Chapter 23

10 1 0
                                        


"Maraming reporter sa labas ng village. Tandaan mo Charlotte don't entertain any one okay?"

Bilin sa akin ni Mommy. Simula ng kumalat ang picture na iyon ni Daddy naging instant celebrity na kami. Reporters haunt us as if we are suspect in a crime.

Hindi ko alam na ganito pala kaganid ang media sa impormasyon. They will do everything just to give a news to broadcast.

"Mang Danny pakihatid niyo na po si Charlotte sa school."

Naging maingat na din sa amin si Mommy. Sabi niya kailangan ko daw ng kasama in case daw mahuli ako ng media merong magtataboy sa kanila.

"Ang media kahit masaktan ka wala silang pakialam. Makakuha lang sila ng scoop okay na sila kahit masaktan ang interviewee."

Minsan kahit hindi pisikal nakakasakit din ang media. Katulad ng ginagawa nila kay Daddy. Sa amin. Kahit hindi namin nakasama ng matagal si Daddy nasasaktan kami para sa kanya.

"Charlotte do you really want to attend class today? I texted your adviser and the principal. They allowed you to skip the class today. Practice niyo lang naman ngayon."

Kagabi pa sa akin sinasabi ni Mommy na huwag muna akong pumasok sa school. Nabalitaan niya kasi yung nangyari sa akin kung paano ako ininsulto ng mga estudyante sa school.

The chance to skip the day of insults and humiliation is promising indeed but as I say there's is no place on earth I can hide from it. Pag pinakita ko sa kanila na hindi ako apektado sa sinasabi nila baka tumigil na rin sila. Baka.

"No mommy I will go to school. I don't care what they say."

Hinalikan ko ang pisngi ni Mommy at sumakay na ng kotse. Kung magpapaapekto ako sa kanila para ko narin sinabing talo ako.

"Bye Mommy."

Sa tapat ng village ay may mga media ngang nakaabang. Nagsitayuan ang iba ng makitang palabas ang sasakyan. Napaangat ang kilay ko. Paano nila nalaman na isa sa amin ang lumalabas?

Alam ba nila ang mga sasakyan namin? Hindi ko na nga ginamit ang kotse ko dahil alam kong natandaan nila iyon kaya iba ang pinagamit sa akin ni Mommy. Minsan nakakatakot na din ang media. Masyado na silang maraming alam.

"Manong diretso lang po ang pag-drive."

Utos ko kay manong at umayos nang upo. Akala ko sa tapat lang ng village namin may media dito rin pala sa school. Hindi ba sila titigil? Ano ba talagang gusto nila? Sirain ang buhay namin?

Pagpasok sa loob ng school ay sinamahan pa ako ni Manong Danny hanggang sa classroom namin. Pilit ko mang hindi pansinin ang mga tao sa paligid ko at hindi ko kaya.

Mabilis kong pinahid ang takas na luha sa aking mata. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili. Kaya ko to. Hindi ako magpapaapekto sa kanila. Mga makikitid ang pag-iisip nila. Ikaw na lang ang umunawa Charlotte.

Sa classroom ay nasa labas si Kaylee. Alone. I know that she's here to mock and insult me again kaya naman hindi ko ito tinapunan ng tingin at diretso akong naglakad papasok sa classroom.

"Salamat po Manong."

Tumango si Manong Danny sa akin at naglakad na paalis.

"Charlotte."

Napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ni Kaylee.

"Can we talk?"

Cofident akong humarap sa kanya. Kita ko sa mukha ni Sam ang pagtutol. Kaylee's face is serious. Not like the usual face she used these fast few days.

Hopeless PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon