rin akong hinahatid sundo. I didn't ask him, he insisted it. Sino ba naman ako para tumanggi diba? Atsaka whenever I am with him feeling ko nasa Pilipinas lang ako.
"Why you didn't you use your car?"
Napangisi ako sa tanong niya. Ilang buwan niya na akong hinahatid sundo ngayon niya lang naisipan an itanong yan?
"Bakit mo natanong? Sawa ka na bang ihatid sundo ako?" Tanong ko. "Wala naman kasing may sabi na gawin mo 'to."
"No its not like that. I am just asking." Anito at napanguso pa.
Napatawa ako sa reaksyon niya pero tinago ko. Para siyang bata.
"Hey," untag niya sa akin."Are you mad?"
Binigyan ko siya ng nakakalokong tingin. Kelan pa ako naging balat sibuyas? Hindi ko sana siya papansinin pero alam ko na kukulitin niya ako kaya sinagot ko na rin ang tanong niya.
"Hindi no abnormal kaba?" Natatawang sagot ko.
"Akala ko lang galit ka," aniya at nakangiti na.
Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa bahay. Mabilis siyang bumaba sa driver's seat para pagbuksan ako ng pinto.
"Thank you," pagpapasalamat ko.
Nauna na akong lumakad papasok sa bahay habang siya ay nakasimangot na nakasandal sa kotse niya. He's pouting his lips while his eyebrows almost met. Anong problema nito?
"Aren't you going inside?" tanong ko.
Umirap siya bago siya at nagsalita,"You didn't ask me." Tss parang bata talaga.
"Para namang lagi kang bago. Alam mo foreigner na foreigner yang pisikal na anyo mo pero Pilipinong Pilipino ang ugali mo. Tara na!" aniko at nauna na sa kanyang maglakad sa loob.
Kung hindi talaga papasukin hindi papasok? Kaloka! Karamihan nga dito kahit ayaw mong papasukin nagkukusa sila. Ewan ko ba sa isang 'to dalang dala ang kulturang Pilipino dito.
Sa sala ay naabutan namin sila Daddy at Papa Rommel na nanunuod ng movie at take note nagsusubuan pa ng pop corn. Wow! Ano pa tweetams ganun?
"Wow huh. Nahiya naman ang mga langgam sa ka-sweetan niyo dyan." Sarkastikong aniko at humalik sa pisngi nilang dalawa.
Napatawa ang dalawa pati na si Tyler na nasa likod ko. Dahil dito ay napalingon sila Daddy sa kanya.
"Oh nandito pala ang manliligaw ng anak ko ah," ani Daddy.
Magiliw naman na sumaludo si Tyler kina Daddy.
"Good Afternoon po," magalang na pagbati nito at nagmano sa kanila.
"Itong bata na 'to nililinlang tayo ng katauhan eh. Pilipinong Pilipino eh." Pagbibiro ni Daddy kay Tyler kaya naman pare-pareho kaming natawa maliban kay Tyler na namula sa hiya at nangamot ng batok.
"Magbibihis lang ako. Dito ka muna." Paalam ko kay Tyler at umakyat sa kwarto ko.
Sa totoo lang. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko kay Tyler. At first akala ko may nararamdaman din ako sa kanya katulad ng nararamdaman ko kay Sky. But as the days goes by. Pinapamukha sa akin ng mga araw na nagdaan na si Sky parin talaga. Na siya lang. Ngayon hindi ko alam kung paano ko to sasabihin kay Tyler. Ayoko siyang saktan pero alam ko naman na mas lalo ko lang siyang sasaktan pag pinagpatuloy ko pa ito.
Kung dati ang ang dali para sa akin na ireject ang isang tao pero ngayon hindi na. Everything has change. I'd change. Probably for the better. Kung dati wala akong pakielam sa mga nararamdam ng mga tao sa paligid ko iba na ngayon. Naging sensitive narin ako sa nararamdaman nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/69092416-288-k910752.jpg)
BINABASA MO ANG
Hopeless Playboy
RomanceSky Buenaventura is famous in his school. No one can't mess up with him. He is know for being gangster and playboy of course. He hate commitment. He just wants fun. And he like playing the girl like his toy. Love conquer everything. Even the most ev...