Chapter 9

16 1 0
                                        

Kinabukasan maaga akong nagising. Nakatulugan ko pala kung magrereply ba ako sa text message sa akin ni Sky o hindi . Dahil nga kagabi pa ako excited umuwi agad akong bumaba sa kama at dumeretso sa banyo para maligo na. While I was in bathroom my mind drifted to Sky. Here's again the abnormal beats of my heart. Fuck. Pinilig ko ang ulo at tinapos na ang pagligo.

Pagbaba ko nasa hapag na si Lola, nagbabasa ng newspaper. She stop reading and put down the newspaper the moment she saw me. Lola is very beautiful there's no doubt on it. Very kind, responsible mom and lola. I wonder why Lolo cheated on her. Well mom is beautiful and very kind too yet dad chose to broke her heart. And I think my ate's will go through to the same things also. Its as if a course in our family.

"Good morning apo." Tumayo si Lola at inilapit ang pisngi sa akin.
"Morning La." Sagot ko at umupo na para makakain.
Parang nawala tuloy ang excitement ko na umuwi.

"Please David don't leave! Huwag mo kaming iwanan ng mga anak mo. Please stay? Kahit huwag na parin sa akin. Kahit para na lang sa mga bata?"

"For fates sake Leila please let me leave? Will you? Niloloko na kita. Huwag kang magpakatanga"

"Apo are you okay?" Boses ni Lola ang nagpatigil sa akin sa pagbabaliktanaw.
"You're spacing out. Kanina pa kita kinakausap pero parang ang layo mo. Akala ko nakikinig ka kasi nakatingin ka sa akin." Nakakunot ang noo ni Lola.

I heaved a deep sighed. "Sorry La I am just sleepy." Aniko at itinuon ang atensyon sa pagkain sa hapag.

"You sure?" Muli akong tumingin kay Lola at hilaw na ngumiti.

Nawalan na ako ng ganang kumain. Tuwing naiisip ko ang ginawa ni Daddy kay mommy hindi ko mapigilan ang hindi magalit sa kanya. After all hindi lang naman puso ni mommy ang sinira at sinaktan niya. My heart also bleed the moment he leave us and chose his mistress over us.

I thought we are a picture of a complete and happy family. Ang saya-saya namin non. Every sunday nagsisimba kami at kumakain sa labas pagtapos ng misa ni Father. Dad is very charming and loving husband to mom. And an almost perfect Daddy. He always give time for us. Hindi pwedeng hindi siya maglaan ng oras sa amin nila mommy sa loob ng isang linggo. He never allowed his work becomes a hindrance in our family bonding. But I guess everything is just my thought. Akala ko lang pala lahat. If our story is an entry to film festival? Without a doubt daddy can be a best actor. Tch. ang galing niyang umarte. Parang totong totoo. Dapat pala nag artista na lang siya. Sa mga ikinilos niya noon hindi ko manlang nahalata na ang lahat ay isa lamang palang palabas

Ako at ang mga ate ko ang buhay na saksi kung paano nahirapan si mommy noong mga panahong iniwan siya ni daddy. Pinapakita niya sa amin na malakas siya at kaya niya. Tuwing humaharap siya sa amin nila ate lagi siyang nakangiti na parang wala lang sa kanya. Gusto kong maniwala sa mga ngiti niang iyon kung hindi ko lang siya naririnig na umiiyak gabi-gabi pagkatapos niyang kausapin si daddy sa telepono at nagmamakaawa. Because of that I'd hate dad even more.

Then what now? Sa mga kapatid ko naman nangyayari? Minsan gusto ko ng maniwala sa kaibigan ni mommy na nagsabi na karma daw ito ng Lolo ko, niloko niya si Lola kaya ang balik ng karma sa anak, kay mommy. So ngayon niloko ni Daddy si mommy sa aming mga anak niya naman ang balik ng karma? Dati ayokong maniwala doon pero ngayon parang kapanipaniwala na ngayong nangyayari na ito sa mga kapatid ko.

Napansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ko sa hapag. I saw the unregistered number flashed in the screen. Sky. Hindi ko alam kung bakit biglang kumulo ang dugo ko ng naisip ko siya. I put my phone in my pocket I didn't brother to open the message.

Alas dyes ng makauwi na ako sa bahay. Dire-diretso lang ako papasok sa mansion. I am pissed with dad, with the pain and the hurts that he'd caused us. I am pissed with Sky and to the fucking feelings in me when I am thinking of him! Darn it.

Lunes at maaga akong pumasok. Pagdating ko sa tapat ng classroom namin I saw Sky leaning in the door. I met his brown eyes but I look away. I cannot bare to look straight in his eyes with my heart beats fucking fast!

Hindi ako dumaan sa pinto kung nasaan siya bagkus nilagpasan ko siya at sa kabilang pinto dumaan. I heard his footstep follow mine. Hindi ko alam pero para akong hihimatayin sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Ganito pala yon. Pag inamin mo sa sarili mo na may nararamdaman kana sa isang tao may kung ano kang nararamdaman na bago sayo. Katulad dati. I didn't feel the same feeling I have now for Sky. Dati puro galit at inis lang. Ngayong inamin ko na sa sarili ko na may nararamdaman na ako for him. Ang puso ko na at hindi na  ang utak ang nagdedesisyon sa mga nararamdaman ko ngayon.

"Charlotte." Hinawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

Mabilis k itong binawi his touch  says something. Para itong pinaghehele ang nag aarburoto kong puso.

"What?" Matapang kong tanong.

"Did yo eat breakfast?" Tanong niya.

"None of your business." Malamig kong sagot tsaka pumasok sa loob ng classroom.

"Fuck it Char.." Mahinang mura niya at sumunod sa akin sa loob.

Pinag tinginan kami ni ng mga classmate ko na maaga ring pumasok.

Nang umupo po ako ay umupo rin siya sa tabi kong upuan. I try my best na hindi siya pansinin. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya nililingon. Kumapal na ng kumapal ang dami ng tao sa harap ng classroom namin. Tinitingnan nila kami. Kitang-kita ko ang sama ng mga tingin sa akin ng mga babae. Hindi nakatakas sa paningin ko ang talim ng tingin sa akin nina Andrea, Anna and Judith. Burn bitches.Inirapan ko sila.

I saw Miguel looking at me and Sky. There is something in his stare that I couldn't name.

"Char..." This time napalingon na ako sa kanya.

He's hurt. I can see  it in his eyes. How? Why?

"Why so cold? Noong dinalaw naman kita sa probinsya niyo hindi ka ganya in fact you intertained  me." May  hinanakit sa boses niya.

I heave a sighed. "You want me to talk you?" Walang emosyong tanong ko kahit ang totoo kanina pa malakas ang tibok ng puso ko.

"Yes." His brown eyes is now smiling.

tumango-tango ako. "Sige after class fetch meet at the parking lot." Hindi ako nakatingin sa kanya habang sinasabi ko yon.

Ayokong mag-usap kami dito sa harap ng maraming tao. Ayokong pinagpipistahan kami ng mga tao.

"Noted." Nakangiti siya at kinindatan niya ako.

I want to clarify things. I want to know what is his up to why is he doing this.

"Pwede kana bang umalis?" Inirapan ko siya. "Masyado ng maraming audience dito." Aniko.

Napangisi siya sa tinuran ko. Tumango-tango siya at tumayo na.

"Umalis na kayo. Ayaw ni Charlotte na maraming tao dito." Napalingon ako kay Sky na pinapaalis ang mga tao sa harap ng classroom namin.

Nanlaki ang mga mata ko doon.

"Kayo na ba ni Charlotte Sky?" Tanong ni Andrea.

Dahil doon napatingin kay Sky lahat ng tao sa labas pati narin ang tao sa loob ng classroom namin.

Sky look at me but I avoid to his gaze. Lahat naghihintay ng sagot niya. Pwede namang ako na yung sumagot nung tanong diba? Bakit hindi ko masagot? Tang ina bakit parang may kung anong pumipigil sa sakin?

"Hindi..." Napatingin ako kay Sky the moment he said that.

Everyone feel relieved when he says that. Bakit parang ayaw ko ng sagot niya? "Hindi pa..." Muli akong napatingin kay Sky. Parang namatayan ang lahat sa huling sinabi niya.

Our eyes met but this time sinalubong ko ang kayumanggi niyang mata. I thought kaya kong labanan ang mga mata niya. Hindi pala. Lalo na kung ganito kabilis ang pag pintig ng puso ko. Sa huli ako na ang bumawi ng tingin.

Naglakad uli si Sky pabalik sa akin. Nanlaki ang mata ko nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin at bumulong. "I leave for now but I will see you after class." aniya at umalis na  ng classroom namin.

Hopeless PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon