Sa mga sumunod na araw naging normal na ulit ang naging araw ko. Ayos na kahit papaano ang pakiramdam ko dahil nasabi ko na kay Tyler ang lahat at malaki ang pasasalamat ko at naiintindihan niya naman iyon. Ang sarap sa pakiramdaman na wala kang tinataguan. Noong nakaraan kasi hindi ako mapakali sa paligid dahil lagi akong nakabantay na baka ano mang oras dumating si Tyler lumitaw kahit saan dyan.
Salamat sa pag-uusap namin noong nakaraang linggo dahil doonn okay na ang pakiramdam ko. Okay na ako. Okay na. Okay na? Okay na nga ba?
Sige Charlotte lokohin mo ang sarili mo. Lokohin mo. mabuti yan nakakabuti sa katawan yan. Nakaka-healthy. Nakakatalino at higit sa lahat nakakayaman yan. Kaya ipagpatuloy mo yang pagpapanggap na okay ka.
Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na okay ako my body don't agree. My feelings don't agree with it. Simula kasi ng pag-uusap namin non ni Tyler hindi ko na siya nakausap pa. Akala ko babalik kami sa dati pero hindi. Siya ang umiiwas sa akin. Tuwing makakasalubong ko siya sa corridor at makikita sa practice ng graduation he keeps avoiding me.
Naiintindihan ko naman yon. He needs it. Kailangan niya akong iwasan. As much as possible nga huwag niya akong makita for him to move on. At ayoko na siyang pahirapan pa siya. I will be too heartless kung hihilingin ko pa sa kanya na bumalik kami sa dati. He needs time to move on. At hindi ako makakatulong kung makikita niya pa ako. Again Tyler sorry for causing you a great pain. I wish you a fast move on.Noong hapon pag uwi ko masaya ako dahil tumawag sa akin si Sam. Its been months nung tumawag siya. Kagaya ko kasi graduating din siya kaya naging busy din siya.
"Hey beshie what's up. Nakakainis bakit lalo kang gumaganda? Napakaputi mo na para kang papel kainis! pag uwi mo dito dalhan mo ako ng isang drum na tubig pampaligo para naman pumuti rin ako." Nailayo ko ang phone ko kasi hindi ko kinaya ang tinis ng boses niya sakit sa tenga.
"Can you please calm down? Sakit sa tenga ng boses mo." Pagrereklamo ko sa kanya.
Makapagsabi to ng maputi akala mo hindi mukhang papel sa sobrang puti baliw ata talaga tong babae na to. Never have thought na magiging ganito kadaldal ang babaeng ito. Noong nakilala ko to dati ang tahimik ngayon sobrang daldal na. Malaki ang naging impluwensya sa kanya ng college days niya. Hindi ko lang alam kung nakabuti o nakasama.
"Hey there are you listening?" Aish daldal talaga.
"Ano ba? Kumalma ka pwede?" Inirapan niya lang ako.
"Ano ba yang sinasabi mo?" tanong ko.
"Si ano..." napataas ang kilay ko.
I know where this conversation will go. Its been six years siguro naman hindi na masakit sa akin ang lahat? Pero may karapatan ba akong masaktan? After all ako may gusto na lumayo. Ako ang nagdesisyon na iwan siya. Desisyon ko nga rin na nakalimutan siya pero hindi ko nagawa.
"Its about Sky right?" Diretso akong tumingin sa kanya.
She half-smiled. She even narrowed her eyes tila eneeksamina ang emosyon ko. But I keep myself calm. Trying hard myself to keep at ease. That hearing Sky's name isn't affect me anymore.
"Already move on eh?" Tinaasan ko siya ng kilay sa pang iinis niya.
Inilapit niya ang mukha niya sa camera. Siningkit muli ang mata. Scrutinizing me again. Kinabahan naman ako bigla. I know I am a good actress but when it comes to her my acting skills really not effective. Alam niya kung kelan ako nagsasabi ng totoo at hindi. And the moment na she asked me again she doubt that I am telling the truth.
"Since mukhang naka move on kana." She said with sarcasm "Sasabihin ko na ito matagal tagal ko na rin naman gustong sabihin to sayo e."
"Matagal kana ngang kating kati na magkwento eh. Now I have plenty of time and this time I won't stop you. Go magkwento kana I want it detailed." Tinaasan ko siya ng kilay.
Sige saktan mo akong animal ka. Kaibigan ko ba talaga ang babaeng ito? Alam niya naman hindi pa talaga ako nakaka move on pinipilit. Gusto niya lang naman na sabihin ko na hindi pa ako nakakamove on eh. Pero syempre hindi ko gagawin. Papanindigan ko to.
Umirap siya sa akin saka nagpatuloy ng pagsasalita,"Dati nung ikwento ko sayo kung ano ang nangyari kay Sky nung umalis ka nagalit ka sa akin kaya di na ako nagkwento. Pero ngayon sasabihin ko na since naka move on kana." She said again with sarcasm. "He's really devastated. Pumupunta siya dito non sa bahay tinatanong kung nasaan ka. Pumupunta rin siya dun sa inyo. Isang linggo ngang nasa labas ng bahay niyo yon. Dahil mahigpit mong bilin kay Tita huwag siyang papasukin ayon naulanan naarawan don sa labas ng bahay niyo kaya nagkasakit. He's really not the Sky that I know when I saw him like that. Broke and lifeless."
I bite my lower lip pinigilan ang sarili na maiyak. I didn't know that that happened. Paano ko nga pala malalaman hindi ko na inalam.
"Ang Sky na nakilala ko playboy. He don't chase women, women chase him. He don't beg to women, women beg for him. Pero nung nakita ko siya na nagmamakaawa para sayo? The moment that he kneeled down to me para makakuha ng impormasyon para sayo I was so shock. Don ko napagtanto na he loves you that much. He don't care what the people say about him. He dont care if he look so fool or whatsoever para sayo. That day I realize that the Playboy was finally in love. Pero sa maling tao ata siya na in love. How hopeless. A Hopeless Playboy indeed." Natawa pa siya sa huli niyang sinabi.
Tama ka Sam. Sa maling tao nga na in love si Sky. I will never be right for him. Pinahid ko ang luhang tumakas sa aking mga mata. Kanina pa ako umiiyak at hindi ko na tinago kay Sam what for? Alam niya naman nagpapanggap lang ako.
"Akala ko nga non mapapariwara siya ng buhay niya. You know typical brat and bad boy do that but hell he excell not just in acad but also in running their company like what the hell? How do you do that? Naging tahimik napakaseryoso nga non. One time non sa isang press conferrence isang reporter ang nagtanong sa kanya kung saan siya kumukuha ng inspirasyon to do that like you know he won't work so hard just because he likes to work. You know what he said?" Tila kinikilig na tanong siya,"He said that 'it's for someone so special to me. She left but when time allows me? I will never let her leave me again. For now I will prepare our future cause I want to give her the world' pero that time nalungkot ako para kay Sky. While he keeps holding unto you, you decide to let go of him." This time tumingin na siya sa akin.
Her eyes symphatized mine. Mahal ko rin si Sky. Kaya ko nga ginawa yon e. Diba? Look at him now. He is so successful in his field. And I am happy for him.
"But the couple of years past. Parang nagbago ata bigla ang ihip ng hangin. In every gathering that I am with magkasama sina Sky at Kaylee. And there is also a gossip that they are together but of course I don't believe it ikaw ang mahal niya. He's so in love with you it can't be."
I heaved a sighed and smiled at her. Pinunasan ko ang basang pisngi ko. I smiled at her.
"Ano kaba huwag kang humingi ng sorry its not your fault. I am at fault in here atsaka ginusto ko ang lahat ng ito." Aniko.
"Pero sinabi ko sayo yon kasi I want you to fight for your feelings. Tama na ang pagiging duwag Charlotte."
"It's too late for me," walang lakas na sagot ko.
"It's never too late. . Kaya pagka-graduate mo umuwi kana agad dito tutal dito ka naman na talaga kasi pangako mo yon kay Tita. You're going to manage your family business here. At tutulungan kita." Aniya sabay kindat.
Napailing ako sa kanya. Well at least she know how to light up the air. Kaya naman nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan ko siya. The benefits of a friend.
"Huwag na. Ayokong makasira ng relasyon. At saka wala akong karapatan para ipaglaban pa kung anong nararamdaman ko para sa kanya kung sa una pa lang naduwag na akong ipaglaban pa ito. I love Sky. Pero ayoko nang guluhin pa siya. Naka move on na siya. Sobrang kapal naman ng mukha ko kung guguluhin ko pa siya diba?"
Bakit parang may punyal na unti-unting tumutusok sa puso ko. Pabaon ng pabaon. Habang pabaon ng pabaon ay pasakit ng pasakit. Alam ko na namangyayari to. Na ito talaga ang kalalabasan ng mga ginawa ko pero bakit sobrang sakit parin? Pinaghandaan ko na ito. Pinaghandaan ko ito dapat hindi ito ganun kasakit. Bakit sobrang sakit parin? Kahit gaano ka pala kahanda hindi mababawasan nito ang sakit.
"Charlotte you're just going to get back what you once own. At si Sky yon." Pagpupursige niya sa akin.
"Kailan man, hindi naging akin si Sky."
BINABASA MO ANG
Hopeless Playboy
RomansSky Buenaventura is famous in his school. No one can't mess up with him. He is know for being gangster and playboy of course. He hate commitment. He just wants fun. And he like playing the girl like his toy. Love conquer everything. Even the most ev...